You are on page 1of 2

MONNALYNN R.

GALANG
11 – PBM 1

“Mundo na Mayroong Tayo”


Mundo, Matatawag nga ba itong MUNDO kung walang tayo?

Walang hayop, kapaligiran at maski tayong mga tao

Mundo na walang buhay at parang walang saysay

Mundo na tila isang malungkot na kwento at walang kulay

Ngunit maihahambing natin ito sa kwentong may malayang tugunan

Dahil sa mga tao at hayop na binibigyan ito ng kahulugan

Mga tao na binibigyang importansya ang ating likas na yaman

At mga hayop na humuhuni sa ating munting tahanan

Mga imprastraktura at bukirin na ating pinagka-kabuhayan

Sa mga tsuper at kabataan na gumigising sa umaga

Tsuper na naghahanap-buhay at pumapasada para sa pamilya

Estudyante at kabataan na pumapasok sa paaralan

Upang mag-aral at maging maganda ang kinabukasan

Ngunit ang mga dating gawi ay naging sanhi

Sanhi na naging dahilan upang matigil ang ating mga binti

Kapaligiran na tinapos ang ating pagyayapos


Takot at pangamba na tila tayo’y ginagapos

Sa ating sakit na hindi na yata matatapos

You might also like