You are on page 1of 4

PANALANGIN SA

PAMAMARAAN NG
TAIZE
(Pagpaparangal sa Krus)
Ang Panalangin sa Pamamaraan ng Taize ay isang panalanging ginaganap sa gabi para sa
lahat ng pananampalatayang Kristiyano. Ito ay isang payak at mapagnilay na anyo ng
pagsamba na pumupukaw sa atin upang tayo ay manahan sa presensiya ni Kristo sa ating
paligid at higit sa lahat, sa ating kalooban.

Daloy ng Panalangin

Namumuno: Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.


Ang mga sumusunod na awitin ay patutugtugin at marahang sasabayan ng mga
mananampalataya. Maaari itong ulitin ng 5 beses o higit pa para sa mas malalim na pagninilay.

Chant 1: Holy Spirit come to us


Chant 2: Sambahin ka Kristo Hesus
Chant 3: Ang Panginoon ang Aking Pastol

Ngayon ay isasagawa ang pagbabasa ng Mabuting Balita. Ang sipi na babasahin mula sa
Mabuting Balita ay ang nakalaang pagbasa sa darating na Linggo.
Tagabasa: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo (Mateo 5, 13-16)

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Kayo’y asin sa sanlibutan.
Kung mawalan ng alat ang asin, paano pang mapananauli ang alat nito? Wala na itong kabuluhan
kaya’t itinatapon na lamang at niyayapakan ng mga tao. “Kayo’y ilaw sa sanlibutan. Hindi
maitatago ang isang lungsod na nakatayo sa ibabaw ng burol. Walang nagsisindi ng ilaw at
naglalagay nito sa ilalim ng takalan. Sa halip ay inilalagay ito sa talagang patungan upang
matanglawan ang lahat ng nasa bahay. Gayun din naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong
ilaw sa harapan ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at papurihan ang
inyong Amang nasa langit.”

Chant 4: Bless the Lord my soul

Pagkatapos ng ikaapat na awitin ay maglalaan ng katahimikan (5-7 minuto) ang mga


mananampalataya. Pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan ay isunod ang Panalangin ng
Bayan.
Namumuno: Magpapatuloy ang ating pananalangin sa ilang sandali ng katahimikan para sa
pagninilay.

Panalangin ng Bayan

Tagabasa: Manalangin tayo sa Ama sa diwa ng pagkakaisa at pagkakapatiran bilang mga


Kristiyano.
Tugon sa bawat panalangin: Chant 5: O Lord hear my prayer
Tagabasa: Nawa ay maisakatuparan ng Simbahan ang Kaniyang misyon na ipalaganap ang
Mabuting Balita sa lahat ng dako ng daigdig at ang pagmamahal at awa ni Jesus sa mga dukha,
may karamdaman, mga naghihirap, at mga isinasantabi ng lipunan. Manalangin tayo.
Tagabasa: Nawa ay gabayan ng Panginoon ang Santo Papa, mga obispo, pari, diyakono, at mga
relihiyoso at relihiyosa upang maisakatuparan nila ang gawaing ipinagkaloob sa kanila ni Jesus
na pastulan ang kaniyang kawan. Manalangin tayo.
Tagabasa: Nawa ay liwanagan ng Panginoon ang mga namumuno sa pamahalaan upang
magampanan nila ang kanilang tungkulin na pangalagaan ang sambayanan at ang kanilang
karapatan, dignidad, at buhay. Manalangin tayo.
Tagabasa: Pagningasin nawa ng Panginoon ang sigasig ng paglilingkod sa puso ng mga
lingkod-simbahan upang buong giting nilang paglingkuran ang Panginoon at isabuhay ang
Mabuting Balita sa pang araw-araw. Manalangin tayo.
Tagabasa: Tawagin nawa ng Panginoon tayong mga lingkod-kabataan sa isang malalim na
pakikipagkaisa sa Kaniya upang matamasa natin ang pag-ibig at pag-asang hatid ng Kaniyang
presensiya sa kabila ng ating mga kahinaan. Manalangin tayo.

Matapos ang Panalangin ng Bayan ay gaganapin ang Pagpaparangal sa Krus (Veneration of


the Cross). Ibababa ng dalawang kabataang lingkod ang Taize Cross at ilalagay sa lugar na
paglalagyan nito. Habang isinasagawa ang pagpaparangal ay mangyaring patugtugin ang mga
sumusunod na awitin (o iba pang awiting pang Taize): Jesus Remember Me, Nada te turbe, at
iba pa.

Namumuno: Ngayon ay isasagawa natin ang pagpaparangal sa Krus. Ang lahat ay inaanyayahan
na manalangin, magnilay, at magpugay sa Krus bilang tanda ng ating pakikipagkaisa kay Kristo.
Maaari nang lumapit ang mga mananampalataya upang magparangal sa Krus. Kung
makatapos na ang lahat sa pagpaparangal sa Krus, aawitin ang Ama Namin.

Namumuno: Mga kapatid, ngayon ay manalangin tayo sa panalanging itinuro sa atin ng ating
Panginoong Jesus.

Pagkatapos awitin ang Ama Namin ay isusunod na patutugtugin ang mga sumusunod na awitin.
Chant 6: Sa Pagmamahal, Naroroon ang Diyos
Chant 7: Stay with Me

Pangwakas na Panalangin
Namumuno: Manalangin tayo. Panginoon, ikaw ang tuwa ng aming mga puso. Ang iyong
Mabuting balita ang nagbibigay ng kasiguraduhan na ang kaharian mo ay magbibigay sa amin ng
kapayakan at kaginhawahan ng buhay. Maging bukas ka nawa para sa amin. Amen.

Chant 8: Magnificat

Namumuno: Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo kapara nang sa una ngayon ay
magpakailanman magpasawalang hanggan. Amen.
Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

You might also like