You are on page 1of 1

Sino ang pumatay sa GOMBURZA?

Ang GOMBURZA ay isang daglat – o pinagsama-samang mga bahagi


ng apelido– para sa tatlong martir na paring Pilipinong sina Mariano
Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora na binitay sa pamamagitan ng
garote na wala man lamang abugado noong Pebrero 17, 1872 ng mga
Kastila sa mga paratang ng pagpapatalsik ng pamahalaan na nagdulot
ng pag-aalsa sa Cavite noong 1872. Nag-iwan ang kanilang pagkabitay
ng mapait na damdamin sa maraming mga Pilipino, lalo na kay Jose
Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas. Inihandog ni Rizal ang
kaniyang nobelang El Filibusterismo para magsilbing alaala sa tatlong
paring ito.

You might also like