You are on page 1of 1

Arellano University

Andres Bonifacio Campus

Araling Panlipunan 10

(Kontemporaryong Isyu)

Activity no. 2

I. Paksa: Ang Usaping teritoryal

II. Layunin:

A. Matatalakay ang mga dahilan ng mga suliraning teritoryal at hangganan (territorial and
border con icts)

B. Masusuri ang epekto ng mga suliraning teritoryal at hangganan sa aspektong


panlipunan, pampolitika, pangkabuhayan, at pangkapayapaan ng mga mamamayan.

C. Makagagawa ng sariling bersyon ng mapa ng Pilipinas, maaring gumamit ng ilang


recycled materials.

III. Konsepto:

Maliban sa isyu ng migrasyon, pinagtutunan din ng pansin ng maraming bansa,


kabilang na ang Pilipinasm ang isyu ng territorial dispute o mga suliraning may kinalaman sa
hangganan ng teritoryo ng bansa. Ang mga ganitong suliranin ay nagaganap kung may dalawa
o higit pang mga bansa ang umaangkin ng isang lupain, o katawang-tubig. Kadalasan, ang
isang territorial dispute ay may kinalaman sa kasaganaan ng likas na yaman sa pinag-
aagawang teritoryo. Ganito ang kaso sa Spratly Islands (kilala bilang Kalayaan Group of
Islands) sa West Philippine Sea. Maari din namanngh ang pag-aagawan ng teirtoryo ay bunsod
ng mga pagtutunggaling may kinalaman sa kultura, relihiyon, at nasyonalismo. Kung susuriin
ang kasaysayan ng mga bansang nag-aagawan, ang pagtatalo sa teritoryo ay kadalasang
bunga ng isang hindi malinaw na kasunduang nagtatakda ng mga hangganan ng kani-kanilang
teritoryo.

Gawain: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Ipaliwanag ito ng mabuti, at ilagay ang mga
pinagkuhaan ng inyong mga sagot sa pinaka- ibabang bahagi ng inyong gawa.

1. Bakit kailangang Sundin ang mga kasunduang internasyonal sa pagresolba ng mga


usaping teritoryal?

2. Paano epektibong matitiyak ng pamahalaan ang integridad ng hangganan ng Pilipinas?

3. Ano-ano ang mga salik kung bakit paiba-iba ang polisiya ng mga pangulo sa usapin ng
pag-angkin sa Sabah?

4. Paano nakaimpluwensiya ang kolonyalismo sa pagkawala ng Sabah mula sa teritoryo ng


Pilipinas?

5. Kailangan bang ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa pag-angkin ng Sabah at mga pulo sa


West Philippine Sea at ilipat na lamang ang tuon sa paglutas ng ibang suliranin ng bansa?
Ipaliwanag.
fl

You might also like