You are on page 1of 3

THQ- MINUTES (DECEMBER 9, 2021)

ANNOUNCEMENT
1. December 21- Deadline ng Reflection 3
- Ibibigay yung tanong bukas ng umaga o maaari mamaya.
2. Yung prompt for the final project ay gawin pa rin kahit hindi nakapasok sa session.
3. December 14 (Next Meeting) - Required ang panonood ng Maria Clara lecture (optional yung reading).
- isasabay sa discussion ng “After lives ni Maria Clara”, susubukamg i-address ang issue sa
kababaihan (Malolos reading).

ASYNC (VENERATION)
Sir Tilde: Anong tingin niyo sa usapin na kailangan pa ang mga pambansang Bayani? O Hindi na? Pag may
pambansang bayani may na-eexclude.
Shan: may slight necessity dahil reminder ng history sila pero nagagamit din sila para mabago yung
nangyari sa history.
Tilde: Pag wala sila, maaaring maulit yung mga kaganapan sa history. Pero, yung pagkakaroon ng Statue
parang nagbibigay ng taas ng Pambansang Bayani. Sa hardin ng mga tao, nagpaapakita na may number 1.
Kailan ba ng number 1 na bayani sa nation?
*Tatlong grupo ang implicitly nagdala ng konsepto ng Hierarchy sa naging pangkatang grupo.
Benson: Yung hierarchy ay lalabas at lalabas unconsciously. Bilang isang bansa, pumipili tayo ng the best
o may pinakamalaking kontribusyon. Importante rin iyon dahil parte rin iyon ng National Identity natin
bilang bansa.
Sir Tilde: Dahil sa pangagailangang e-define ang Pilipino kaya kinakakailangan. Gaya ng pagiging “first
National Filipino” ni Rizal. Walang decree na nagsasabi na si Rizal ang national Hero pero implied sa mga
monument and readings. Ang national Identity ay nakatali kay Rizal.
Alyssa: Mahirap magkaroon ng national Identity dahil may iba’t iba tayong identity. Yung pagkakaroon ng
National identity ay ilan lang mga tao ang nagdedecide pero ang mga Pilipino ay nagiging kritikal na,
parang hindi na angkop sa paniniwala nila yung National Identity.
Sir Tilde: May argument na nagmula sa taong bayan din ang pagkilala na National hero si Rizal na parang
inadapt na rin ng Americans para gamitin sa pagpapatupad ng hangarin nila.
Does it follow na perfect si Rizal dahil na-embody niya yung pagiging “National”?
Ang OFW ay tinuturing na bagong bayani. Ito ba ay pagkilala o pampalubag loob lang?
Anong tingin niyo sa pagkakaroon ng Hierarchy?
Kaloy: Mas magandang wag na lang magkaroon ng hierarchy dahil nagbabago ang panahon. Mag-adapt na
lang sa hinihingi ng panahon. Mag-adapt yung pananaw natin sa bayani sa current state ng bansa.
Sir Tilde: Dapat may sense of scale sa naging ambag.
Ang problem, ang issues sa panahon ni Rizal ay issues pa rin ngayon kaya parang relevant pa rin siya. Mas
tago lang yung oppression dahil may ilusyon tayong malaya tayo. Kaya mas kailangang ipaalala ang lessons
ni Rizal at Bonifacio.
PAGTALAKAY SA HARDIN NG MGA TAO NG MGA GRUPO
GROUP 5
Kaloy: Pinakanaging problema ay ang ilalagay na tao. Hinati sa apat na pangkat.
Una, sa may entrance ay mga bayani. Sila ang pinakamalaking pangalan at sikat. Nagbigay daan sa
malayang Pilipinas.
Pangalawa, yung mga lumalaban para sa Human Rights, mga national scientist, journalist at national artist
dahil mahalaga rin sila sa Lipunan.
Ikatlo, Taksil at traydor sa bansa.
Rachel: Inuuna namin ang mas kilalang tao kaysa sa maruruming tao para reminder na maging alert sa mga
nangyayari.
Kaloy: yung mga ibang nabanggit din sa teksto ay wala namang direktang ambag sa Indonesia.
GROUP 4
Shan: Binase ang akda sa DND(?). Nag-try kami mag-incorporate ng international figures pero nahirapan
dahil walang dayuhan na 100% for the Philippines ang ginawa nila. Sa pagsasaayos din ay may naging
discussions sa group dahil gaya kay Marcos, pwede siya sa hindi lang isang category.
Vern: Yung challenges ay kung paano icacategorize yung mga tao dahil may category na nag-ooverlap.
GROUP 3
Benson: Challenges ay pagpili ng mga tao dahil marami ring mga tao na may naging contribution. Mga
lumabas na tanong sa naging pagpili ay “Anong nagawa niya?”. Isa ring lumabas na tema ay pumili sa iba’t
ibang mga field.
Nahati ang mga tao sa The good place, medium place at bad place base sa kanilang mga nagawa. Usually,
mga nasa the bad place ay mga tumulong sa mananakop.
Kath: Nung nirarank yung mga tao, parang nagiging implied na ranking siya ng mga fields kaya diniversify
ang pagpili. Pero may limitations din sa paggawa ay yung knowledge sa field.
Sir Tilde: (Additional) Si Juan Luna, dapat ba siyang nasa the bad place dahil sa issue ng domestic violence?
Pano icacategorize yung mga may magandang ambag pero may episode na naging masama sila?
GROUP 1
Cris: Nakakontesto yung aming representasyon sa pandemiya. Una naglista muna ng mga sector o tao na
may dulot, maganda man o hind isa pandemic response. Sa huli puro sector lang ang naitala dahil walang
nag-pop out na pangalan ng tao. Tapos nakahierarchy ito base sa naging antas ng ambag nila.
Sir Tilde: Masyadong safe ang pagpili ng sector at hindi pagbanggit ng pangalan. Interesting na karamihan
sa naging output ay nag-include ng mga pangalan na remarkable sa sector. Kailangan ng tao o modelo na
nagiging simbolo.
Sa international na hardin, nakalagay si Marx dahil naapply pa rin yun sa maraming bansa.
Napapakinabangan pa rin ang mga teorya nila. Theorist ang mga nasa tuktok dahil communist intellectural
si Malaka. Mahalaga ang teorya dahil kailangan siya ng praktika at vice versa. Hindi pwedeng bitawan ang
teorya o manatili sa teorya. Walang direksyon ang paglubog sa masa kung wala kang teorya.
Nagcocomplement sila sa isa’t isa.
Babalikan sa Dec. 16.

You might also like