You are on page 1of 3

Rehiyon ng Sinaunang Ehipto

1. Black land - binubuo ng maitim at matabang lupa


2. Red land - lugar na natatakpan ng disyerto

Dibisyon ng Black land


1. Delta
2. Nile River Delta

Simbolong ginamit ng Upper at Lower Egypt


1. Vulture (Upper)
2. Cobra (Lower)

Pagkakaisa ng Egypt bilang isang kaharian


Narmer/Menes -Nagtatag ng kauna-unahang dinastiyang namuno sa kaharian ng Sinaunang
Ehipto

3 Pangunahing Yugto ng Sinaunang Kasaysayan ng Egypt:


A. Matandang Kaharian/ Old Kingdom
B. Gitnang Kaharian / Middle Kingdom
C. Bagong Kaharian/ New Kingdom

Mga kilalang Pharaoh ng New Kigdom:


1. Hatshepsut - kauna-unahang babaeng naging pharaoh ng Egypt
2. Amenhotep/Akhenaten - Nagpasimula ng monoteismo sa Egypt
3. Tutankhamen - nagpanumbalik sa muling pagsamba sa maraming diyos
4. Thutmose III - naabot ng Egypt ang pinakamalawak na hangganan ng imperyo
5. Ramises II - nakipagdigma sa mga Hittites para sa pagkontrol ng Mesopotamia

Ang pamahalaan ng sinaunang Ehipto ay sentralisado na pinamumunuan ng isang hari na kilala


sa tawag na Pharaoh

Uri ng Pamahalaan:
Divine Monarchy - sistema ng pamamahala kung saan ang namumuno ay hari o reyna na ang
pamilya ay nagmula mismo sa angkan ng mga diyos o di kaya’y binasbasan ng diyos na mamuno
sa kaharian
Theocracy - tumutukoy sa uri ng pamamahala kung saan ang namumuno ay ang mga pinunong
panrelihiyon at ang pamamahala ay batay sa kapangyarihang panrelihiyon

Katulong ng Pharaoh sa pamamahala:


Burukrasya - isang maayos na sistema ng organisasyon na binubuo ng mga tanggapan ng
pamahalaan na sumusunod sa hirarkiya ng awtoridad ang mga opisyal at kawani na bumubuo
nito - Binubuo ito ng kamag-anak ng Pharaoh
Mga bumubuo sa burukrasya:

1. Vizier o punong ministro - may pinakamataas at pinakamakapangyarihan sa burukrasya


2. Kolektor ng buwis
3. Mga eskribano 4
4. Superbisor ng irrigasyon at inspector ng mga pananim

Relihiyon at Paniniwala:
Polytheism – pagsamba sa maraming diyos at diyosa

Mga Paniniwala:
1. Paniniwala sa kabilang buhay matapos ang kamatayan
2. Paniniwala na ang lahat ng tao ay may kaluluwa na hindi namamatay kahit sa kabilang
buhay na tinatawag na ka.

• Ang paniniwalang ito sa kabilang buhay ang pangunahing salik sa kanilang imbensyon sa
kanilang kahusayan sa siyensiya ng mummification.

Mummification - Proseso ng pagpapanatiling buo at hindi naaagnas ang bangkay ng namatay na


tao o hayop sa pamamagitan ng pag-eembalsamo

3. Paniniwala na ang buhay sa kabilang daigdig ay tulad din ng buhay sa mundo. Bunga nito
kasamang inililibing ang lahat ng kanilang pangangailangan para sa buhay na walang hanggan

Shawabtis

Amon-Ra - kinikilalang ama ng mga Pharaoh at nagbigay ng karapatan at kapangyarihan na


mamuno bilang diyos at hari
Lipunan ng Sinaunang Egyptian; - maihahalintulad sa isang tatsulok o pyramid
1. Mga naghaharing uri
2. Panggitnang uri
3. Mababang uri

• Ang mga alipin ay hindi isinama sa pag-uuring panlipunan dahil wala silang epekto sa
ekonomiya ng Egypt

Mga Ambag ng mga Sinaunang Ehipto:


1. Sistema ng pagsulat 3 uri
• Hieroglyphics
• Hieratic Script
• Demotic Script

*At ito ay Gawa sa Papyrus reed na ginagawang Paper Reed


2. Mga arkitektura gaya ng pyramids, palasyo, monumento, templo, at mga estatwa gaya ng
Great Sphinx sa Giza
3. Sa larangan ng Panitikan Book of the dead
4. Sa larangan ng Teknolohiya
• Shadoof
• Nilometer
• Water clock

5. Sa larangan ng siyensiya
• Kalendaryo
• Mummification
6. Sa larangan ng Medisina, naging dalubhasa sila sa human anatomy dahil sa mummification

You might also like