You are on page 1of 1

Saan binaril si Jose Rizal?

Pinatay si Jose Rizal noong ika-30 ng Disyembre 1896 sa pamamagitan ng


firing squad sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na Luneta.
Isang hanay ng mga Pilipinong kasapi ng Hukbong Kastila ang bumaril kay
Rizal. Samantalang may isa pang hanay ng mga Kastilang kasapi ng
Hukbong Kastila ang nakahanda upang barilin ang sinuman sa kanila na
susuway.
Ayaw ni Rizal na barilin siya nang nakatalikod kagaya ng isang traydor,
ngunit hindi pinayagan ang kanyang hiling na barilin na nakaharap sa firing
squad. Sa oras ng eksekyusyon, nang marinig ni Rizal ang mga putok, ay
ipinihit niya ang kanyang katawan. Bumagsak siyang patihaya, paharap sa
sumisikat na araw sa umagang iyon ng Disyembre, kagaya ng isang
kagalang-galang na tao na dapat na pagkilala sa kanya.
Ang kaniyang huling salita ay isa sa mga huling salita ni Jesu Cristo:
"Consummatum est"—natapos na.
Pinaniniwalaan na si Rizal ang unang rebolusyonaryong Pilipino na namatay
dahil sa kaniyang mga gawa bilang manunulat, at dahil sa kaniyang sibil na
pagsuway ay matagumpay niyang natibag ang moral na pamumuno ng
Espanya.

You might also like