You are on page 1of 2

Bible Baptist Church - Parang

Brgy. Parang, Concepcion, Tarlac

1.11.23 Devotion
“ Tuloy Lang…”
Scripture:
“    But we will give ourselves continually to prayer, and to the ministry of the word.”
Acts 6:412

Bilang mga tagasunod ng Panginoong Jesus, tungkulin nating mga nananampalataya sa


Kaniya na ibahagi ang Kanyang mabuting balita at turuan ang bawat hindi mananampalataya
tungkol sa mga aral na Kanyang itinuro. Maraming mga hamon sa tila napakaimposibleng
tungkulin na ito.

Kabilang sa mga hamon na ito ang mga pananalansang, pang-uusig, panlilibak at


pangungutya ng mga tao, mga gawain ng kaaway, at maging ating pagiging hiwalay sa
nakararami dahil sa ating tinatayuang pananampalataya.

Subalit malinaw ang sinabi ng Panginoong Jesus na Siya ay makakasama natin sa ating
paggamapan sa ministeryong ito. “  Teaching them to observe all things whatsoever I have
commanded you: and, lo, I am with you always, even unto the end of the world. “ (Matthew
28:20)

Maging kalakasan natin ang pananalangin upang kumuha tayo ng kagalakan na


magpatuloy sa gawain; humingi ng pag-gabay mula sa Banal na Espiritu, at sumangguni sa kung
ano ang nakasulat sa Biblya.

Magpatuloy lang tayo sa ating gawain at huwag manlupaypay sa ating pananampalataya


bagkus mas umigting ang ating pananalig sa Diyos. Magsilbing pampalakas ng ating loob ang
sulat ni Apostol Paul sa mga taga-Filipos. “I press toward the mark for the prize of the high
calling of God in Christ Jesus.” (Philippians 3:14) May hamon ba? Tuloy ka lang. Kasama natin
ang Diyos.

.Panalangin:

Panginoong Diyos, Ama sa Langit, patuloy akong gabayan ng Banal na Espiritu sa aking
buhay. Bigyan Mo nawa ako ng kalakasan upang maging kagamit-gamit ako sa paghahayag ng
mabuting balita ng pagkapako, kamatayan, at muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus. Amen
AMANDO YVES D. MICLAT I
Bible College Student

You might also like