You are on page 1of 2

Name: Rhiane Joy G.

Galigao
Grade&Section: Grade IV-St. Mathew

“Performance Task in A.P and MAPEH”

Ang kalayaan ay maituturing na isang napakahalagang karapatan ng tao maging


ng isang bansa. Malaki ang epekto ng kalayaan sa buhay ng tao. Kung mawawala ang
kalayaan nito, maihahambing ang sitwasyon sa isang taong nakagapos na walang
kakayahang gumawa ng iba pang bagay na ninanais niya. Maaaring makalikha ng
sariling kaligayahan kung mayroong kalayaan. Walang pumipigil sa bawat ninanais.  
Ang pagkakaroon ng kalayaan ng isang lahi o bansa ay katumbas ng isang
katangian ng pagiging makapangyarihan. Nagkakaroon ng kalayaan ang isang bansa na
maitaguyod ang kanilang lipunan ng walang pangamba. Ang bansang malaya ay hindi
nangangailangan sundin ang iba pang teritoryong nasa paligid nito. Kalayaan ang
ipinaglaban ng mga sinaunang Pilipino noon laban sa mga dayuhang sumubok manakop
sa bansang Pilipinas.
Sa pamamagitan ng paghayag o pagkilala para sa ating kasarinlan bilang mga
Pilipino dapat gunitain natin ang paghihirap, pag-ibig at pagbuwis ng buhay ng mga
bayaning Pilipino na lumaban para sa kalayaan ng Pilipinas. Sa pagdiriwang ng ating
kalayaan laban sa mga mapang-api at mapang-abusong pamumuno ng mga Kastila at iba
pang bansang mananakop ay pag-alabin natin ang nasyonalismo o pagka-makabansa.
Sariwain ang mga kaganapan na naging hudyat ng paglaya ng Pilipinas at kilalanin ang
mga bayaning Pilipino na nagbigay daan para sa kalayaan ng ating bansa.

You might also like