You are on page 1of 2

SALAWIKAIN

1. Walang mataas at malayo Sa mga taong mayroong prinsipiyo

Kahulugan: kapag ang tao ay merong paniniwala, lahat ng bagay ay kaya niyang maabot.

2. Kung walang tiyaga, walang nilaga.

Kahulugan: Walang pag-unlad kung hindi ka marunong mag tiyaga o magtrabaho ng maigi.

3. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

Kahulugan: May awa ang Diyos sa tao at nais nitong tulungan sa mga problema niya sa buhay. Subalit, nasa tao pa rin kung
kikilos siya o hindi.

4. Ang buhay ay parang gulong – minsan nasa ibabaw, minsan rin nasa ilalim.

Kahulugan: Pabago-bago ang takbo ng buhay. Minsan masaya ang mga pangyayari at madali, minsan naman ay mahirap.

5. Kapag binato ka ng bato, Batuhin mo ng tinapay

Kahulugan: huwag mong sabayan ang galit ng iyong mga kaaway.

SAWIKAIN
1. Bagong – tao
Kahulugan: Binata
2. Abot – tanaw
Kahulugan: naaabot ng tingin
3. Balat sibuyas:
Kahulugan: iyakin
4. Agaw – dilim
Kahulugan: malapit nang gabi
5. Ahas
Kahulugan: traydor/taksil

You might also like