You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 10

2ND QUARTER REVIEWER

GLOBALISASYON
 isang proseso ng interaksiyon at integrasyon ng mga tao, kompanya,
at pamahalaan ng iba’t ibang bansa o estado.
 Pagpapalawig , pagpaparami at pagpapatatag ng mga koneksyon at
ugnayan ng mga bansa sa kapwa bansa, at bansa sa mga international
organization sa aspekto ng ekonomiya, pulitika, kultura at
kapaligiran.
 pgsulong ng pandaigdigang kalakalan o international trade sa
pamamagitan ng pagbubukas ng pambansang hangganan at
pagbabawas sa paghihigpit sa pag-angkat ng produkto

-Ayon kay Thomas Friedman, ang bagong mukha ng globalisasyon ay


mas malaganap, mas mabilis, mas mura, at mas komplikado.

-Ayon kay Northup, ang mga pagyayaring ito ay ilan lamang sa mga


itinuturong simula ng globalisasyon.

-Ayon kay Wade, ito ay tinaguriang “Unang Panahon ng Kalakalan sa


Asya”.

-Ayon kay Andre Gunder Frank, nagsimula ang globalisasyon noon pang
panahon ng mga unang sibilisasyon.

-Ayon kay Berger , sa mga panahong ito, malaki ang inilago ng daloy ng


kapital, palitan ng pera, at paglipat ng mga manggagawa..

-Ayon kay Yang, ang globalisasyon ay daan sa pagkabuo ng global


interests, o mga magkakatulad na interes ng mga indibidwal, ng mga
bansa, at ng mga ugnayan nila.

INSTITUSYON
 tumutukoy sa sistema ng matitibay o subok na at laganap nang mga
panuntunang panlipunan o social rules, na siya namang humuhubog
sa mga kilos at ugnayan ng mga tao.
 tumutukoy rin sa establisimiyento, lipunan, o samahang itinatag
para sa isang tiyak na layunin, gampanin, at tunguhin.
 Ang mass media ay tumutukoy sa lahat ng teknolohiyang nagagamit
sa pagpapalaganap ng kaalaman sa maraming tao (halimbawa:
pahayagan, telebisyon, radyo, at Internet).
 Ang mga multinational corporation ay tumutukoy sa organisasyon o
kompanyang nagmamay-ari at nagkukontrol ng produksiyon ng mga
kalakal o produkto at serbisyo sa isa o maraming bansa maliban sa
sariling bansa.

UNEMPLOYMENT
 Ito ay tumutukoy sa kalagayang kapag ang isang tao ay pursigidong
naghahanap subalit walang makita o makuhang trabaho o
pagkakakitaan.
1. VOLUNTARY
- sinasadyang hindi magtrabaho.
2. FRICTIONAL
- naghihintay ng panibagong trabaho o panandaliang ipinatigil ang
trabaho dahil sa ibang gawain katulad ng pagwewelga
3. CASUAL
-trabahong arawan o lingguhan, katulad sa construction at sakahan.
4. Seasonal
-Nangyayari kapag ang trabaho ay pana-panahon o para lamang sa
tiyak na panahon.
5. Structural
-Nangyayari kapag ang isang uri ng produkto ay hindi na kailangan
sa ekonomiya, kaya, hindi na rin kailangan ang mga nagtatrabaho at
namumuhunan.
6. Cyclical
-Nagakakaroon nito kapag ang industriyang kinabibilangan ng mga
manggagawa ay nakararanas ng business cycle. Kapag mahina ang
industriya, mataas ang antas ng unemployment
7. Technological
-Nangyayari kapag ang trabahong ginagampanan ng tao ay
nagagawa na ng makina o ng makabagong teknolohiya

You might also like