You are on page 1of 2

Aralin II – Pagmamalasakit sa Kapwa

Isa sa pinakamagandang kaugalian nating mga


Pilipino ay ang pagiging matulungin sa kapwa. Ang
isang Pilipino ay hindi nagdadalawang-isip na
tumulong kapag may nangangailangan. Tinatawag rin
itong pagmamalasakit sa kapwa. Paano mo ba
maipapakita bilang kabataang Pilipino. Maipapakita
mo ito sa pamamagitan ng pagtatanggol sa mga
nabubulas, pagpigil o pagsaway sa mga nambubulas
at pagbigay natin ng impormasyon sa kinauukulan
sa mga hindi magandang pangyayari sa ating
kapaligiran na nasaksihan ng mamamayan. Paano
nga ba magbigay-alam sa kinauukulan? Napakahalaga
na ikaw bilang bata ay marunong magbigay-alam sa
Kinauukulan tungkol sa kaguluhan o insidente at
marunong kang magmalasakit sa kapwa na
sinasaktan, kinukutya o binubulas.
Ipagbigay alam mo sa sumusunod na kinauukulan:
1. Sa iyong pamayanan, o komunidad ay ang
pagpapatupad ng batas tulad ng pulis at mga
opisyal at tanod ng barangay.
2. Sa loob ng paaralan ay ang iyong Adviser at mga
guro, Guidance counselor at Principal.
3. Sa inyonh tahanan at kapitbahayan ay ang iyong
mga magulang o tagapangalaga naman at mga
nakatatanda na maaaring magtanggol (elders in
the community).

You might also like