You are on page 1of 1

Magbigay kaalaman at magpaunawa.

Ang layunin ng awtor ay ipabatid ang mga kaganapan sa ating buhay noong tayo ay wala pang muwang
sa mundo. Nais niyang bigyang pansin ang mga karaniwang ginagawa noon ng mga matatanda upang
ang ating murang isipan ay mapaniwala. Gayunpaman, ipinauunawa nito sa atin na ito ay nagsilbing
kagawian na nating mga Pilipino na naipapasa sa bawat henerasyon. Malinaw na naipahayag kung
paanong sa mga smpleng pananalita at impormasyong sinasabi nila sa atin ay tayo’y napapasang-ayon.

Damdaming makatotoo

Batay sa teksto, pagiging makatotoo ang damdaming nangibabaw dito. Mararamdaman kung paanong
tayo ay namulat sa mga maling impormasyong isinasaksak sa atin ng mga matatanda. Kung kaya’t
nakasanayan na nating ito ay muling gawin sa mga susunod na henerasyon

Pananaw na matuto

Ang teksto ay naglalayong matuto tayo sa maling pamamaraang ginagamait natin o iniiwan sa isipan ng
mga bata. Huwag nating panitilihin na magsabi ng mali lalo na sa mga mura pa ang kaisipan dahil ito ang
mamumutawi sa kanila hanggang sa pagtanda.

Ang tekstong ito ay tungkol sa mga pangyayari sa atin noong tayo ay bata pa habang lumalaki. Tinuruan
tayo ng ating mga magulang na may mga nilalang sa mundo na hindi natin nakikita, tulad ng kapre,
tikbalang, mananggal, tiyanak, at multo at mangkukulam. Sinabi rin sa amin na ang mga nilalang na ito
ay tinatawag na lang-lua. Hindi ko alam kung bakit hindi kasama sa listahang ito ang kamote, sibuyas, at
luya, dahil para silang lupa. Kapag tayo ay nagkasakit, sinasabi ng ating nanay na uminom tayo ng gamot
na masarap ang lasa kahit parang tinta o mantika ang lasa. Para maiinom tayo, kailangan nating
magpanggap na masarap ito kahit mukhang galit na sila. At kung susuka o iluwa natin, magagalit si Tatay
sa atin. Sayang ang pagbili ng gamot. Ayoko nang magdagdag pa ng kasinungalingan dito. Sapat na sa
kanila ang kwentong ito. Lumalaki ang mga bata sa kasinungalingan at maaari nilang sabihin ito sa
kanilang mga anak mamaya.

You might also like