You are on page 1of 2

ANG PANG-URI

Ugnay-Wika Ang pang-uri ay salitang naglalarawan tungkol sa pangngalan


at panghalip. Maraming paraan upang maglarawan.
Maaaring sa pamamagitan ng paggamit ng kayarian ng
pang-uri. Ang mga ito ay ang payak, maylapi, inuulit at
tambalan.
1. Payak ang pang-uri kung binubuo lamang ng salitang ugat.
Halimbawa: ganda talino, bago
2. Maylapi kung ang salitang naglalarawan ay binubuo ng salitang–ugat at panlapi.
Halimbawa: maganda, matalino, makabago
3. Inuulit kung ang salitang naglalarawan ay inuulit ang isang bahagi nito o ang buong salitang-
ugat.
Halimbawa: kayganda-ganda, matalinong-matalino
4. Tambalan kapag ito ay binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinagsama o pinagtambal
na maaaring magkaroon ng pangalawang kahulugan.
Halimbawa: balat-sibuyas, utak-matsing

Sa buhay, kailangang maging pusong mamon


ka sa mga taong nangangailangan ng tulong. Hindi
mahalaga ang kasikatan dahil sa yaman, sikat na
sikat ka nga kung hindi mo naman alam ibahagi sa
iyong kapwa, balewala rin. Maging matulungin at
hindi dapat maging palalo, iyan dapat ang maging
panuntunan sa buhay ng mga taong biniyayaan ng
Panginoon ng maraming bagay. Hindi dapat tapakan
ang mga taong may buhay-alamang, sa taimtim na
panalangin sa Dakilang Lumikha, mababago rin ang
mahirap nilang buhay. Kaysarap sa pakiramdam ang
tumulong sa kapwa. Magiging magaang-magaan ang
pakiramdam kung ikaw ay magiging daan sa pagtupad
sa kanilang simpleng pangarap.

1. Suriin ang mga salitang may salungguhit sa binasang teksto. Itala ang mga ito sa ilalim ng angkop
na kayarian ng pang-uri.
Payak Maylapi Inuulit Tambalan

You might also like