Professional Documents
Culture Documents
Solicitation
Solicitation
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON XI
SANGAY NG LUNGSOD NG MATI
MATAAS NA PAARALAN NG BOBON
GRADE 11 – SECTION NEBULA
__________________________________
__________________________________
__________________________________
Binabati Kita!
Ang silid- aralan ay nagsisibing pangalawang tahanan ng mga mag-aaral. Upang mapahusay ang pagbibigay ng
kaalaman sa mga mag-aaral kinakailangan na may sapat na bilang ng ilaw-elektrisidad, bentilasyon, bintana,
kubeta at dalawang pintuan para pasukan at labasan ng mga mag-aaral.
Bilang paghahanda sa full face to face na pasok sa darating na Nobyembre 2022 lubos po kaming kumakatok sa
inyong mabuting puso nang kaunting tulong pinansyal sa anumang halaga bilang pagtugon sa kakulangan ng
pasilidad at gamit sa loob ng silid aralan tulad ng bentilasyon upang hindi mainitan ang mga mag-aaral at
Android TV (55-65 inches TV) na makakatulong sa pang araw-araw na klase.
Mas ma-eengganyo silang mag-aral kung mas mapapaganda ang kanilang silid-aralan. Ang halagang inyong
maibabahagi ay magsisilbing mapagpalang handog ninyo sa ating mga mag-aaral. Ito po ay magsisilbing biyaya
sa patuloy na paglinang at kaunlaran ng inyong mga anak maging ng ating mahal na paaralan.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa halagang inyong maibibigay. Dalangin din po namin ang inyong suporta sa
isang magandang adhikain na ito.