You are on page 1of 6

THQ Minutes: January 4, 2022

Announcements/Reminders:
● Next Meeting: Troubleshooting/Progress Report ng Class Project
● Reflection 4:
○ Details to be announced after classes
○ Options:
■ Critical Essay - Comparative Analysis ng isang karakter sa Etikang Tagaolg at isang
prominent figure
● Tukoying ang differences at similarities
● Paano sila mauunawan pareho
● Pwedeng magkapareho (Hal. Agaton-Duterte sa leadership)
● Pwede ang mga iba (Hal. Leila de Lima - Kapitana Barang)
● Walang Min. at Max. 5,000 words
■ Malikhaing Crucible - 30 mins. dayalogo ng dalawang tauhan sa Etikang Tagalog
● Hal. Nasa elevator
● Suggestion: nasa sasakyan, bangka, etc.
● Hal. Driver ng Grab si Agaton. Pasahero si Silvino. Kunyari, ikukubinse ni Silvino
na iboto si Leni.
● Pwedeng may context pero mas interesting yung diretso sa dialogue
● Pwedeng gunawa ng tension kapag di sinasagot ng isa yung kabila
● Around 3,800-4,500 words
● Ipapasa bilang text sa email. Kung gustong i-record bilang audio, pwede rin
(.mp3 or .mp4)
○ Deadline ng lahat ng minor requirements: January 17 ng umaga
● Deadline ng Final Requirement (Final project): January 20

Diskusyon
Context
● Sir: Paano lumabas o nabuo yung Etikang Tagalog? Ano ang iba sa authorship ng
Etikang Tagalog kumpara sa dalawang naunang nobela? Sino ang nagsulat/gumawa
nito? Paano ito literal na nabuo compared sa Noli at Fili?
○ Vern: Mas gusto ni Rizal na ipakita kung paano yung mga Pilipino. Sinubukan din niyang
isulat sa Tagalog.
○ Sir: Mas directed internally ang Etikang Tagalog. Mas directed ito sa kapwa Pilipino o
kapwa Tagalog. Tagalog specifically ang cinacaricature nila. Spanish ang target ng Noli.
Sinubukan ni Rizal isulat sa Tagalog, pero di niya rin kinaya. Mahina and grasp ni Rizal
sa Tagalog. May ga drafts sa Tagalog, pero ang final output ay Spanish dahil mahirap
magsula sa language na di ka fluent.
○ Ysa: Nabuo dahil nasalin ni Ocampo. Hindi naman siya natapos. Yung iba, nakasulat sa
Tagalog, yung iba, nakasulat sa Espanyol.
○ Sir: Malaki yung pagkakaiba. Ang Noli at Fili, si Rizal lang yung nagsulat nito. Mas may
direktang hand si Rizal sa pagsusulat. May salin ang Noli at El Fili, pero may direct
source. Ang Etikang Tagalog ay parang mga hiwalay na chapters. May mga ibang
bersyon si Nilo S. Ocampo at Ambeth Ocampo. May intervention sa pagkakabuo ng
Etikang Tagalog. Si Rizal ang nagsulat, pero sina Nilo at si Ambeth and bumuo sa mga

Prepared by: Lui Medrano


THQ Minutes: January 4, 2022

pahina. Siyempre, may bias. May mga dynamics sa pagiging subjective at objective.
Lumalabas ang choice of word at choice of order.

● Sir: Paano nagkakatulad ang Etikang Tagalog sa Noli-Fili? Paano siya nagdedeviate?
May mga parehong theme ba?
○ Kath: May parehong style na sa first few chapters, magsstay sa isang scene, pero
iba-iba yung napapakita. May mga parehong character din (Maria Clare, mga prayle),
ang pagkakaiba ay yung mga pangalan.
○ Sir: Mococompare natin si Cecilia kay Maria Clara, at si Isagani kay Ibarra. May mga
recurring character si Rizal, na may pagkakaiba ng konti.
○ Vern: Naipakita ni Rizal ang illegitimacy. Mas nabigyan ng concrete example na mahirap
maging illegitimate child, kahit may pambayad ka naman. Nakikita yung malakas na
influence ng Church. Hindi pa rin kaya magdeviate ang church sa politika, na kita kay
Kapitan Panchong at kalaban niya.
○ Sir: Dahil same na colonial society, may pare-parehong issues. Mahirap magsulat ng
bago. For 100 years, di naman substantially nagbago yung Philippine society. Pwede
magbago in terms of form o anyo, kaya may experimental akda ng panitikan. Kung
nagbago yung Philippine society ng konti, doon lalabas yung bagong akdang
pampanitikan.
○ Raqs (via chat): “Yung napansin ko po, although baka ako lang, mas magaan po siya
compared sa Noli and El fili. Napansin ko rin po na Isa sa naging focus is yung pagiging
"fanatic" ng mga Filipino sa religion and paano nakakaapekto sa kanila Yung char ni
Padre agaton.”
○ Sir: Tama. Mas relatable at mas magaan ang Etikang Tagalog. Ang fanaticism ang mas
naging focus. Mas maagan siya in terms of bilang ng pahina. Nadadama din yung bawat
galaw ni Agaton, apektado yung buong bayan. Nararamdaman din ito sa mga
presidential candidate ngayon dahil sa eleksyon. Kita rin ito sa mga supporters o “fans”
nila.
○ Kath (via chat): “sir confirm ko lang po, si nilo ocampo po ba yung nagtitle ng "etikang
tagalog"?”
○ Sir: Parang siya kasi dinefend pa niya. Si Ambeth Ocampo, “Makamisa” ang pinili niyang
title. Nung una, akala nilang lost chapters ng Noli dahil walang label sa boxes. Si
Isagani, parang Ibarra, kaya akala nilang sequel. Pero hindi ito sequel dahil ibang
context. Hindi naman siya repetition lang ng Noli.
○ Louis (via chat): “Yung napansin ko nga rin po parang mga nasabi na po- iba yung tono
ng pagsulat ni Rizal, yung mas magaan at parang mas para sa karamihang Pilipino.
Para sa Pilipino na kumpara sa mga dating parang mas para sa Espanyol nakasulat. Isip
ko parang bang narealize niya yung pagiging disconnected nga ng mga nasulat na niya
sa masang Pilipino, so pambawi ba niya ito sa pagkulang na yun?”
○ Sir: Nandun din yung mga monents na nagttravel si Rizal. Yung mga Hapon at Aleman
ay may way to connect to each other. Kaya nila mag-usap kahit magkaiba sila ng
pinanggalingan. May guilt si Rizal na di siya makasulat at di niya makausap yung mga
Ilokano o Cebuano. May sort of guilt, kaya niya sinubukan isulat sa Tagalog, pero
caricature siya ng masang Pilipino at ang pagiging panatiko nila.

Prepared by: Lui Medrano


THQ Minutes: January 4, 2022

Substance
● Sir: Pwedeng gamitin ang nobela at ang mga karanasan natin sa Philippine society
para maunwaan yung nobela. Anong pinapakita ng nobela tungkol sa Philippine
society? O ano ang pinapakita ng Philippine society tungkol sa nobela?
○ Sir: Yung una, mas gustong maunawaan yung Philippine society at ang takeoff ay yung
nobela. Yung kabaliktaran nito, yung nobela yung center. Paano mauunawaan ang
nobela base sa alam natin sa colonial society, specifically, at sa kasalukuyang lipunang
Pilipino? Yung mga institutions, nandiyan pa rin - yung simbahan at pamahalaan.
○ Shandy: Una ko pong naisip yung fanaticism ng Pilipino at power of religion. Bawat
aspeto ng lipunan (political at domestic life) ay affected sa mga galaw ni Padre Agaton.
Mas na-magnify ni Rizal on a smaller scale yung reach and influence ng religion
compared sa mga dating novels. Second is yung acceptance ng mga Filipino when it
comes to inherent paradoxes. Si Padre Agaton ay pari pero ok lang na nakikipagflirt siya
sa mga babe. Honor nga sa kanila kung napansin ka ni Padre Agaton. Sa kaso ng mga
pista. Religious dapat ito, pero nagkaroon ng gulo - okay lang sa kanila yung ganun.
○ Sir: Naapektuhan yung domestic life. Nabadtrip si Agaton so hindi niya biniyagan yung
anak ni Anday, lalong napuruhan si Anday ni Kapitana Barang. Yung mood ni Agaton ay
may mabigat na epekto sa buhay ni Anday. In the first place, siya yung hinahagupit ni
Barang, mas lumala pa kasi dahil hindi biniyagan yung anak ni Anday, lalo siyang
pag-iinitan ni Barang.
○ Raqs (via chat): “Sir, subok lang po, napansin ko yung chapter na nagtatalo (in a way)
Sina kapitana Barang at si Anday na imbes na makita na may mali ang kura sa
pagtanggi sa pagbebendisyon sa anak ni Anday, mas nasisi pa si Anday na bakit hindi
nagmakaawa at lumuhod.”
○ Sir: Tama, sinisi pa ni Kapitana Barang si Anday. Panatiko ni Agaton si Kapitana Barang.
Isa pang contrast, hindi naman stereotypical na prayle si Agaton, in terms of physical
appearance. Siya ay pogi at matipuno, hindi malaki yung tiyan. Antas-celebrity siya kaya
siya yung pinupuntahan sa misa. Apektado lahat ng tao kapag badtrip siya.
○ Jay (via chat): “For me po, yung work is parang reflective na naman nung impression na
walang ginagawa ang Filipinos. Parang sa Katamaran lang, pero in this case women
yung initially nahighlight nung nabanggit niya na these people are all about Padre
Agaton’s business.”
○ Naui: Yung sinusulat ni Rizal, parang sinusulat sa panahon natin. Halos walang
pinagbago yung mga problema ng Pilipinas mula noon hanggang ngayon. Yung mga
tao, parang sinasaksak yung sarili nilang dignidad para sa karapatang hindi dapat
binebeg. Yung gigil, meron sa part ni Anday.
○ Sir: Si Anday ay kawawang character.

● Sir: Sa context ng kolonyal na lipunan, misdirected ba yung “guns” ni Rizal? Yung


mga diskurso ng fanaticism ay may tendency to disregard yung agency ng mga
panatiko. Halimbawa, hanggang kailan ka mag-aadjust sa mga Marcos apologist? In

Prepared by: Lui Medrano


THQ Minutes: January 4, 2022

this case, yung tingin ni Rizal na walang ginagawa, maliban sa fanboying at fangirling
kay APdre Agaton, implicitly, tamad ba yung mga Pilipino o tinatanggap na lang?
Naninisi ba si Rizal ng hindi dapat sisihin? Bakit sisihin ang mga panatiko imbes na
yung idol? Hanggang saan natin to pag-iisipan? Halimbawa si Poblacion Girl. Kailan
ba pwede puruhan ng atake ang mga tao? Kailangan bang isulat yung Etikang
Tagalog laban sa Philippine colonial society? May victim blaming ba? Paano
magiging kritikal sa lahat ng tao, pero may mga priorities?
○ Sir: Dapat makulong si Pobalcion Girl, pero dapat mauna si Debold at yung iba pang
quarantive violators. Walang kredibildad yung batas, yung mataas na connection,
malaya pa rin. Dahil ba recent yung mga galing US? Dapat may legal actions sa mga ito,
pero paano magkaka-legal action kung pare-aprehong tao yung nasa pwesto. Si Rizal
ba ay naninisi ng biktima sa pagfocus niya sa mga panatiko? Kailangan o necessary ba
ito?
○ Benson: Kung titignan ng hiwalay sa laht yung Etikang Tagalog, parang victim blaming
ito. Pag sinama ito sa ibang works ni Rizal, dun lang siya nagfocus siya sa mga Pilipino
kaya yun yung na-highlight. Sa tanong ng kailan mas magiging kritikal, dapat unahin ang
underlying or root causes kung bakit nagkakaganito yung mga Pilipino. Kailangan din
makita kung paano masosolusyonan ang mga ito
○ Kath: Maysado pang maaga na sabihin na ganun yung tema dahil unfinished novel po
sia. Sa nabasa ko, parang nagiging navel gazing ang novel kasi masyadong pinupuno
yung sarili niya. Hindi nattake into account yung systemic part ng fanaticism. Kailangang
unahin yung sistema bago natin masabi yung nangyayari sa society ngayon.
○ Sir: Kunyari, nagfocus ang isang singer o banda na may album na nakafocus sa
migrants. Ang previous album niya ay tungkol sa previous experiences. Sa dating pang
album, nagfocus siya sa corruption. Ang album niya ngayon ay tungkol sa identity.
Masasabi mo bang nagfocus lang siya sa identity? Siyempre, hindi. Kailangang tignan
yung body of work para subukang tukoying yung tendency ng artist, May controversial
take na ihiwalay ang artist sa work. Kung nabasa yung Etikang Tagalog, at yun lang
yung nabaso mo, tapos tingin mo misdirected si Rizal, kailangan mong patunayan kung
misdirected talaga. Mas may authority yung nakabasa ng ibang works. Mas fair sukatin
si Rizal kung titignan mo yung body of works, at hindi yung specific na trabaho lang.
Kulang din yung pag-expose ng structural problems, pero hindi natapos yung nobela.
Walang nahanap na outline sa gameplan ni Rizal sa pagsulat ng nobela. Hindi rin natin
alam yung method. Ang tinuturo ngayon, sinusummarize yung chapter. Wala namang
ganung nahanap para masilip yung direction ng nobela.

● Sir: Paanong nagrereflect yung local politics sa Tuktukan? Ano ang nasasabi nito sa
local politics ng Pili?
○ Shandy: May deceit and greed sa politics ng Pili. Implied sa mga itlog ng anak na may
pagdadaya. Yung suporta sa pagtakbo ay nanggagaling sa mga regalo kay Agaton.
Nagrereflec na may pandaraya yung mga politician, parang sa Tuktukan, kaya sila
nananalo. Kapag sila na yung nagtunggalian, trinatry nilang i-blame yung dayaan ng
kabilang party while denying theirs. Nagkakagulo in the end dahil ayaw nilang i-accept
na yun yung ginagawa nilang paraan

Prepared by: Lui Medrano


THQ Minutes: January 4, 2022

○ Sir: Directly, anak ng mga kapitan yung dalawang bata na nag-tuktukan. May dayaan sa
Tuktukan, na reflective sa bribery at ibang anyo ng dayaan, na nakita rin sa ibang
chapter.
○ Kath: Unang nakita yung padrino system dahil kita sa society kung sino ang angat. Sa
world ni Rizal, yun yung mga nasa politika. Kay Silvino, mataas yung tingin sa kanya ng
mga kalaro niya kasi malakas yung tatay niya Lumalabas yung palakasan system, yung
nepotism na relevant pa rin today. May corruption pa rin. Kita ito ngayon sa politics ng
Pilipinas.
○ Sir: Imbes na maging madumi yung reputatsyon ni Silvino, siya pa yung sikat kasi anak
siya ng tatay niya. Yung mga anak ng tatay ay ay higher changes of corruption. Sila rin
yung mas confident usually, parang si Sara at Bongbong. Kinukunan nila ng confidence
yung mga tatay nila.
○ Benson: Nakikita sa society na magkadikit ang politics at patriyarkal na lipunan. Kita ito
sa pagyayabang ni Silvino at yung isa pa. Mayroon ding catcalling kay Cecilia at yung
iba pang babae.
○ Sir: May catcalling sa nobela bago naging buzzword ang terminong ito. Father figure si
Agaton kahit wala siyang anak kasi prayle siya. Pinag-aaway niya yung mga
anak-anakan niya. Ganyan din naman si Duterte at Parlade. Si Parlade, sabi niya
nagseselos siya kay Bongo. Nag-aaway-away ang mga anak ni “Tatay Digong” para sa
atensyon o favors at access sa kapangyarihan.

● Sir: Anong nagyari sa dulo? Kung itutuloy niyo ang nobela o magsusuglat kayo ng
sequel, ano ang gusto niyong i-explore o i-elaborate na hindi nabigay ng
kasalukuyang version?
○ Sir: Depende to sa kung ano ang importante sa inyo. Kung gusto niyo magdoktor, baka
gusto niyong i-explore yung mga karakter na doktor. Sino yung mga characters na gusto
niyo pang i-develop? Ano ang gusto niyong i-tie na loose ends ng nobela?
○ Shandy: Gusto kong i-explore yung paano naapektuhan yung pagiging panatiko ng mga
pulitiko kay Padre Agaton - yung mga nasa laylayan ng lipunan. Sa isang chapter, may
mga nireraise na related sa mga magsasaka at sa mga pagbuo ng tulay, pero dinismiss
ni Panchong dahil mas importante ifigure out bakit bad mood si Padre Agaton.
Interesting sana i-explore yung other side. Paano naman yung on the receiving end ng
mga ulitika at yung mga panatiko?
○ Sir: Ang pinaka-well developed na pagpapakita ng effect sa mga margins ay yung kay
Anday, pero parang kulang pa. Nasa receiving end lang sila ng violence, hindi
na-explore yung agency nila. Base kay Dr. Campoamor, sa Noli, mas detalyado yung
bahay ni Kapitan Tiyago. Yung bahay ni Elias, in passing lang. Meron ding weird
characterization si Elias. Implied dito na hindi kilala ni Rizal yung marginalized. Baka
hindi pa siya nakakapasok sa mga barong-barong. Mas nakapasok siya sa magandang
bahay o mansyon. Kaya rin hindi solid yung pagcharacterize kay Elias. Highlighted ni
Dr.Campoamor na hindi pa nakakita si Maria Clara ng buwaya. Biglang tumalon si Elias
para makipagwrestling sa buwaya. Weird ito na characterization.
○ Kath: Kung magsusulat si Ruizal tungkol sa panahon ngayon, it would be this novel. Dito
rin makakauha ng nakakatawang moments dahil yun yung nagrereflect sa Philippine

Prepared by: Lui Medrano


THQ Minutes: January 4, 2022

politics. As a writer, gusto ko rin i-explore yung struggles ng babae. Pareho yung
struggle bilang babae, pero iba-iba ang mga struggles na ito based sa status sa society.
Nasimula na rin ito ni Rizal.
○ Sir: Arguably, parang mas empowered Si Maria Clara kaysa sa mga ibang babae.
Walang convention-vs.-kamatayan moment si Cecilia. Hindi natin alam kung may balak
si Rizal na magdevelop ng empowered na babae karakter. Interesting na i-elaborate pa
yung babaeng characters. Yung mga bagay na hindi tapos, hanggang speculation lang
ang kayang gawin. May vote buying sa nobela. Ang problema ni Panchong, mas malaki
ang kayang impabayad ni Crispin. Ebidensiya ang nobela kung gaano ka-backwards
and Philippine society dahil meron pa rin ang mga ito hanggang ngayon. Mahirap
magsulat ng bago sa lipunang luma. Para mas makasulat ng bagong panitikan, mas
magiging possible ito sa bagong economic o political order. Hangga’t ganito yung order,
most probably, rehash or remix ng dating sulat ang lalabas.

Prepared by: Lui Medrano

You might also like