You are on page 1of 2

PANITIKAN NG YEMEN

Kasaysayan

Ang kasaysayan ng Yemen ay nagsimula sa mga kahariang Minacan at


Sabacan. Itoy nasakop ng mga Romano at ng mga Ethiopans at Persians
noong 6th siglo. Noong 628 AD, ang Yemen ay naging isang bansang Muslim
at noong 10th siglo ay pinamunuan ng Rassite Dynasty ng Zaidi Sect
hanggang 1962. Tinirhan ng mga Ottoman Turks ang bansa mula 1538
hanggang 1918. Ang hilagang bahagi ng Yemen ay pinamunuan ng imams
hanggang sa isang pro-Egyptian military coup ang naganap taong 1962.
Ipinahayag ng junta ang Yemen Arab republie at pagkatapos ng isang
digmaang sibil kung saan sinuportahan ng Nasser ng Ehipto at ng USSR ang
mga rebolusyonaryo at sinuportahan naman ni Haring Saud at ni Haring
Hussein ng Jordan ang mga royalists, natalo ang mga royalists sa kalagitnaan
ng 1969. Ang timog Aden ay nasakop ng mga Briton noong 1839 at noong
1937, ito'y tinawag na Aden Protectorate. Noong 1960s, ang National
Liberation Front ay lumaban sa mga Briton na naging dahilan kung bakit
naitatag ang People's republic of Southern Yemen noong Nobyembre 30,
1979. Ang Republika ng Yemen ay naitatag noong Mayo 22, 1990.

Heograpiya

Ang Yemen ay dating nahati sa dalawang bahagi: People's Democratic


Republic of Yemen at Yemen Arab Republic. Ngayon, ang Republika ng
Yemen ay makikita sa timog kanluran ng Tangway ng Arabia sa Red Sca. Ito
ay nasa kabila ng Ethiopia at umaabot sa timog na bahagi ng Tangway ng
Arabia sa Golpo ng Aden at sa Karagatang Indian. Ang Saudi Arabia ay nasa
hilaga ng bansa habang ang Oman naman ang nasa Silangan. Ang bansa ay
maaaring kasinlaki ng France.

Wika

Ang Republika ng Yemen o Yemen (Arabo, binubuo ng dating Hilaga at


Timog Yemen, ay isang bansa sa Tangway ng Arabia sa Timog-kanlurang
Asya at bahagi ng Gitnang Silangan, napapallgiran ng Dagat ng Arabia at
Golpo ng Aden sa timog at Dagat na Pula sa kanluran, Oman sa timog-
silangan at Saudi Arabia sa mga natitirang hangganan. Kabilang sa teritoryo
nito ay ang pulo ng Socotra, mga 350 km ang layo sa timog. Ang isang tao o
bagay na nagmula sa Yemen ay tinatawag na Yemeni. Ang kabiserang
lungsod ng Yemen ay ang Sana'a

Ang Yemen ay ang pinagmulang lupain ng lahat ng mga Arabo na nasa


Gitnang Silangan. Noong sinaunang panahon, ang Yemen ay isang
mahalagang sentro ng kalakalan at kapangyarihan. Maraming mga kahariang
makapangyarihan ang dating nasa Yemen, kabilang na ang mga Sabaean.
mga pampalasa. Nakikilala Romano bilang Arabia Felix"Masayang Arabia" sa
Latin. Tinawag nila itong Masayang Arabia dahil ang pook ay maganda at
makapangyarihan. Mahalaga rin sa pangangalakal ng mga Yemen ang
Yemen

Noong dekada ng 700, ang mga Yemeni ay kabilang sa mga unang sumali sa
bagong relihiyong Islam. Magmula noon, ang mga Yemeni ay naging matibay
na mga Muslim na nagging nasa harapan ng lahat ng mga pananakop na
isinagawa para sa Islam, at ang mga taga-Yemen ay dating naging mga
pinuno ng Espanyang Islamiko sa loob ng mahigit sa 800 mga taon. Sa
kasalukuyan, ang Yemen ay mayroong 20 milyong katao. Karamihan sa
kanila ay nagsasalita ng wikang Arabe.

Ekonomiya

Sa pagkakaisa ng dalawang bahagi ng bansang Yemen, parehong nahirapan


ang dalawang bahagi para magkaroon ng isang matatag na ekonomiya. Ang
pageeksport ng kape ang naging pundasyon ng bansa para sa isang matibay
na ekonomiya.

You might also like