You are on page 1of 28

9

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Bahaging Ginagampanan ng
Agrikultura, Pangingisda at
Paggugubat sa Ekonomiya
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Ang Bahaging Ginagampanan ng Agrikultura,
Pangingisda at Paggugubat sa Ekonomiya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Reajoy B. Gallegos
Editor: Rosanna Palispis-Querijero
Rebecca K. Sotto PhD
Tagasuri: Kristian Marquez
Erfe Donna A. Aspiras
Emelita T. Angara
Tagaguhit: Kevin Kardel B. Palmero
Tagalapat: Rose Ann F. Dionisio
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD
Librada M. Rubio PhD
Ma.Editha R. Caparas EdD
Angelica M. Burayag PhD
Lily Beth M. Mallari
Rosanna Palispis-Querijero

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region III


Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
9

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Bahaging Ginagampanan ng
Agrikultura, Pangingisda at
Paggugubat sa Ekonomiya
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t-ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang
mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay ng Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa
kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman


ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito


ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 9.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

• Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura sa ekonomiya.

Ang modyul na ito ay nahati sa tatlong leksyon:


• Leksyon 1: Ang Sektor ng Agrikultura
• Leksyon 2: Gampanin ng Agrikultura sa Ekonomiya
• Leksyon 3: Kahalagahan ng Agrikultura sa Ekonomiya

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. nakapag-iisa- isa ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda
at paggugubat sa ekonomiya;
2. napagpapahalagahan ang bahaging ginagampanan ng agrikultura,
pangingisda at paggugubat sa ekonomiya; at
3. nakasusulat ng sagot sa mga katanungan na maaaring maiambag sa
paglago ng ginagampanan ng agrikultura sa ekonomiya.

Mga Tala para sa Guro

Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang maiugnay ang


natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa
pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa
modyul na ito.

1
Subukin

Subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak
ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin.

Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang mga pahayag sa bawat bilang. Suriin
ang mga impormasyon sa ibaba at tukuyin ang mga isinasaad nito. Piliin ang titik
ng wastong sagot at itala sa iyong sagutang papel.

1. Dahil sa krisis na Covid_19 lubos na naaapektuhan ang mga pangunahing


pangangailangan ng mga mamamayan tulad ng pagkain, kaya naman ang
mga mamamayan ay nagtanim ng mga gulay at prutas upang matugunan
ang pangangailangang pagkain sa araw araw. Ang gampaning ito ng
mamamayan ay nabibilang sa anong bahagi ng sektor ng agrikultura?
a. Paghahalaman
b. Paghahayupan
c. Pangingisda
d. Paggugubat
2. Ang mga hilaw na materyales gaya ng kahoy, plywood, veener at iba pa ay
ginagawang panibagong produkto tulad mesa, upuan at kabinet. Ang
gampaning ito ay bahagi ng anong sektor ng agrikultura?
a. Paghahalaman
b. Paghahayupan
c. Pangingisda
d. Paggugubat
3. Sinasabing malaking bahagdan ng mga Pilipino lalong-lalo na sa mga
probinsiya ang nakaasa sa agrikultura para mabuhay. Alin sa sumusunod
ang hindi nabibilang sa sektor ng agrikultura?
a. Pagmimina
b. Pangingisda
c. Paggugubat
d. Paghahayupan
4. Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng
isda sa buong mundo kaya’t ang mga pamahalaang lokal ay nakikiisa sa
pag-alaga ng yamang tubig. Ito ay nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop
sa pamahalaang lokal o munisipyo at gumagamit ng bangka na may
kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi nangangailangan
na gumamit ng mga fishing vessel. Anong uri ng pangingisda ang
kinabibilangan nito?
a. Komersyal
b. Aquaculture
c. Munisipal
d. Wala sa nabanggit

2
5. Anong uri ng pangingisda ang tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng
mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t ibang uri ng tubig pangisdaan –
fresh (tabang), brackish (maalat-alat) at marine (maalat) (BOI, 2011).
a. komersyal
b. aquaculture
c. munisipal
d. wala sa nabanggit
6. Sa kabilang banda ito ay uri ng pangingisdang gumagamit ng mga bangka
na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga gawaing
pangkalakalan o pagnenegosyo?
a. Komersyal
b. Aquaculture
c. Munisipal
d. Wala sa nabanggit
7. “Ang agrikultura ay bahagi ng buhay ng tao”, batay sa iyong pagkaunawa
ano ang nais ipahayag ng talatang ito?
a. Sa agrikultura nakukuha ang mga pangunahing pangangailangan ng
mga tao.
b. Ang agrikultura ay binubuo ng mga gampanin ng mga magsasaka,
mga tagapag-alaga ng mga hayop tulad ng kambing, baka at kalabaw,
at mangingisda.
c. Sa agrikultura nakadepende ang malaking bahagi ng ekonomiya
upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at produksiyon.
d. Lahat ng nabanggit.
8. Alin sa sumusunod na sektor ang namamahala sa pagproseso ng mga hilaw
na materyales upang ito ay maging isang produkto?
a. Agrikultura
b. Industriya
c. Paglilingkod
d. Impormal na sektor
9. Ang mga pangunahing pananim ng bansa ang mga palay, mais, niyog, tubo,
saging, pinya, kape, mangga, tobacco at abaka ay bahagi sa anong sektor ng
agrikultura?
a. Paghahayupan
b. Pangisdaan
c. Paghahalaman
d. Paggugubat
10. Sa anong sektor ng agrikultura na ang pangunahing inaalagaan ang mga
kalabaw, baka, kambing, baboy, manok at bibi (pato)?
a. Paghahayupan
b. Pangisdaan
c. Paghahalaman
d. Paggugubat

3
11. Ang hipon at sugpo ang pangunahing produktong iniluluwas sa ibang
bansa. Malaking industriya rin ang pag-aalaga ng damong dagat tulad ng
carrageenan na ginagamit sa paggawa ng gulaman. Anong bahagi sa sektor
ng agrikultura nabibilang ito?
a. Paghahayupan
b. Pangisdaan
c. Pagmimina
d. Paggugubat
12. Isa sa bahagi ng sektor ng agrikultura ito na ang pangunahing nakukuha
dito ang mga yamang mineral, yamang di-metal at enerhiya na matatagpuan
sa mga bundok, kapatagan, baybayin at maging sa karagatan, saang sektor
ng agrikultura nabibilang?
a. Paghahayupan
b. Pangisdaan
c. Paghahalaman
d. Paggugubat
13. Bahagi ito ng sektor ng agrikultura na kung saan dito nakukuha ang
mga hilaw na materyales tulad ng troso, tabla, plywood, veneer at
mga produktong gubat tulad ng rattan, nipa, anahaw,pulot-pukyutan
at dagta ng almaciga.
a. Paghahayupan
b. Pangisdaan
c. Paghahalaman
d. Paggugubat
14. Mahalaga ang bahagi ng sektor ng agrikultura sa pagpapaunlad ekonomiya
ng bansa. Ipinakikita ng sumusunod ang mga kalagahan ng agrikultura sa
ating ekonomiya MALIBAN sa isa.
a. Pangunahing pinagmumulan ng hanapbuhay.
b. Nagsisilbing ‘market’ o pamilihan ng mga produkto sa Industriya.
c. Hindi nakakatulong sa ibang sektor ng ekonomiya.
d. Pinagkukunan ng kitang panlabas.
15. Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang mithiing
kaunlaran. Bilang isang mamamayang Pilipino, may obligasyon ka ring
dapat gawin upang makatulong sa pag-abot sa kaunlaran. Bilang isang
mag- aaral, ano ang bagay na maaari mong gawin upang makatulong sa
bansa?
a. Maging mulat sa mga anomalyang nangyayari sa lipunan.
b. Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong
pangkaunlaran sa paaralan at sa komunidad.
c. Tangkilikin ang mga produktong sariling atin.
d. Lahat ng nabanggit.

4
Ang Bahaging
Aralin
Ginagampanan ng
1 Agrikultura, Pangingisda at
Paggugubat sa Ekonomiya
Isang bagong bukas na libro ng kaalaman ang iyong kakaharapin ngayon.
Ang mga aral sa ekonomiks nawa’y maging gabay mo upang makatulong sa pag-
unlad pa ng iyong kaalaman. Tara, huwag kang matakot na ipagpatuloy ang pag-
aaral ng bagong mukha ng Araling Panlipunan.

Balikan

Bago ka tumungo sa paksang tatalakayin. Balikan muna ang nakaraang


aralin sa pamamagitan ng isang gawain. Sagutin muna ang sumusunod na may
kinalaman sa iba’t-ibang gampanin ng mamamayang Pilipino upang makatulong
sa Pambansang Kaunlaran. Piliin ang tamang kasagutan sa loob ng kahon. Itala
ang wastong kasagutan sa sagutang papel.

Maalam Makabansa Maabilidad Mapanagutan

1. Tamang pagbabayad ng buwis.


2. Pagnenegosyo.
3. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino.
4. Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa
komunidad.
5. Tamang pagboto.
6. Paglaban sa anomalya at korapsyon maliit man o malaki sa lahat ng aspekto
ng lipunan at pamamahala.
7. Bumuo o sumali sa kooperatiba.
8. Pakikiisa sa mga programang ipinatutupad sa lugar.
9. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa.
10. Paggalang sa pagtaas at pagbaba ng watawat habang inaawit ang
Pambansang Awit ng Pilipinas.

5
Sa bagong araling ito, pag-aaralan mo naman ang tungkol sa bahaging
ginagampanan ng agrikultura, pangingisda at paggugubat sa ekonomiya.

Tuklasin

Gawain 1: Pic-suri
Panuto: Pumili ng isang larawan at suriing mabuti upang masukat ang
panimulang kaalaman at sagutin ang gabay na tanong. Itala ang sagot sa sagutang
papel.

1. 2.

3. 4.

Mga gabay na tanong Sagot


Mula sa apat na larawan, anong bilang ang iyong napili?
Nakakita ka na ba ng ganitong senaryo? Saan?
Nakaranas ka na ba ng ganitong gawain? Bakit?
Anong nadarama mo habang ginagawa mo ang gawaing ito?
May kahalagahan ba ito sa pamumuhay ng tao? Ipaliwanag.
Sa iyong palagay, saang sektor ng ekonomiya ito nabibilang?

*Pinagkunan sa larawan:( Sariling kuha ng manunulat noong Hulyo 7, 2020)

6
Gawain 2: Hanap-salita
Panuto: Hanapin ang sumusunod na salita sa word box. Ang mga ito ay maaaring
nasa anyong pababa, pahalang, pataas o pabaliktad. Pagkatapos hanapin ang mga
salita, sagutin ang mga tanong sa ibaba na siyang mag-uugnay sa araling iyong
tatalakayin. Itala ang sagot sa sagutang papel.

N A P U Y A H A H G A P A
I P A G S A S A K A A S G
K C B A Y I M O N O K E R
A M B V X A D G H J K L I
P A G H A H A L A M A N K
C H R Y I P S F J D L Z U
S K A L A B A W S E R Y L
E S D Y N S M I Z S A G T
K F A W S A G I N G H U U
T G G Q B N B U N D O K R
O J A S I L O G B I S D A
R L T G N Y A J E H M A P
J K N K A H O Y I N S D L
T A B U G U G G A P A B I
P E G A M P A N I N S V S

1. Ano-ano sa mga salitang iyong nahanap na bago o hindi gaanong pamilyar


sa iyo? Bakit?
2. Sa iyong sariling opinyon, ano-ano ang ugnayan ng bawat salita na iyong
nahanap? Ipaliwanag.

Suriin

Panuto: Matapos mong tuklasin ang pic-suri at hanap-salita ay nagkaroon ka ng


pahapyaw na kaalaman. Ngayon naman ay mababasa mo sa bahaging ito kung ano
nga ba ang ginagampanan ng sektor ng agrikultura at kahalagahan nito sa pag –
unlad ng ekonomiya na magiging daan sa mas malalim na kaalaman.

SEKTOR NG AGRIKULTURA

Isang kritikal na sektor sa ekonomiya na nangangailangan ng masusing


pansin ng pamahalaan ang sektor ng agrikultura. Sa lahat ng sektor na
nagtataguyod sa ekonomiya, hindi ito gaanong umaasa sa pag-aangkat. Malaki ang
naitulong nito sa kaunlaran ng bansa dahil sagana ang Pilipinas sa likas na yaman
at yamang tao.

7
Mahalaga ang bahagi ng sektor ng agrikultura sa pagpapaunlad ng
ekonomiya sa bansa. Mahalagang maunawaan ang bahaging ginagampanan ng
agrikultura upang magkaroon ng kaalaman tungkol sa gampanin nito sa pang-
araw-araw na buhay ng tao. Ito ay naglalayong maisulong at mapabuti ang
kalagayan ng mga taong kalahok dito at mapaunlad ang antas ng kanilang gawain.

Mahalagang bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng agrikultura.


Sinasabing ito ang nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang
lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura upang matugunan ang pangangailangan
sa pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksiyon.

Ano ba ang ibig sabihin ng Agrikultura?

Ang agrikultura ay ang sining at agham


ng pagsasaka ng lupa, para sa layuning
makapagtanim doon ng mga gulay, prutas, at
iba pang pananim; paghahayupan at
pangisngisda. Ang agrikultura ay isa sa
pinakamahalagang sektor ng ekonomiya.

Nahahati ang sektor ng agrikultura sa


paghahalaman, paghahayupan, pangingisda at
paggugubat. Suriin ang bawat bahaging
ginagampanan ng agrikultura.

GINAGAMPANAN NG AGRIKULTURA SA EKONOMIYA

Paghahalaman

Maraming mga pangunahing pananim ang bansa


tulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape,
mangga, tabako at abaka. Ang mga pananim na ito ay
karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng bansa.
Kasama rin dito ang produksiyon ng gulay, halamang-
gubat, at halamang mayaman sa hibla (fiber). Gayundin
ang mani, kamoteng kahoy, kamote, bawang, sibuyas,
kamatis, repolyo, talong at kalamansi.

8
Paghahayupan

Pangunahing inaalagaan ang mga kalabaw,


baka, kambing, baboy, manok, pato at iba pa. Ang
paghahayupan ay nakatutulong sa pagtustos ng ating
mga pangangailangan sa karne at iba pang pagkain.
Ang paghahayupan ay gawaing pangkabuhayang
kinabibilangan ng ating mga tagapag-alaga ng hayop.
Mayroon ding mga pribadong korporasyon na nasa
ganitong hanapbuhay.

Pangingisda

Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga


pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo. Isa
sa pinakamalalaking daungan ng mga huling isda ay
matatagpuan sa ating bansa. Ang pangingisda ay nauuri
sa tatlo- komersiyal, munisipal at aquaculture.
Ang komersyal na pangingisda ay tumutukoy sa
uri ng pangingisdang gumagamit ng mga bangka na may
kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga
gawaing pangkalakalan o pagnenegosyo. Sakop ng
operasyon ay 15 kilometro sa labas ng nasasakupan ng
pamahalaang bayan. Ang munisipal na pangingisda ay
nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka
na may kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi
nangangailangan na gumamit ng mga fishing vessel. Ang pangisdang aquaculture
naman ay tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito
mula sa iba’t ibang uri ng tubig pangisdaan–fresh (tabang), brackish (maalat-alat)
at marine (maalat) (BOI, 2011). Sa mga ito, ang aquaculture ang pinakamalaki ang
naitala sa kabuuang produksiyon ng pangisdaan kasunod nito ang pangisdang
munisipal at komersyal. Bahagi din ng gawaing pangingisda ay ang paghuhuli ng
hipon, sugpo at pag-aalaga ng mga damong dagat na ginagamit sa paggawa ng
gulaman.

Paggugubat

Ang paggugubat ay isang pangunahing pang-


ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura. Patuloy
na nililinang ang ating mga kagubatan bagamat tayo
ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng mga
yaman nito. Mahalaga itong pinagkukunan ng
plywood, tabla, at veneer. Bukod sa mga nabanggit na
produkto, pinagkakakitaan din ang rattan, nipa,
anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at dagta ng
almaciga.

9
MGA KAHALAGAHAN NG AGRIKULTURA
Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakabatay sa laki at taas ng kita ng mga
sektor ng ekonomiya. Mahalagang mapagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang
lahat ng sektor, partikular ang agrikultura sapagkat dito nagmumula ang mga
pagkain na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan.

Narito ang ilang kahalagahan ng agrikultura upang mapalakas at maging


katuwang ng pamahalaan sa pagkamit ng kaunlaran sa ating bansa.

1. Ang agrikultura ay Tinitiyak ng sektor ng agrikultura na may


pangunahing pinagmumulan ng makakain ang mga Pilipino sa kanilang
pagkain. hapag tulad ng palay, mais, tubo, kopra,
patatas, at iba pa. Mayroon ding inaaning
mga prutas tulad ng mangga, pinya at
saging.
2. Pinagkukunan ng materyal para Sa sektor ng agrikultura nagmumula ang
makabuo ng bagong produkto. hilaw na sangkap mula sa kagubatan,
kabukiran, at karagatan na maaaring
gamitin sa produksiyon tulad ng kahoy para
sa muwebles, bulak at halamang mayaman
sa hibla para sa tela at sinulid , dahon at
ugat para sa pagkain, kemikal, o gamot.
3. Pinagkukunan ng kitang Nakapaghahatid ito sa bansa ng dolyar sa
panlabas. pamamagitan ng mga produktong
iniluluwas sa iba’t-ibang panig ng daigdig.
Kabilang sa iniluluwas sa ibang bansa ay
ang mga kopra, hipon, abaka at iba pang
hilaw na materyales.
4. Pangunahing nagbibigay ng Maraming mamamayan ang nagkakaroon
trabaho sa mga Pilipino. ng hanapbuhay sa tulong ng mga gawain sa
sektor ng agrikultura lalo at higit sa
naninirahan sa probinsya. Ilan sa mga
hanapbuhay sa sektor na ito ay ang
pagsasaka ng palayan, prutasan at niyugan;
paghahayupan ng bakahan, babuyan at
manukan; at pangingisda sa yamang tubig.
5. Pinagkukunan ng Sobrang Sa panahon ng modernisasyon nabibilang
Manggagawa mula sa Sektor ang mga makabagong teknolohiya. Marami
Agrikultural patungo sa na ang ginagamit na makinarya sa sektor ng
Sektor ng Industriya at agrikultura , kumakaunti ang mga
Paglilingkod. kinakailangang manggagawa. Ang mga
sobrang manggagawa ay pinakikinabangan
ng sektor ng industriya at paglilingkod batay
sa pangangailangang lakas-paggawa.

10
Sa pangkalahatan, ipinapakita nito na ang sektor ng agrikultura ay isang
mahalagang tagapagtaguyod ng ekonomiya ng bansa. Katuwang ito ng pamahalaan
sa pagpapalakas at pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng
mamamayan mula sa mga pagkain hanggang sa mga sangkap ng produksiyon. Ang
kasiguraduhang sapat ang kalakasang pisikal at kasaganaan sa bawat tahanan ay
maaaring may positibong epekto sa isang bansa. Samantala, kung hihigit sa
pangangailangan ng bayan ang magagawa, maaari itong maging mga produkto na
ikakalakal sa labas ng bansa. Sa gayon, ang sektor ay magiging isang matibay na
sandigan ng bayan upang makamit ang inaasam nitong kaunlaran.

Pagyamanin

A. Panuto: Buoin mo ang hindi natapos na pangungusap batay sa kaalamang


nabuo sa isipan. Itala ang sariling sagot sa sagutang papel.

Ang agrikultura ay
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

11
B. Panuto: Mapapansin na ang mga sumusunod na salita sa Hanay A ay mga
bumubuo sa sektor ng agrikultura. Sa gawaing ito ay kinakailangang suriin ang
mga salita na nasa Hanay A at hanapin ang katambal nito sa Hanay B upang
mapag-ugnay ang dalawang (2) hanay. Itala ang wastong kasagutan sa
sagutang papel.

HANAY A HANAY B

1. Paggugubat A. Tumutukoy sa pag-aalaga at


paglinang ng mga isda at iba pang
uri nito mula sa iba’t ibang uri ng
tubig pangisdaan.
2. Paghahalaman B. Ito ay gawaing pangkabuhayang
kinabibilangan ng mga tagapag-
alaga ng mga hayop .
3. Pangingisdang komersiyal C. Tumutukoy sa pagtatanim ng
mga halaman gaya ng gulay,
halamang gamot, bulaklak o mga
prutas.
4. Pangingisdang aquaculture D. Pinagkukunan ng kahoy,
plywood, at veneer na ginagamit
bilang mga kasangkapan sa bahay.
5. Paghahayupan E. Uri ng pangingisdan gamit ang
bangka na may kapasidad na higit
sa tatlong tonelada para sa mga
gawaing pagnenegosyo.

C. Panuto: Sagutin ang mga gabay na tanong batay sa kaalamang nabuo sa


isipan. Itala ang sariling kasagutan sa sagutang papel.

Gabay na tanong:
1. Sa ilang bahagi nahahati ang sektor ng agrikultura? Isa-isahin ang mga ito.
2. Ibigay ang sariling pagpapakahulugan batay sa binasang teksto.
3. Ano-ano ang mga gampanin ng bawat sektor ng agrikultura?

Sektor ng Agrikultura Kahulugan Gawain o gampanin


1.

2.

3.

4.

12
D. Panuto: Matapos mong naisa-isa ang bumubuo sa sektor ng agrikultura,
ngayon naman ay isa-isahin mo ang pagkakaiba at pagkakapareho ng mga
sekondaryang Sektor ng Agrikultura gamit ang istratehiyang Venn Diagram.
Itala ang iyong kasagutan sa sagutang papel.

Pagkakaiba
Pagsasaka Paghahayupan

__________________ __________________
__________________ __________________

Pagkakapareho
_________________
___________
Pangingisda
Paggugubat
__________________
___________________
__________________
___________________

E. Panuto: Matapos mong maunawaan ang mga gampanin sa sektor ng


agrikultura, ngayon naman ay gawan mo ng sariling pagpapahalaga sa
bahaging ginagampanan ng agrikultura. Gaano ito kahalaga sa iyo? Isulat mo
ang sariling kasagutan sa sagutang papel.

Kahalagahan ng Agrikultura

13
F. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang PM kung pinakamainam, M kung
mainam, at DM kung di mainam ang mga sumusunod na gampanin ng
agrikutura sa ekonomiya.

______ 1.
Pagbebenta ng mga produktong agrikultura sa ibang bansa.
______ 2.
Pagpapayaman sa ating karagatan at kagubatan.
______ 3.
Pagbabawas ng lupain para sa pagsasaka.
______ 4.
Prayoridad ang pangangailangan ng lokal na pamilihan sa produktong
agrikultural.
______ 5. Pagkakaloob ng edukasyon para sa mga magsasaka at mangingisda.
______ 6. Pag-iipon ng dolyar para sa biyahe ng mga opisyal ng gobyerno.
______ 7. Pagbibigay ng suporta sa manggagawa ng agrikultura.
______ 8. Pagpataw ng mataas na buwis sa sektor ng agrikultura.
______ 9. Pagbabawal sa pag-aangkat ng mga produktong agrikultural ng ibang
bansa.
______10. Linangin ang kapasidad at kakayahan ng mga salik na nakapaloob sa
agrikultura.

Isaisip

Panuto: Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin ang kaalaman mo


batay sa natapos na aralin tungkol sa sektor ng agrikultura. Mula sa tekstong
iyong natutunan, punan ang patlang sa pangungusap. Itala ang iyong kasagutan
sa sagutang papel.

1. Ang _________________ ay sining at agham ng pagsasaka ng lupa,


paghahayupan, pangingisda at paggugubat.

2. Maraming mga pangunahing __________________ ang bansa tulad ng palay,


mais, niyog, tubo, saging at iba pa.

3. Ang ________________ ay nauuri sa tatlo-komersiyal, municipal, at


aquaculture.

4. Sa sektor ng agrikultura, nagmumula ang hilaw na sangkap mula sa


kagubatan, kabukiran, at karagatan na maaaring gamitin sa
_______________.

14
5. Ang __________________ ay tumutukoy sa pag-aalaga ng hayop gaya ng baka,
kalabaw, manok at iba pa.

6. Uri ng pangingisda na tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at


iba pang uri nito mula sa iba’t-ibang uri ng tubig pangisdaan–fresh (tabang),
brackish (maalat-alat) at marine (maalat) (BOI, 2011). Ito ay
__________________.

7. Ang sektor ng agrikultura ay magiging isang matibay na sandigan ng bayan


upang makamit ang inaasam nitong _______________.

8. Ito ay tumutukoy sa pagtatanim ng mga halaman gaya ng gulay, halamang


gamot, bulaklak o mga prutas ang _______________.

9. Isa sa uri ng pangingisda na gumagamit ng mga bangka na may kapasidad


na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan o
pangnegosyo.

10. Mahalaga ang bahagi ng sektor ng agrikultura sa ________________ ng


ekonomiya ng bansa.

Isagawa

Panuto: Ang bahaging ito ay naglalaman ng isang gawain na makakatulong sayo


upang maisalin mo sa tunay na buhay o realidad ang naging kaalaman mo tungkol
sa sektor ng agrikultura upang maging daan sa pagpapatibay ng kaalamang
natutunan. Basahin at unawain ang kwento sa ibaba. Isulat ang bahaging
ginagampanan ng bawat gawaing nakapaloob sa sektor ng agrikultura at sagutin
ang mga katanungan sa susunod na pahina. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

BUNGA NG KASIPAGAN
Sulat ni Reajoy B. Gallegos
Bago pa magbukang-liwayway, si Mang Dante ay nasa kanyang
bukirin na. Habang binabagtas nito ang pilapil ng bukid ay kanya itong
pinagmamasdan dahil sa ikatlong araw ay maari nang mag- ani sa kanyang
palayan. Gumuhit ang ngiti sa labi, at ang alaala ng nakaraan ay nabalik-
tanaw.

15
Nang sila ay bata pa, tinuruan sila ng kanilang magulang na
magbungkal ng lupa at magtanim ng mga palay at gulay tulad ng sitaw,
kalabasa, okra, talong at iba pa. Nagtatanim din sila ng mga punong kahoy at
prutas gaya ng lansones, bayabas, guyabano, papaya at iba pa. Ang kanilang
pananim ay nakatutulong sa kanilang pang-araw-araw na pagkain .Bagaman
ang kanilang tirahan ay malapit sa ilog, tinuruan din sila ng kanilang ama na
mangisda gamit ang lambat at mga ginawang kawil. Sa pangangalap ng isda sa
ilog, at kung may mahuli ka, masuwerte at may pang–ulam na.

Hindi lamang ang pagtatanim at pangingisda ang itinuro ng kanilang


magulang gayundin ang pag-aalaga ng mga hayop tulad ng mga baka, kalabaw,
kambing, manok at itik. Sa paghahayupan nakatutulong ito sa kanila sa
pagtustos ng pagkain tulad ng mga karne, itlog at gatas. Masagana at masaya
ang kanilang pamumuhay, hindi nila naranasan na magutom sa kabila ng salat
sa yaman.

At sa pagbalik ng kanyang pagbalik-tanaw, muli niyang nasambit ang


laging sinasabi ng kanilang magulang ang kasabihang “ Pag may tiyaga, may
nilaga.” Inaani nila Mang Dante at mga kapatid ang mga turo at payo ng
kanilang magulang na hanggang ngayon ay kanilang tinatamasa.

Sektor ng Agrikultura na nabanggit sa Mga gawain o gampanin na nabanggit


kwento sa kwento
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Mga Tanong:

1. Base sa iyong naitala na mga gampanin, bakit nga ba mahalaga ang mga
gawain na ito?

2. Sa mga nabanggit na gampanin, naranasan mo ba ito? Bakit?

3. Sa iyong palagay, ano ang mangyayari kung hindi matutunan ang mga
gawaing ito?

4. Ano-ano ang mga kahalagahan ng mga gampanin na nabanggit sa


kwento?

5. Bilang isang mag-aaral, paano mo isasabuhay ang kasabihang “Pag may


tiyaga, may nilaga” ?

16
Tayahin

Panuto: Muling susubukin ang iyong natutunan sa araling ito. Basahin nang may
pang- unawa ang mga pahayag sa bawat bilang. Suriin ang mga impormasyon sa
ibaba at tukuyin ang mga isinasaad nito. Piliin ang titik ng wastong sagot at itala
sa iyong sagutang papel.

1. Sinasabing malaking bahagdan ng mga Pilipino lalong-lalo na sa mga


probinsiya ang makatutulong sa agrikultura para mabuhay. Alin sa
sumusunod ang hindi nabibilang sa sektor ng agrikultura?
a. Pagmimina
b. Pangingisda
c. Paggugubat
d. Paghahayupan

2. Anong uri ng pangingisda ang tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga


isda at iba pang uri nito mula sa iba’t ibang uri ng tubig pangisdaan–fresh
(tabang), brackish (maalat-alat) at marine (maalat) (BOI, 2011).
a. komersyo
b. aquaculture
c. munisipal
d. wala sa nabanggit

3. Alin sa sumusunod na sektor ang namamahala sa pagproseso ng mga hilaw na


materyales upang ito ay maging isang produkto?
a. Agrikultura
b. Industriya
c. Paglilingkod
d. Impormal na sektor

4. Ang mga pangunahing pananim ng bansa ang mga palay, mais, niyog, tubo,
saging, pinya, kape, mangga, tobacco at abaka ay bahagi sa anong sektor ng
agrikultura?
a. Paghahayupan
b. Pangisdaan
c. Paghahalaman
d. Paggugubat

17
5. Sa anong sektor ng agrikultura na ang pangunahing inaalagaan ay mga
kalabaw, baka, kambing, baboy, manok at bibi o pato?
a. Paghahayupan
b. Pangisdaan
c. Paghahalaman
d. Paggugubat

6. Ang hipon at sugpo ang pangunahing produktong iniluluwas sa ibang bansa.


Malaking industriya rin ang pag-aalaga ng damong-dagat tulad ng carrageenan
na ginagamit sa paggawa ng gulaman. Anong bahagi sa sektor ng agrikultura
nabibilang ito?
a. Paghahayupan
b. Pangisdaan
c. Pagmimina
d. Paggugubat

7. Saang bahagi nabibilang sa sektor ng agrikultura ang pangunahing nakukuha


dito ay mga yamang mineral, yamang di-metal at enerhiya na matatagpuan sa
mga bundok, kapatagan, baybayin at maging sa karagatan, saang sektor ng
agrikultura nabibilang?
a. Paghahayupan
b. Pangisdaan
c. Pagmimina
d. Paggugubat
8. Bahagi ito ng sektor ng agrikultura na kung saan rito nakukuha ang mga
hilaw na materyales tulad ng troso, tabla, plywood, veneer at mga produktong
gubat tulad ng rattan, nipa, anahaw, pulot-pukyutan at dagta ng almaciga.
a. Paghahayupan
b. Pangisdaan
c. Paghahalaman
d. Paggugubat

9. Mahalaga ang bahagi ng sektor ng agrikultura sa pagpapaunlad sa ekonomiya


ng bansa. Ipinakikita ng sumusunod ang mga kahalagahan ng agrikultura sa
ating ekonomiya MALIBAN sa isa.
a. Pangunahing pinagmumulan ng hanapbuhay.
b. Nagsisilbing ‘market o pamilihan ng mga produkto sa Industriya.
c. Hindi nakatutulong sa ibang sektor ng ekonomiya.
d. Pinagkukunan ng kitang panlabas.

18
10. Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang mithiing
kaunlaran. Bilang isang mamamayang Pilipino, may obligasyon ka ring dapat
gawin upang makatutulong sa pag-abot sa kaunlaran. Bilang isang mag- aaral,
ano ang bagay na maaari mong gawin upang makatulong sa bansa?
a. Maging mulat sa mga anomalyang nangyayari sa lipunan.
b. Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong
pangkaunlaran sa paaralan at sa komunidad.
c. Tangkilikin ang mga produktong sariling atin.
d. Lahat ng nabanggit.

11. Dahil sa krisis na Covid_19 lubos na naaapektuhan ang mga pangunahing


pangangailangan ng mga mamamayan tulad ng pagkain, kaya naman ang mga
mamamayan ay nagtanim ng mga gulay at prutas upang matugunan ang
pangangailangang pagkain sa araw araw. Ang gampaning ito ng mamamayan
ay nabibilang sa anong bahagi ng sektor ng agrikultura?
a. Paghahalaman
b. Paghahayupan
c. Pangingisda
d. Paggugubat

12. Ang mga hilaw na materyales gaya ng kahoy, plywood, veener at iba pa ay
ginagawang panibagong produkto tulad mesa, upuan at kabinet. Ang
gampaning ito ay bahagi ng anong sektor ng agrikultura?
a. Paghahalaman
b. Paghahayupan
c. Pangingisda
d. Paggugubat

13. Ito ay nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop sa pamahalaang lokal o


munisipyo at gumagamit ng bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o
mas mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit ng mga fishing vessel.
Anong uri ng pangingisda ang kinabibilangan nito?
a. Komersyal
b. Aquaculture
c. Munisipal
d. Wala sa nabanggit

14. Sa kabilang banda ito ay uri ng pangingisdang gumagamit ng mga bangka na


may kapasidad na hihigit sa tatlong tolenada para sa mga gawaing
pangkalakalan o pagnenegosyo?
a. Komersyal
b. Aquaculture
c. Munisipal
d. Wala sa nabanggit

19
15. “Ang agrikultura ay bahagi ng buhay ng tao”, batay sa iyong pagkaunawa ano
ang nais ipahayag ng talatang ito?
a. Sa agrikultura nakukuha ang mga pangunahing pangangailangan ng
mga tao.
b. Ang agrikultura ay binubuo ng mga gampanin ng mga magsasaka, mga
tagapag-alaga ng mga hayop tulad ng kambing, baka at kalabaw,at
mangingisda.
c. Sa agrikultura nakadepende ang malaking bahagi ng ekonomiya upang
matugunan ang pangangailangan sa pagkain at produksiyon.
d. Lahat ng nabanggit.

Karagdagang Gawain

Panuto: Pumili sa mga larawang nais mong suriin hinggil sa gampanin at


kahalagahan ng sektor ng agrikultura. Mula sa larawang iyong pinili sagutin ang
mga gabay na tanong sa ibaba kung saan maaaring makapagbigay ng ideya sa
paglago ng ginagampanan ng agrikultura.

Pinagkunan sa larawan:( Sariling kuha ng manunulat noong Hulyo 7, 2020)

20
Gabay na tanong:

1. Anong bahagi sa sektor ng agrikultura ang iyong napiling larawan?


2. Ano–anong kahalagahan nito sa bahaging ginagampanan sa sektor ng
agrikultura?
3. Bilang isang mamayan, paano ito makatutulong sa paglago ng gampanin ng
sektor ng agrikultura?
4. Paano nakatutulong ang napiling sektor ng agrikultura sa pamumuhay ng tao?
5. Ibigay ang gampanin ng napiling larawan sa pagkamit ng kaunlaran ng
ekonomiya sa bansa.

Nawa’y marami kang natutuhan sa paksang ating tinalakay. Ngayon ay


maaari mo ng iwasto ang iyong sagot sa iba’t ibang gawain na iyong sinagutan.
Inaasahan ko pa rin ang iyong pagiging tapat sa pagwawasto.

21
22
Subukin Balikan Hanap-salita
1. mapanagutan Word box
1. A 2. maabilidad Paghahayupan
2. D 3. makabansa Pagsasaka
3. A 4. maalam Paghahalaman
4. C 5. maalam Pangingisda
5. B 6. mapanagutan Paggugubat
6. A 7. maabilidad Agrikultura
7. D 8. maalam Ilog
8. A 9. makabansa Kalabaw
9. C 10. makabansa Bundok
10. A Tuklasin Saging
11. B A.Pic-suri Gampanin
12. D Ang tagapangasiwa na ang
13. D gagawa ng susi sa 1-2
14. C pagwawasto. Ang tagapangasiwa na ang
15. D gagawa ng susi sa
pagwawasto
Pagyamanin
ISAGAWA KARAGDAGANG GAWAIN
1. A
2. B (Ang tagapangasiwa na ang
3. C Ang tagapangasiwa na
gagawa ng susi sa
4. D ang gagawa ng susi sa
pagwawasto) pagwawasto)
5. E
6. F
Malayang Pagsasanay 3 ISAISIP
TAYAHIN
(Ang nakatalang sagot ay 1. Agrikultura
basehan lamang) 2. Pananim 1. A
3. Pangingisda 2. B
1. M 4. Produksyon 3. A
2. PM 5. Paghahayupan 4. C
3. DM 6. Aquaculture 5. A
4. PM 6. B
7. Kaunlaran
5. PM 7. D
6. DM
8. Paghahalaman
8. D
7. M 9. Komersyal
9. C
8. DM 10. Pagpapaunlad 10. D
9. M 11. A
10. M 12. D
13. C
14. A
15. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Balitao, Bernard R., Martiniano D. Buising, Edward D.J. Gracia, Apollo


D. De Guzman, Juanito L. Lumibao Jr., Alex P. Mateo, at Irene J.
Mondejar. 2015. Ekonomiks Araling Panlipunan (Modyul para sa Mag-
aaral). Pasig City.Vibal Group, Inc.

Balitao, Bernard R., Jerome A. Ong, Meriam dR. Cervantes, Liberty I.


Nolasco, John N. Ponsaran, at Julia D. Rillo. 2012. Ekonomiks- Mga
Konsepto at Aplikasyon. Quezon City. Vibal Publishing House, Inc.

Cruz, Nilda B., Julia D. Rillo, Alice L. Lim, at Evelina M. Viloria.


2000.Ekonomiks (Batayang Aklat para sa Ikaapat na Taon). Quezon
City. SD Publications, Inc.

Imperial, Consuelo M.,Eleanor D. Antonio, Ma. Carmelita B. Samson,


Evangeline M. Dallo, at Celia D. Soriano.2002. Pagbabago. Lungsod
ng Quezon. Rex Printing Company, Inc.

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III


Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San
Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

You might also like