You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XIII - CARAGA
CITY DIVISION OF TANDAG
TANDAG NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
CITY OF TANDAG

Unang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 10

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel

1. Mga suliranin o pangyayaring gumagambala sa kalagayan ng ating pamayanan at sa


bansa.

A. Isyung showbiz
B. Kasaysayan
C. Kontemporaryong Isyu
D. Balita

2. Ang paglabag sa patakarang sa pangangalaga sa kalikasan ay isang uri ng isyung?

A. Panlipunan
B. Pangkalusugan
C. Pangkapaligiran
D. Pangkalakalan

3. Alin sa sumusunod na halimbawa ng print media ang hindi kabilang?

A. magazine
B. journal
C. internet
D. komiks

4. Ito ay mga mahahalagang pangyayari sa loob ng bansa na may malawakang epekto sa


iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamilya, simbahan, pamahalaan, paaralan, at
ekonomiya.

A. Isyung Pangkalusugan
B. Isyung Pangkalakalan
C. Isyung Panlipunan
D. Isyung Pangkapaligiran

5. Ito’y mga suliraning may kinalaman sa kapaligiran at pangkalahatang kaligtasan ng


mamamayan.

Tandag National Science High School


Tabon-tabon, Brgy. Quezon, City of Tandag
Email Address: sciencehighschool.tandag@gmail.com
Telephone No. (086) 214-5827
Facebook Page: Tandag National Science High School Board
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XIII - CARAGA
CITY DIVISION OF TANDAG
TANDAG NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
CITY OF TANDAG

A. Isyung Pangkalusugan
B. Isyung Pangkalakalan
C. Isyung Panlipunan
D. Isyung Pangkapaligiran

6. Mga suliraning may kinalaman sa globalisasyon at negosyo ay _______

A. Isyung Pangkapaligiran
B. Isyung Pangkalakalan
C. Isyung Panlipunan
D. Isyung Pangkapaligiran

7. Saan nanggagaling ang malaking bahagdan ng itinatapong basura sa Pilipinas?


A. tahanan
C. paaralan
B. palengke
D. pabrika

8. Ang sumusunod ay dahilan ng deforestation sa Pilipinas maliban sa ________

A. Fuel wood harvesting C. Illegal logging


B. Illegal mining D. Global warming

9. Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan kung bakit ang dating kagubatan ay
nagiging plantasyon, subdibisyon, o sentrong komersyo?

A. Paglipat ng pook tirahan


B. Ilegal na pagtotroso
C. Pagdami ng populasyon
D. Ilegal na pagmimina

10. Ang illegal logging ay isa sa mga dahilan ng mga suliraning pangkapaligirang
dinaranas ng Pilipinas ngayon. Alin sa sumusunod ang bunga nito?

A. pagbaha
C. pagkawala ng tirahan ng mga hayop
B. pagguho ng lupa
D. lahat ng nabanggit

Tandag National Science High School


Tabon-tabon, Brgy. Quezon, City of Tandag
Email Address: sciencehighschool.tandag@gmail.com
Telephone No. (086) 214-5827
Facebook Page: Tandag National Science High School Board
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XIII - CARAGA
CITY DIVISION OF TANDAG
TANDAG NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
CITY OF TANDAG

11. Ang sumusunod ay mga suliraning pangkapaligirang nararanasan sa Pilipinas


maliban sa: _____________.

A. solid waste C. climate change


B. ilegal na droga D. pagkasira ng mga likas na yaman

12. Ipinatupad ang Republic Act 9003 upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t
ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa. Ito ay kilala
bilang_____.

A. Ecological Garbage Management Act of 2010


B. Ecological Solid Waste Management Act of 2000
C. Ecological Garbage Management Act of 2000
D. Ecological Solid Waste Management Act of 2010

13. Ang Non-Government Organization (NGO) na aktibong tumutugon sa suliranin sa


basura at may adbokasiyang zero waste.

A. Greenpeace
B. Bantay Kalikasan
C. Mother Earth Foundation
D. Clean and Green Foundation

14. Anong batas ang nagtatag sa National Framework Strategy and Program on Climate
Change upang tugunan ang mga banta ng climate change sa Pilipinas?

A. Republic Act 7586


B. Executive Order No. 23
C. Republict Act No. 9729
D. Republic Act No. 8749

15. Aling batas ang nagtatag sa Reforestation Administration na naglalayong mapasidhi


ang mga programa tungkol sa muling paggugubat?

A. Republic Act 2706


B. Presidential Decree No. 705
C. Republic Act 2649
D. Presidential Decree No. 1153

Tandag National Science High School


Tabon-tabon, Brgy. Quezon, City of Tandag
Email Address: sciencehighschool.tandag@gmail.com
Telephone No. (086) 214-5827
Facebook Page: Tandag National Science High School Board
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XIII - CARAGA
CITY DIVISION OF TANDAG
TANDAG NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
CITY OF TANDAG

16. Ang layunin ng batas na ito ay protektahan at pamahalaan ang mga kweba at mga
yaman nito.

A. The Chainsaw Act


B. Indigenous People’s Rights Act
C. Wildlife Resources Conservation and Protection Act
D. National Cave and Resources Management and Protection Act

17. Nananatili ang suliranin sa solid waste sa kabila ng mga programa sa pagtatapon ng
basura. Isang napakalaking hamon sa pagpapatupad ng batas ay ang __________.

A. kawalan ng suporta ng mga namamahala


B. paglilinis ng mga kalat ng buong pamayanan
C. pagbabago ng pag-uugali ng mga Pilipino
D. paghahanap ng lupang pagtatapunan ng basura

18. Alin sa sumusunod ang maaaring mangyari kung hindi malulutas ang mga
suliraning pangkapaligiran na kinakaharap sa kasalukuyan?

A. Masasanay ang mga tao sa maruming kapaligiran


B. Maraming aalis sa Pilipinas dahil sa sobrang polusyon
C. Patuloy na daranas ang ating bansa ng matitinding kalamidad
D. Lahat ng nabanggit

19. Ang Pilipinas ay nakararanas ng matinding suliranin sa solid waste dahil sa ______.

A. kawalan ng hanapbuhay ng mga tao


B. kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura
C. hindi maayos na pamamahala ng mga pinuno
D. ang pagdami ng produktong kinukonsumo ng mga tao

20. Tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng


kalamidad.

A. Disaster
B. Resilience
C. Vulnerability

Tandag National Science High School


Tabon-tabon, Brgy. Quezon, City of Tandag
Email Address: sciencehighschool.tandag@gmail.com
Telephone No. (086) 214-5827
Facebook Page: Tandag National Science High School Board
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XIII - CARAGA
CITY DIVISION OF TANDAG
TANDAG NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
CITY OF TANDAG

D. Hazard

21. Isa itong uri ng hazard o panganib na dulot ng kalikasan

A. Natural Hazard
C. Anthropogenic Hazard
B. Social Hazard
D. Physical Hazard

22. Isang uri ng hazard na bunga ng mga gawain ng tao.

A. Natural Hazard
B. Anthropogenic Hazard
C. Social Hazard
D. Physical Hazard

23. Tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao,


kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya.

A. Hazard
B. Disaster
C. Risk
D. Resilience

24. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa pagkamit ng isang maayos na


lipunan?

A. Lahat ng mamamayan ay nakapag-aral.


B. Sagana sa likas na yaman ang ating bansa.
C. Maayos ang ugnayan ng buong pamilya.
D. Bawat mamamayan at institusyon sa lipunan ay ginagampanan nang maayos
ang kani-kaniyang responsibilidad.

25. Alin sa sumusunod ang dapat gawin sa paghahanda sa pagdating ng bagyo at iba
pang kalamidad?

A. Laging buksan ang radyo at makinig sa pinakahuling ulat sa mga artista.


B. Magtabi ng sobrang baterya upang may kapalit.

Tandag National Science High School


Tabon-tabon, Brgy. Quezon, City of Tandag
Email Address: sciencehighschool.tandag@gmail.com
Telephone No. (086) 214-5827
Facebook Page: Tandag National Science High School Board
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XIII - CARAGA
CITY DIVISION OF TANDAG
TANDAG NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
CITY OF TANDAG

C. Makinig sa haka-haka o tsismis sa lagay ng panahon.


D. Talian ng matibay na lubid o alambre ang mga haligi ng bahay at bubong upang
hindi tangayin ng hangin.

26. Alin ang isinasagawa sa paaralan upang maiwasan ang anomang sakuna kung may
lindol?

A. athletic meet
B. earthquake drill
C. fire drill
D. fun run

27. Ano ang maaaring gamitin upang mailigtas ang ating buhay sa pagbaha?

A. karton B. malaking bag


C. malaking gallon D. paying

28. Anong kalamidad ang nagaganap tuwing pagkatapos ng napakalakas na lindol?

A. Bagyo B. Baha
C. Sunog D. Tsunami

29. Tumutukoy ito sa kalamidad na kadalasang nagaganap pagkatapos ng buong araw


na ulan.

A. Bagyo B. Baha
C. Sunog D. Tsunami

30. Anong kalamidad ang nangyayari na sanhi ng napabayaang nakasinding kandila at


short circuits sa mga kuryente?

A. Bagyo B. Baha
C. Sunog D. Tsunami

31. Ito ay tumutukoy sa sirkulasyon o nabubuong sama ng panahon na nagsisimula sa


karagatang pasipiko.

A. Bagyo B. Baha

Tandag National Science High School


Tabon-tabon, Brgy. Quezon, City of Tandag
Email Address: sciencehighschool.tandag@gmail.com
Telephone No. (086) 214-5827
Facebook Page: Tandag National Science High School Board
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XIII - CARAGA
CITY DIVISION OF TANDAG
TANDAG NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
CITY OF TANDAG

C. Sunog D. Tsunami

32. Ano ang pinakamataas na lebel ng storm warning signal sa Pilipinas?

A. 3 B. 4
C. 5 D. 6

33. Ano ang pinakamalakas na bagyo na tumama sa Pilipinas sa nakaraang mga taon?

A. Auring B. Ondoy
C. Pablo D. Yolanda

34. Ano ang dapat gawin sa panahon ng bagyo?

A. Lumabas ng bahay o gusali na malapit sa bintana


B. Manatili sa isang mababang lugar tulad ng basement
C. Manatili sa loob ng bahay o gusali na malapit sa bintana
D. Humanap at manatili sa mataas na lugar na hindi aabutin ng pagbaha

35. Ano ang nararapat gawin kapag inabutan ng baha sa daan?

A. Maglaro sa baha
B. Lumangoy sa baha
C. Humanap ng ibang daan
D. Subuking tawirin ang baha

36. Si Mang Fernan ay nakatira malapit sa Bulkang Taal. Ano ang dapat niyang gawin?

A. Mamasyal sa paligid
B. Gumawa ng malaking bahay
C. Makipag-usap sa kapitbahay
D. Alamin ang ligtas na lugar para sa paglikas

37. Ayon sa weather forecast ni Kuya Kim, may paparating na malakas na bagyo sa
Luzon at kasama ang inyong bayan sa matatamaan nito. Ano ang iyong gagawin kung
naninirahan ka sa mababang lugar at peligroso sa baha?

A. Lumikas sa mataas na lugar

Tandag National Science High School


Tabon-tabon, Brgy. Quezon, City of Tandag
Email Address: sciencehighschool.tandag@gmail.com
Telephone No. (086) 214-5827
Facebook Page: Tandag National Science High School Board
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XIII - CARAGA
CITY DIVISION OF TANDAG
TANDAG NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
CITY OF TANDAG

B. Lumikas kapag mataas na ang tubig


C. Kapag tumaas ang tubig ay umakyat sa bubong ng bahay
D. Manatili sa bahay at ipako na lamang ang bubong at bintana

38. Bakit may nasasaktan at nawawalan ng buhay sa tuwing nagkakaroon ng


kalamidad?
I. Pagtangging lumikas ng mga tao mula sa mga mapanganib na lugar
II. Pakikinig sa radyo o panonood ng tv upang malaman ang pinakahuling balita
III.Hindi pagsunod ng mga tao sa tagubilin ng mga awtoridad kapag may
kalamidad

A. I,II, III
B. I, II
C. I, III
D. II, III

39. Ang yugtong ito ay binubuo ng mga gawain na naglalayong maibalik sa dating
kaayusan ng pamumuhay sa mga nasalantang komunidad.

A. Paghahanda sa Kalamidad
B. Rehabilitasyon sa Kalamidad
C. Pagtugon sa Kalamidad
D. Paghadlang sa Kalamidad

40. Isinasagawa ito upang matukoy ang kakayahan ng isang komunidad sa pagharap sa
iba’t ibang kalamidad.

A. Pagtataya ng Kapasidad
C. Pagtugon sa Kalamidad
B. Pagatataya ng Peligro
D. Paghahanda sa Kalamidad

41. Sa pagsasagawa ng pagtatasa ng kakulangan at kahinaan o vulnerability


assessment, mahalaga na masuri ang sumusunod na salik maliban sa:

A. Elementong nalalagay sa peligro


C. Lokasyon ng mga mamamayang nasa peligro
B. Mamamayang nalalagay sa peligro

Tandag National Science High School


Tabon-tabon, Brgy. Quezon, City of Tandag
Email Address: sciencehighschool.tandag@gmail.com
Telephone No. (086) 214-5827
Facebook Page: Tandag National Science High School Board
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XIII - CARAGA
CITY DIVISION OF TANDAG
TANDAG NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
CITY OF TANDAG

D. Lokasyon ng mga elementong nasa peligro

42. Ang gawaing ito ay isinasagawa upang maging handa ang komunidad at maiwasan
ang malawakang pinsala nito sa pamamagitan ng aktibong pakikibaghagi ng mga
mamamayan.

A. Community Based Disaster Risk Reduction Management Approach


B. Community Preparedness and Risk Management Approach
C. Philippine Disaster Risk Management
D. Philippine Disaster Risk Reduction Management Council

43. Sa pagbuo ng CBDRRM plan, ano ang nararapat mong gawin bilang mamamayan ng
isang lugar upang maging handa sa pagtama ng iba’t ibang panganib at kalamidad?

A. Maging aktibong kabahagi sa pagbubuo ng plano para sa buong pamayanan.


B. Magsagawa ng personal plan para matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
C. Makibahagi sa gawaing pangrehabilitasyon at tulungan ang mga naapektuhan.
D. Magkaroon ng planong pampinansiyal upang matustusan ang pangangailangan ng
mga tao.

44. Bahagi ng Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad ang mga hakbang at gawain na


nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at estruktura. Ano ang
pangunahing gampanin ng yugtong ito?

A. Mabigyan ng sapat na proteksyon ang mga nasalanta ng kalamidad


B. Makapagbigay ng mga inaasahang serbisyong panlipunan at paglilingkod sa
pampamahalaan
C. Manumbalik sa dating kaayusan at normal na pamumuhay ang mga nasalantang
komunidad
D. Maipagkaloob sa mga nasalantang komunidad ang mga pangunahing
pangangailangan at gamut

45. Ang pagbuo ng CBDRRM Plan ay sumusunod sa isang sistematikong paraan ng


pagtukoy sa mga pangangailangan ng komunidad. Ano ang tamang pagkakasunud-
sunud sa mga yugto ng pagbuo nito?
I. Paghahanda sa Kalamidad
III. Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad
II. Pagtugon sa Kalamidad

Tandag National Science High School


Tabon-tabon, Brgy. Quezon, City of Tandag
Email Address: sciencehighschool.tandag@gmail.com
Telephone No. (086) 214-5827
Facebook Page: Tandag National Science High School Board
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XIII - CARAGA
CITY DIVISION OF TANDAG
TANDAG NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
CITY OF TANDAG

IV. Paghadlang at Mitigasyon sa Kalamidad

A. I, II, III, IV
B. II, I, III, IV
C. IV, I, II, III
D. I, IV, II, III

46. Bahagi ng Community Based Disaster Risk Reduction Management Plan ang
pagtataya sa lawak ng pinsalang dulot ng isang kalamidad. Alin sa sumusunod ang
sumusuporta rito?

A. Magsisilbi itong gabay ng mga NGOs para sa mga gawaing pangkabuhayan.


B. Magiging epektibo ang aksyon ng mga ahensiya ng pamahalaan sa muling pagbangon
kung ito ay napapahalagahan.
C. Maiiwasan ang pinsala na maaaring idulot ng kalamidad kung ito ay
mapapahalagahan.
D. Magsisilbing gabay sa pagtugon sa pangangailangan ng nakaranas ng kalamidad.

47. Bukod sa pagkakaroon ng sapat na kagamitan, ano ang dapat gawin ng mga
mamamayan upang maging handa sa mga kalamidad?
A. Magsagawa ng pagpupulong ang mga ahensiya ng pamahalaan upang gabayan ang
mga mamamayan.
B. Magkaroon ng kapasidad na harapin ang panganib sa pamamagitan ng
pakikipagtulungan sa pamayanan.
C. Ipagbigay alam ang mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan na maaring
magdulot ng kapahamakan.
D. Magsagawa ang mga pinuno ng pamahalaan ng pagbabahagi ng kaalaman at tulong
sa mga maaapektuhan.

48. Sa pagbuo ng CBDRRM Plan, ano ang nararapat mong gawin bilang mamamayan ng
isang lugar upang maging handa sa pagtama ng iba’t ibang hazard at kalamidad?

A. Maging aktibong kabahagi sa pagbubuo ng plano para sa buong pamayanan.


B. Magsagawa ng pansariling plano para matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
C. Makibahagi sa gawaing pangrehabilitasyon at protektahan ang mga naapektuhan.
D. Magkaroon ng planong pinansiyal upang matustusan ang pangangailangan ng mga
tao.

Tandag National Science High School


Tabon-tabon, Brgy. Quezon, City of Tandag
Email Address: sciencehighschool.tandag@gmail.com
Telephone No. (086) 214-5827
Facebook Page: Tandag National Science High School Board
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XIII - CARAGA
CITY DIVISION OF TANDAG
TANDAG NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
CITY OF TANDAG

49. Bahagi ng Disaster Rehabilitation and Recovery ang mga hakbang at gawaing
nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at estruktura. Ano ang
pangunahing gampanin ng yugtong ito?

A. Mabigyan ng sapat na proteksyon ang mga nasalanta ng kalamidad


B. Makapagbigay ng mga inaasahang serbisyong panlipunan at paglilingkod
pampamahalaan
C. Manumbalik sa dating kaayusan at normal na pamumuhay ang mga nasalantang
komunidad
D. Maipagkaloob sa mga nasalantang komunidad ang mga pangunahing
pangangailangan at gamut

50. Bukod sa pagkakaroon ng sapat na kagamitan, ano ang dapat gawin ng mga
mamamayan upang maging handa pagdating ng kalamidad?

A. Magsagawa ng pagpupulong ang mga ahensiya ng pamahalaan upang gabayan ang


mga mamamayan.
B. Magkaroon ng kapasidad na harapin ang panganib sa pamamagitan ng
pakikipagtulungan sa pamayanan.
C. Ipagbigay alam ang mga nararanasang suliraning pangkapaligiran na maaaring
magdulot ng kapahamakan.
D. Magsagawa ang pamahalaan ng pagbabahagi ng kaalaman at tulong sa mga
maaapektuhan.

Tandag National Science High School


Tabon-tabon, Brgy. Quezon, City of Tandag
Email Address: sciencehighschool.tandag@gmail.com
Telephone No. (086) 214-5827
Facebook Page: Tandag National Science High School Board

You might also like