You are on page 1of 1

Republic Act 11310 o Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang malaking tulong


pinansiyal para sa ibang mamamayang Pilipino na hindi sapat ang kinikita
kada buwan o kapos sa panggatos sa araw araw na buhay, ngunit ito ay may
balakid din dahil hindi lahat ng miyembro ng 4Ps ay karapat dapat sapagkat
kahit may kaya sa buhay ay nakakatanggap kada buwan kaya’t kailangan ng
masusing pananaliksik sa isang pamilya kung nararapat ba itong maging
miyembro ng 4Ps.
Ang 4Ps nga ba ay isang malaking tulong sa mga mahihirap o isang
pangungunsinti lamang sa katamaran ng ilang mga mamamayan? Itigil natin
ang ganitong diskusyon dahil alam naman natin hindi lahat ng tao ay
binibigyan ng magandang kapalaran sa buhay, may mga taong kahit anong
sipag, kahit dugo’t pawis pa ang ilaan may mga taong pinagkakaitan talaga.
Kaya’t Oo malaking tulong ito para sa mahihirap at sasapat kung maganda
ang pamamalakad ng gobyerno sa bansa ngunit hindi at kung pantay ang trato
kung mayaman ka o mahirap.

You might also like