You are on page 1of 17

ARALIN 1:

SALAWIKAIN 23 (1-35)
FILIPINO 10
WEEK 1
MGA BUTIL NG KARUNUNGAN, GABAY SA
MAGANDANG BUHAY.
• Likas na matulain ang tao. Ang mga kuntil-butil
ng kaalaman ay natututuhan sa iba’t ibang anyo
at pagkakataon. Iba-iba ang paraan ngunit iisa
lang ang kahahantungan, ang ito ay kapulutan
ng aral. Aral na magbibigay-daan sa
pananagutan ng bawat tao sa kaniyang sarili
maging sa kapuwa. Kwento na maglalaan ng
sapat na panahon upang pagnilayan ang
saloobin at nais tunguhin sa buhay.
SALAWIKAIN
• Ang salawikain ay mga pangungusap na maiiksi lamang
ngunit punong-puno ng kahulugan.
• May layunin din nitong magbigay patnubay sa ating pang-
araw-araw na pamumuhay.
• Sumasalamin din ito sa kultura at tradisyon nating mga
Pilipino.
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
• Ang salita ng Diyos ay dumating sa Israel sa iba’t ibang
paraan.
• May mga taong may kakaibang saloobin, mas intresado
silang pagnilayan ang asal ng tao sa pakikipagsapalaran sa
buhay.
• Ang salita ng Diyos at ang mga aklat ng propeta ay naging
daan upang maging gabay sa magandang-asal noong
panahong iyon.
• Nakapaloob sa unang aklat ng mga salawikain ang pagninilay
sa Karunungan ng Diyos na siyang bukal ng lahat ng
karunungan ng tao.
PAGPAPAKAHULUGAN NG SALITA BATAY SA
KAYARIAN NITO
• Bawat salita ay may kahulugan. Nagbabago-bago ang kahulugan
ng salita ayon sa kayarian.
• Karaniwan, ang isang salitang-ugat kapag nilagyan ng panlapi ay
nagbabago ang kahulugan.
Halimbawa:
• Sulat (salitang-ugat)- Pangngalan
Isang uri ng pakikipagkomunikasyon
• Magsulat (maylapi)- pandiwa
Nagpapahayag ng kilos ng gagawing pagsulat.
SIMULAN MO
A. Ibigay ang kahulugan ng mga salita sa bawat bilang. Isaalang-alang
ang kayarian ng bawat isa upang mabigyan ng kahulugan.

1. Wika-
Salawikain-
2. Saysay-
Kasaysayan-
3. Palad-
Kapalaran-
4. Aral-
Pangangaral-
SIMULAN MO
A. Ibigay ang kahulugan ng mga salita sa bawat bilang. Isaalang-alang
ang kayarian ng bawat isa upang mabigyan ng kahulugan.

5. Loob-
Saloobin-
6. Tao-
Pagkatao-
7. Bahagi-
Ibahagi-
8. Buhay-
Kabuhayan-
ARALIN 1:
SALAWIKAIN 23 (1-35)
FILIPINO 10
WEEK 2
MAKAHULUGAN AT MAKULAY NA PAGPAPAHAYAG PARA
SA MABISANG PAKIKIPAGTALASTASAN (PASULAT AT PASALITA)

"Ang pakikipagtalastasan ay isang uri ng komunikasyon kung


saan nagpapalitan ng ideya o kuro-kuro ang mga taong
nagtatalakayan."
MAKAHULUGAN AT MAKULAY NA PAGPAPAHAYAG
PARA SA MABISANG PAKIKIPAGTALASTASAN (PASULAT AT
PASALITA)

• Laging ang wika ay pasulat at pasalita.


• Isa sa dapat linangin upang maging mabisa sa
pakikipagtalastasan ang pagiging makahulugan at makulay
na pagpapahayag.
• Para maging makulay ang mga pahayag, maaaring gumawa o
gumamit ng matatalinghagang pahayag na may konotasyong
pagpapakahulugan.
MAKAHULUGAN AT MAKULAY NA PAGPAPAHAYAG
PARA SA MABISANG PAKIKIPAGTALASTASAN (PASULAT AT
PASALITA)

Halimbawa:
Kapag nasiraan ka ng loob pagsapit ng kasawiampalad, ang
lakas mo’y wala kundi kahinaan.
Paliwanag:
Sa literal na kahulugan, hindi maaaring masira ang loob;
maaari ito sa konotasyong pagpapakahulugan na ang ibig
sabihin ay nanghina.
GAWIN MO
Pagsasanay 1
Isulat sa patlang ang tsek (✔) kung makahulugan ang pahayag, ekis (✘) naman kung
hindi.

______1. Huwag kang magalak na nabuwal ang iyong kaaway, at


huwag matuwa ang iyong puso kung siya'y madapa.
______ 2. Tapusin mo ang gawain mo sa labas, paghandaan ang trabaho
sa bukid, at saka mo itayo ang iyong bahay.
______ 3. Huwag kang sasaksi sa iyong kapuwa nang di-tiyak at baka
magsinungaling ka
______ 4. Ang angkop na pangungusap ay parang ginintuang mansanas
sa lalagyang pilak
______ 5. Nakakita ka na ba ng taong nagpapalagay na siya'y
marunong?
GAWIN MO
Pagsasanay 1
Isulat sa patlang ang tsek (✔) kung makahulugan ang pahayag, ekis (✘) naman kung
hindi.

______ 6. Hayaang purihin ka ng iba at huwag ng sariling bibig, ng di-


kilala at huwag ng sarili mong labi.
______ 7. Tatakas hanggang libingan ang mamamatay-tao. Hayaan
siyang tumakbo.
______ 8. Mas magiging kalugod-lugod ang nagtutuwid ng kapuwa
kaysa namumuri.
______ 9. Ang nagmamahal sa karunungan ay nagpapaligaya ng
magulang.
______ 10. Ang haring nagbibigay-katarungan sa api, sa kaniyang
luklukan ay mananatili.
Pagsasanay 2
Suriin ang sumusunod na Salawikain. Salungguhitan ang makukulay
na pahayag at ipaliwanag ang pagiging makahulugan nito.
1. Nagbibigay ng karunungan ang pamalo at parangal; nagdudulot ng kahihiyan ang
anak na pinalayaw.
Paliwanag:
___________________________________________________________________
2. Huwag kang makikipagkaibigan sa maiinit ang ulo, ni makisama sa taong lipos ang
poot, baka matutuhan mo ang kanilang gawi at masilo ang iyong sarili sa bitag.
Paliwanag:
___________________________________________________________________
3. Masamang tao, huwag kang magmanman sa bahay nang matuwid, huwag mong
guluhin ang kaniyang tahanan.
Paliwanag:_________________________________________________________
Pagsasanay 3
Dugtungan ang sumusunod na Salawikain. Isaalang-alang ang pagiging
makahulugan nito, gayundin, gumamit ng makukulay na salita o pahayag.
Ipaliwanag ang nabuong Salawikain.

1. "Mabuti pa ang bahay na kubo


na ang nakatira ay ____________
kaysa sa bahay na bato
na ang nakatira ay ____________
Paliwanag: ____________________________________
Pagsasanay 3
Dugtungan ang sumusunod na Salawikain. Isaalang-alang ang pagiging
makahulugan nito, gayundin, gumamit ng makukulay na salita o pahayag.
Ipaliwanag ang nabuong Salawikain.

2. "Ang masamang sasapitin ay talo ng mabuting


____________.”
Paliwanag: ____________________________________
3. "Ang buhay ng tao ay parang ____________ habang
umiikli, nanatak ang luha buhat sa pagsilang hanggang sa
____________, luksang libingan ay laging ____________.
Paliwanag: ____________________________________
SALAWIKAIN
• "Mabuti pa ang bahay kubo na ay nakatira ay tao kaysa
sa bahay na bato na nakatira ay kuwago"
• Ang masamang sasapitin, talo ng mabuting panalangin.
• Ang buhay ng tao ay parang kandila, habang umiikli’y
nanatak ang luha, buhat sa pagsilang hanggang sa pagtanda,
ang luksang libinga’y laging nakahanda.

You might also like