You are on page 1of 1

San Roque National High School nagsasagawa ng Unang Kwarter “Tabo sa Kinaadman”

Crystal Faith E. Paragoso

Ang Tabo sa Kinaadman ay isang okasyon sa bawat paaralan na isinasagawa bawat kwarter. Dito ay
pumupunta ang mga magulang sa paaralan upang makita ang mga ginawang proyekto ng kanilang mga
anak. Ang San Roque National High School ay isa rin sa mga paaralan na aktibong nagsasagawa nito. Sa
kabila man ng pandemya at mga restriksiyon ng gobyerno ay naisasagawa ito ng maayos. Noong
Nobyembre 27,2021 araw ng Sabado ay isinagawa ng SRNHS ang Unang Kwarter Tabo sa Kinaadman
dito sa napiling dako, ang Barangay San Roque Covered Court.

You might also like