You are on page 1of 1

Bible Baptist Church - Parang

Brgy. Parang, Concepcion, Tarlac

1.7.23 Devotion
“Pagpapakumbaba at Pananampalataya
Scripture:
“Cause me to hear thy lovingkindness in the morning; for in thee do I trust” Psalm 143:8
Ang ating pagbasa ngayon ay isnag awit tungkol sa pag-amin at pagsisi sa kasalanan. Sa
awit na ito, hindi ipinagtapat ni David ang isang tiyak na kasalanan, ngunit kinikilala niya ang
kanyang makasalanang kalikasan. Sa ikalawang talata, ipinagtapat niya na walang sinumang
nabubuhay ang matuwid sa harapan ng Diyos. Ginamit ni Apostle Paul ang talatang ito upang
saligan ang kanyang pagtuturo—lahat ay nagkasala at hindi umabot sa pamantayan ng Diyos
(Romans 3:20; Galatians 2:16)
Napagtanto ni David na ang kanyang pagdurusa ay maaaring resulta ng paghatol ng
Diyos. Nanalangin siya sa Diyos na iligtas siya, hindi dahil sa kanyang katuwiran kundi dahil sa
katapatan ng Diyos. “Hear my prayer, O LORD, give ear to my supplications: in thy faithfulness
answer me, and in thy righteousness.” (Psalms 143:1) Ang kanyang pagtitiwala ay wala sa
kanyang sarili, ngunit sa Diyos: “  Cause me to hear thy lovingkindness in the morning; for in
thee do I trust:” (Psalm 143:8)
May magandang dahilan si David para magtiwala sa Diyos. Siya ay nagmumuni-muni,
“ I remember the days of old; I meditate on all thy works; I muse on the work of thy hands.”
 

(Psalms 143:5)Ang mahirap na sitwasyon ni David ay naging dahilan upang siya ay manabik sa
Diyos nang higit kailanman  “I stretch forth my hands unto thee: my soul thirsteth after thee, as a
thirsty land. “(Psalms 143:6) Alam niyang kailangan niya ang nagliligtas na tulong ng Diyos.
Hinihiling niya sa Diyos hindi lamang na iligtas siya sa kanyang mga kaaway kundi turuan at
gabayan din siya sa paraan na dapat niyang mamuhay . “  Teach me to do thy will; for thou art
my God: thy spirit is good; lead me into the land of uprightness.” “(Psalms 143:6)
Ipinakita sa atin ni David kung paano lalapit sa Diyos nang may pagpapakumbaba at
pananampalataya. Tandaan na tayo ay umaasa sa Diyos hindi lamang para sa ating walang
hanggang kaligtasan kundi pati na rin sa bawat hininga na ating ginagawa.
Panalangin: “  Teach me to do thy will; for thou art my God: thy spirit is good; lead me
into the land of uprightness.” “(Psalms 143:6)
AMANDO YVES D. MICLAT I
Bible College Student

You might also like