You are on page 1of 2

QUARTER 2 MODULE 4 ESP 5 ACTIVITY SHEET

Pangalan:____________________________ Iskor:____
Baitang at Seksyon:____________________
Aralin: Ginagampanan Ko ang Aking Tungkulin
Tuklasin
Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
“Nagbago si Rosy”
Mahal si Rosy ng kaniyang nanay at kapatid. Ngunit palagi siyang pinaaalalahanan ng
kaniyang nanay na ayusin niya ang kaniyang mga gamit at labhan ang kaniyang mga damit.
Nahihirapan siyang gawing mag-isa ang mga takdang-gawain.
“Tingnan mo ang kama mo, Rosy! Nagkalat ang marurumi mong damit. Dapat mong labhan
ang mga ito, pagpapaalaala ng kaniyang ina.
“Kailangan ko po bang gawin iyan? Masusugatan po ang mga kamay ko. Bakit hindi na lang
po kaya tayo kumuha ng kasambahay?” mungkahi ni Rosy.
“Rosy, hindi dapat na laging umaasa sa isang kasambahay. Kailangang matuto kang gawing
mag-isa ang mga takdang-gawain.”
“Masyado po akong mapapahiya kung makikita ako ng mga kaibigan ko na naglalaba,”
pagpipilit ni Rosy.
“Bakit ka mapapahiya? Tiyak na hindi dapat dahil nagtatrabaho ka. Mas nakakahiya ang
katamaran. Walang patutunguhan ang mga taong tamad.”
“O, sige po Inay, lilinisin ko po ang kuwarto ko. Lalabhan ko na rin po ang mga damit ko.
Ipinapangako ko po iyan.”
“Okey, aasahan ko iyan! Mula ngayon kailangang linisin mo ang iyong kuwarto at labhan ang
iyong mga damit. Dapat kang magtrabaho nang mabuti para sundin ka ng nakababata mong kapatid.
”Opo, Inay, ipinapangako ko po. Magiging mabuting modelo ako para sa nakababata kong
kapatid,” paninigurado ni Rosy sa kaniyang ina.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa kwento.


1. Ano ang palaging ipinapaalala kay Rosy ng nanay niya?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Bakit kailangang baguhin ni Rosy ang kaniyang nakagawian?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
3. Paano maging ‘mabuting modelo’ ang isang batang tulad mo?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
4. Ano ang natutunan ninyong magandang aral sa kwento. Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
5. Ano ang palaging ipaalala ng iyong nanay bilang iyong tungkulin na ginagampanan?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
Pagyamanin

Panuto:Basahin ang pangungusap sa kahon, bilugan ang titik kung ito ay nagpapakita ng
ginagampanang tungkulin.
a. Gumagawa ako ng mga gawaing bahay c. Sumama sa pamamalengke araw araw
tuwing linggo

b. Tuparin natin ang mga tungkulin sa d. Ang tungkulin ay hindi lamang sa


pamilya, simbahan, paaralan, at iyo
pamayanan.

Isagawa

Panuto: Gumuhit ng batang nagpapakita ng pagganap ng kaniyang tungkulin alin man sa mga
sumusunod: pamilya, paaralan, simbahan, o sa pamayanan. Ipaliwanag ang nabuong guhit.

Tayahin

Panuto: Basahin at intindihin ang bawat sitwasyon na ibibigay. Isulat sa patlang ang salitang
Magpaubaya kung sa tingin mo ito ang dapit gawin. Hindi Magpaubaya naman kung sa tingin mo
hindi ito ang dapat gawin.

___________1. Umiiyak ang kapatid mo dahil nakita niyang kumakain ka ng ice cream.
Iisa nalang ang ice cream. Ano ang gagawin mo?
___________2. May nakita kang pulubi sa daan na nanghihingi ng pagkain. Alam mong
may pagkain ka sa bag. Ano ang gagawin mo?
___________3. Gusto ng kapatid mong magdrive ng iyong bisikleta kahit hindi pa siya
marunong. Ano ang gagawin mo?
___________4. Maysakit ang nanay mo. Napag-usapan ng iyong barkada na gumimik.
Ano ang gagawin mo?
___________5. Nagmamadali ka dahil late ka na sa klase. May nakita kang matanda na
nahihirapan sa pagtawid ng kalsada. Ano ang gagawin mo?

You might also like