You are on page 1of 1

Magandang Araw sa inyong lahat.

Ngayong araw ay ipapakita ko


sa inyo ang mga larawan na nagpapakita ng pagmamalasakit sa pamilya
at kapwa. Pero ano nga ba ang kahalagahan ng pagmamalasakit sa
pamilya at sa kapwa? Ang pagkakaroon ng malasakit sa pamilya at
kapwa ay isang bagay na nagpapatatag ng samahan at pagmamahalan ng
bawat kasapi nito maging sa pamayanan.
Narito ang larawan na nagpapakita ng pagmamalasakit sa pamilya
at kapwa. Sa unang larawan ay makikita ninyo ang pagtutulungan ng
bawat kasapi ng pamilya. Si tatay at kuya ay masayang naglilinis ng
sasakyan samantalang si inay at ate naman ay gumagawa ng makakain
habang si bunso ay masayang nakikiisa sa kila nanay at ate. Sa
ikalawang larawan naman ay nagpapakita ng pagtulong sa kapwa. Ang
mga bata ay may mga dalang gamit at pagkain na kanilang ilalagay sa
Donation Drive.
Ating tandaan, ang pagkakaroon ng pagtutulungan sa pamilya’t
kapwa’y isang bagay na kinalulugdan ng Diyos.

Maraming Salamat! 😊

You might also like