You are on page 1of 2

Lihim na Pagtingin

Ni:Zia L. Dumalague

Prime_ZiBhe

Sa dami ng tao sa mundo,

  Nabihag mo ang paningin ko,

  Sa unang titig mo tumibok kaagad ang puso,

Na animo'y may naghahabulang kabayo.

Simula ng sumupling sa aking damdamin,

Ang lihim sayong pagtingin,

Akoy nanalangin sa bandang huli,

Ikaw ay aking makapiling.

Gusto ko mang sabihin

Na ako sayo'y may pagtingin

Subalit laging nauunahan ng kaba

Na baka ako'y iyong ibalewala.

Nang makita kitang may kasamang iba,

May kirot akong nadama,

Ang masaklap bestfriend ko pa,

Maraming tanong ang naglalaro sa isip ko, ano ba talagang meron sa inyong dalawa?.

Nawalan na nang pag-asang mapansin mo,

Dahil  sa mga mata mo

Siya na ang nakikita ko,

May puwang rin kaya ako sa buhay mo?


Ang hirap labanan ang sakit na nararamdaman

Kahit anong pilit na isaksak sa aking isipan

Sa aking puso pangalan mo parin ang isinisigaw

Ngunit anong magagawa ko kung ikaw na mismo ang umayaw.

You might also like