You are on page 1of 3

ay isa sa mga institusyong panlipunan, dito unang nahuhubog ang pagkatao ng isang nilalang.

Mula sa
tahanan, maaaring ang ibang miyembro ng pamilya ay magtungo sa paaralan samantalang ang iba naman sa
kanila aymagtatrabaho o kaya ay mamimili ng kanilang pangangailangan. Tulad ng pamilya, ang paaralan ay
nagdudulot ng karunungan, nagpapaunlad ng kakayahan, at patuloy na naghuhubog sa isang tao upang
maging kapakipakinabang na mamamayan, isa rin itong institusyong panlipunan. Samantala, ang mga taong
nagtatrabaho at kumokonsumo ng produkto ay bahagi ng isa pang instituyong panlipunan — ang
ekonomiya. Mahalaga ang ekonomiya sa lipunan dahil pinag-aaralan dito kung paano matutugunan ang
mga pangangailangan ng mga mamamayan. Mula sa tahanan hanggang sa mga lugar na patutunguhan
maaaring may makasalubong kang traffic aide, may madaanang mga tulay o kaya ay mainip dahil sa abala
na dulot ng ginagawang kalsada. Maaaring may makita ka ring mga anunsyo ng mga programang
pangkalusugan at pangkalinisan. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga tungkulin ng pamahalaan na isa
ring institusyong panlipunan. Sa pagtupad mo sa iyong pang-araw-araw na tungkulin, naghahangad ka ng
kaligtasan, nagdarasal ka na maging tagumpay ang iyong mga gawain, at maging ligtas ang iyong mga mahal
sa buhay. Lahat ng ito ay ginagawa natin dahil sa ating pananampalataya. Ang usapin ng pananampalataya
ay bahagi ng relihiyon na isa rin sa mga institusyong panlipunan. Ang pamilya, relihiyon, edukasyon,
ekonomiya, at pamahalaan ang itinuturing na mga institusyong panlipunan.
ReboniV.B
Region

You might also like