You are on page 1of 34

1

Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

PANIMULA

Namumuno:
Magandang umaga po sa ating lahat.
Tayo po ngayon ay nagdiriwang bilang isang sambayanan na
nagpupuri at nagpapasalamat sa Poong Maykapal sa
pagbibigay sa atin ng Makalangit na gabay, si San Juan
Bautista, ang patron ng bayan ng Daet. Kaalinsabay ng ating
pagdiriwang ng ikaapat na raan at siyam na kapistahan ng
ating bayan ay ang Taon ng Ekumenismo, Pakikipag-ugnayan
sa mga relihiyon at mga Katutubo bilang paghahanda sa
pagdiriwang ng ikalimangdaang taon ng Kristyanismo sa
Pilipinas.

Malaki ang ginampanang papel ni San Juan Bautista sa


kasaysayan ng pagliligtas ng Diyos sa tao. Si San Juan Bautista
ang naging sugo at naghayag ng pagdating ng manunubos.
Hindi siya nagmalabis sa kanyang tungkulin at nilinaw niyang
may darating na higit na dakila kaysa kanya, at hindi siya
karapat-dapat magkalag man lamang sa panyapak nito.
Tularan natin ang kababaang loob ni San Juan Bautista na
walang itinampok sa kanyang buhay maliban kay Jesus.

Kasama ng kaparian ng Diyosesis ng Daet at ng ating vicario


general at kura paroko, Reb. Padre Ronald Anthony P.
Timoner,
ang ating pagdiriwang ay pamumunuan ng Lubhang
kagalang-galang Rex Andrew Clement Alarcon, Pantas ng
Kabanalan, Obispo ng Daet. Tumayo po ang lahat bilang
pasimula ng ating pagdiriwang.
2
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

ANG MISA NG SAMBAYANAN


Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang Obispo at ang mga tao ay magkukrus.
Ipahahayag ng Obispong nakaharap sa mga tao:

OBISPO:

SA NGALAN NG  AMA, AT NG ANAK,


AT NG ESPIRITU SANTO.
Sasagot ang mga tao:

Bayan: Amen.
Ilalahad ng obispo ang kanyang mga kamay bilang pagbati sa mga tao, habang ipinahahayag:

OBISPO:

SUMAINYO ANG KAPAYAAN.


Bayan: At sumaiyo rin.
Ang obispo ay makapagbibigay ng maikling paliwanag tungkol sa buod ng Misang ipagdiriwang.

Susunod na gaganapin ang pagsisisi sa kasalanan. Aanyayahan ng obispo ang mga tao:

OBISPO:

MGA KAPATID, AMININ NATIN ANG ATING


MGA KASALANAN UPANG TAYO’Y MAGING
MARAPAT GUMANAP SA BANAL NA
PAGDIRIWANG.
Magkakaroon ng saglit na katahimikan. Pagkatapos nito, lahat ay sabay-sabay na aamin sa nagawang kasalanan.
3
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

OBISPO AT BAYAN:
Magkasabay

INAAMIN KO SA MAKAPANGYARIHANG DIYOS


AT SA INYO, MGA KAPATID,
NA LUBHA AKONG NAGKASALA
Ang lahat ay dadagok sa dibdib, tatlong beses.

SA ISIP, SA SALITA, SA GAWA


AT SA AKING PAGKUKULANG.
KAYA ISINASAMO KO
SA MAHAL NA BIRHENG MARIA,
SA LAHAT NG MGA ANGHEL AT MGA BANAL
AT SA INYO, MGA KAPATID,
NA AKO’Y IPANALANGIN
SA PANGINOONG ATING DIYOS.
Ipahahayag ng obispo ang pagpapatawad:

OBISPO:

KAAWAAN TAYO NG MAKAPANGYARIHANG


DIYOS, PATAWARIN TAYO SA ATING MGA
KASALANAN, AT PATNUBAYAN TAYO SA BUHAY
NA WALANG HANGGAN.

Bayan: Amen.
Aawitin ang Kyrie Eleison.
4
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

OBISPO: PAPURI SA DIYOS SA KAITAASAN.


PANALANGING PAMBUNGAD
Pagkaraan, ang obispo ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana at paharap sa mga nagsisimbang magpapahayag:

OBISPO:

MANALANGIN TAYO.
Ang lahat kaisa ng obispo ay tahimik na mananalangin nang saglit.

AMA NAMING MAKAPANGYARIHAN,


HINIRANG MO SI SAN JUAN BAUTISTA
UPANG IHANDA ANG BAYAN
PARA SA PANGINOONG SI KRISTO.
IPAGKALOOB MONG MAGALAK SA ESPIRITU
ANG IYONG BAYAN AT PATNUBAYAN
ANG KALOOBAN NG TANAN
SA DAAN NG KALIGTASAN AT KAPAYAPAAN
SA PAMAMAGITAN NI HESUKRISTO
KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.

Sa katapusan, ang sambayanan ay tutugon.

Bayan: Amen.
5
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

LITURHIYA NG SALITA NG DIYOS

Namumuno: Umupo ang lahat at makinig sa Salita ng Diyos.

UNANG PAGBASA (Is 49:1-6)

Namumuno: Ipinapahayag ng kasulatan ni Propeta Isaias ang


kanyang propesiya sa pagdating ng isang lingkod na
magiging tanglaw ng mga bansa “upang lahat sa daigdig
ay maligtas.” Pakinggan po natin ang unang pagbasa.
PAGBASA MULA SA AKLAT NI PROPETA ISAIAS

Makinig kayo mga taong naninirahan sa malalayong lugar.


Pinili na ako ng Panginoon bago pa isilang at hinirang niya ako para
siya’y paglingkuran. Mga salita ko’y ginawa niyang sintalas ng tabak,
Siya ang sa aki’y laging nag-iingat. Ginawa niya akong parang matulis
na palaso na anumang oras ay handang itudla.

Sinabi niya sa akin, “Israel, ikaw ay lingkod ko, sa pamamagitan mo


ako’y dadakilain ng mga tao.” Ngunit ang tugon ko, “Ako ay nabigo
sa aking pagsisikap, hindi nagtagumpay gayong ibinuhos ko ang
aking lakas.” Gayunman’y itinitiwala ko sa Panginoon ang aking
kalagayan, na ako’y gagantimpalaan sa aking nakayanan. Bago pa
ako ipanganak ay hinirang na ng Panginoon, pinili niya ako para
maging lingkod niya upang tipunin ang nangalat na mga Israelita, at
sila’y ibalik sa bayang Israel.

Binigyan ako ng Panginoon ng karangalan, sa kanya nagbubuhat ang


aking karangalan. Sinabi ng Panginoon sa akin: “Israel na aking
lingkod, May mas mahalaga pa akong ipagagawa sa iyo. Bukod sa
pagpapanumbalik sa mga Israelitang nalabi ay gagawin kitang
tanglaw ng mga bansa upang lahat sa daigdig ay maligtas.”
6
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

ANG SALITA NG DIYOS.


Bayan: Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN (Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15)


PINUPURI KITA, D’YOS KO, DAHIL AKO’Y NILIKHA MO.

Ako’y iyong siniyasat, batid mo ang aking buhay,


ang lahat kong lihim, Poon, ay tiyak mong nalalaman.
Ang lahat ng gawain ko, sa iyo ay hindi lingid,
kahit ikaw ay malayo, batid mo ang aking isip.
Ako’y iyong nakikita, gumagawa o hindi man,
ang lahat ng gawain ko’y pawang iyong nalalaman. (T)

Ang anumang aking sangkap, ikaw o Diyos ang lumikha,


sa tiyan ng aking ina’y hinugis mo akong bata.
Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan,
ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay. (T)

Lahat ito’y nakikintal, sa puso ko at loobin.


Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin,
sa loob ng bahay-bata doo’y iyong napapansin’;
lumalaki ako roong sa iyo’y di nalilihim. (T)
7
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

IKALAWANG PAGBASA (Gawa 13:22-26)

Namumuno: Kinilala ni San Pablo Apostol ang mahalagang papel ni


San Juan Bautista sa plano ng pagliligtas ng Diyos sa tao.
Si San Juan ang nangaral, humimok sa mga tao para
magsisi at nagbinyag sa tubig. Ipinakilala ni San Juan ang
ating Panginoong Hesus bilang Kristo, ang darating na
kasunod niya. Pakinggan po natin ang ikalawang
pagbasa.
PAGBASA MULA SA MGA GAWA NG MGA APOSTOL

Noong mga araw na iyon, sinabi ni Pablo, “Nang si Saulo’y alisin ng


Diyos, inihalili si David upang maghari sa ating mga ninuno. At ganito
ang patotoo ng Diyos tungkol sa kanya, ‘Natagpuan ko kay David na
anak ni Jesse ang lalaking nakalulugod sa akin, isang lalaking handang
tumupad sa lahat ng inuutos ko.’ Mula sa angkan ng lalaking ito
ipinagkaloob sa Israel si Hesus, ang kanyang ipinangakong
Tagapagligtas. Bago siya dumating, ipinangaral ni Juan sa buong
Israel na dapat nilang pagsisiha’t talikdan ang kanilang mga
kasalanan, at pabinyag. Nang matapos na ni Juan ang kanyang
gawain, sinabi niya sa mga tao, ‘Sino ba ako sa akala ninyo? Hindi ako
ang Kristo. Ngunit siya’y darating na kasunod ko. At hindi ako
karapat-dapat kahit taga-alis ng panyapak.”

“Mga kapatid kong mula sa lahi ni Abraham, at mga taong may takot
sa Diyos: tayo ang pinadalhan ng balitang ito tungkol sa kaligtasan.”

ANG SALITA NG DIYOS.


Bayan: Salamat sa Diyos.

Namumuno: Tumayo po ang lahat bilang paggalang sa Banal na


8
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

Ebanghelyo.

MABUTING BALITA
Kapag walang diyakono, ang pari nakayuko sa gawing dambana ay magdarasal nang pabulong:

OBISPO: mAKAPANGYARIHANG DIYOS,


GAWIN MONG DALISAY ANG AKING PUSO
AT MGA LABI UPANG MARAPAT KONG
MAIPAHAYAG ANG MABUTING BALITA.
Pagkaraan, ang diyakono o ang obispo ay paroroon sa pook ng pagbasa. Magagawa ito ng paprusisyon na nilalahukan ng mga
tagapaglingkod na may dalang insensaryo at mga kandila. Sa pook ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

PARI: SUMAINYO ANG PANGINOON.


Sasagot ang mga tao:

Bayan: At sumaiyo rin.

Ihahayag ng diyakono o Obispo:

+ ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON


KAY SAN LUKAS (LC 1, 57-66. 80)
Pagkaraan, iinsensuhan ng diyakono o ng obispo ang aklat kung ginagamit ang insenso at ipahahayag niya ang Mabuting
Balita.

Samantala’y kukrusan niya ang aklat, ang kanyang noo, ang kanyang bibig, at ang kanyang dibdib.

Magbubunyi ang mga tao:

Bayan: Papuri sa iyo, Panginoon.

Dumating ang oras ng panganganak ni Elisabet, at nagluwal siya


ng isang sanggol na lalaki. Nabalitaan ng kanyang mga kapitbahay at
9
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

mga kamag-anak na siya’y pinagpala ng Panginoon, at nakigalak sila


sa kanya. Nang ikawalong araw, dumalo sila sa pagtutuli ng sanggol.
Zacarias sana ang ipangangalan sa kanya—gaya ng kanyang ama—
ngunit sinabi ng kanyang ina, “Hindi! Juan ang ipapangalan sa
kanya.” “Subalit wala isa man sa iyong mga kamag-anak ang may
ganyang pangalan,” wika nila. Kaya’t hinudyatan nila ang kanyang
ama at itinanong kung ano ang ibig niyang itawag sa sanggol.
Humingi siya ng masusulatan at sumulat ng ganito: “Juan ang
kanyang pangalan.” At namangha silang lahat. Pagdaka’y
nakapagsalita siya, at nagpuri sa Diyos. Natakot ang lahat ng kanilang
kapitbahay, anupat naging usap-usapan sa buong kaburulan ng Judea
ang mga bagay na ito. Pinakaisip-isip ito ng lahat ng nakaalam at ang
kanilang tanong: “Magiging ano kaya ang batang ito?” Sapagkat
maliwanag na sumasakanya ang Panginoon.
Lumaki ang bata at naging malakas ang kanyang espiritu. Siya’y
tumira sa ilang hanggang sa araw na magpakilala siya sa Israel.
Sa katapusan, ihahayag niya:

PARI: ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON.


Magbubunyi ang lahat:

Bayan: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

Namumuno: Manatili pong nakatayo para sa pagbabasbas ng


aklat ng Mabuting Balita. Tayo po ay mag-antanda ng
krus.
Hahalikan ang aklat habang dinarasal ng pabulong:
10
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

OBISPO: mAGBUNGA NAWA ITONG PAGPAPAHAYAG


NG MABUTING BALITA NG PAGKAPAWI NG
MGA KASALANAN.
Pagkaraan, gaganapin ang homiliya.

Namumuno: Magsiupo ang lahat at makinig sa homilia.

HOMILIA

Namumuno: Tumayo po ang lahat.

OBISPO: SUMASAMPALATAYA AKO


OBISPO AT BAYAN:
sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Hesukristo,
iisang anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo,
Ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus,
namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga
yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos
Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto at huhukom sa
nangabubuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Espiritu Santo,
11
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

sa banal na Simbahang Katolika,


sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao
at sa buhay na walang hanggan. Amen.

PANALANGIN NG BAYAN

OBISPO: MGA GINIGILIW KONG KAPATID,


PINAGKALOOBAN NG DIYOS NG ISANG SANGGOL
NA LALAKI ANG MAG-ASAWANG ZACARIAS AT
ELIZABET. DUMULOG TAYO SA MAPAGMAHAL NA
AMA PARA SA ATING MGA PANGANGAILANGAN.
BUONG PAGTITIWALA NATING SABIHIN:

PANGINOON DINGGIN MO ANG AMING PANALANGIN.

1. Panginoon, patnubayan mo po ang aming Santo Papa


Francisco sa kanyang mga gawain bilang pastol kawan, ang
simbahan, upang lalong mapalago ang aming pananampalataya,
matularan namin ang kanyang kapakumbabaan at pagmamahal
sa mga dukha. Manalangin tayo sa Panginoon: 

2. Panginoon, patnubayan mo po ang mga obispo at kaparian.


Upang sila ay magpatuloy na maging gabay namin sa mga
gawaing pampastoral at panlipunan, maglingkod nang buong
katapatan at buong giliw na mag-alay ng kanilang sarili sa
12
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

sambayanan lalo’t higit sa panahon ng krisis at kahirapan.


Manalangin tayo sa Panginoon: 
3. Panginoon, patnubayan mo po ang mga namumuno sa aming
pamahalaan at ang kanilang mga pamilya upang sila ay maging
tapat sa kanilang sinumpaan sa Diyos at sa bayan. Manalangin
tayo sa Panginoon.
4. Panginoon, patnubayan mo po ang mga dumaranas ng mga
kahirapan sa buhay espiritwal man o sa pisikal upang sa
pagdating ng iyong liwanag sa kanilang buhay, kanilang
matanto na ito’y pakikiisa sa iyong paghihirap at kasamang
babangon sa muling pagkabuhay. Manalangin tayo sa
Panginoon.
5. Panginoon, patnubayan mo po ang aming bayan na
dumaranas ng pagsubok sa panahong ito. Ang mga frontliners
at ang mga naataasan na maging gabay sa amin sa karimlan ng
pandemya. Bigyan mo po sila ng katatagan ng
pananampalataya upang sila’y buong pusong maglingkod para
sa kabutihan ng lahat. Manalangin tayo sa Panginoon.
6. Panginoon, pagkalooban mo po ng gatimpalang buhay na
walang hanggan ang lahat ng mga yumao at ika’y kanilang
makapiling sa Iyong kaharian sa kalangitan. Manalangin tayo sa
Panginoon.
OBISPO:

AMA NAMING MAKAPANGYARIHAN, DINGGIN


MO ANG AMING MGA PANALANGIN AT ITULOY MONG
MAGPATULOY KAMING SUMUNOD SA KALOOBAN MO
AT IPANGARAL KA SA LAHAT NG ORAS.
13
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

HINIHILING NAMIN ITO ALANG-ALANG KAY KRISTONG


AMING PANGINOON.
Sa katapusan nito’y sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:

Bayan: Amen.

Namumuno: Maupo ang lahat para sa offertorio.

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN


Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga tagapaglingkod ang telang
patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis at ang Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan ng prusisyon ng pag-aalay ng tinapay at alak at
ng iba pang handog para sa Simbahan at para sa mga dukha.

Ngayon nama’y tatayo ang obispo sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan ng tinapay nang bahagyang
nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

OBISPO: kAPURI-PURI KA, DIYOS AMANG LUMIKHA SA


SANLIBUTAN. SA IYONG KAGANDAHANG-LOOB,
NARITO ANG AMING MAIAALAY. MULA SA LUPA
AT BUNGA NG AMING PAGGAWA ANG TINAPAY NA
ITO PARA MAGING PAGKAING NAGBIBIGAY-BUHAY
Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang malakas ng obispo at sa
katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Bayan: Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

Ang diyakono o ang obispo ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang pabulong:

OBISPO: SA PAGHAHALONG ITO NG ALAK AT TUBIG KAMI


NAWA’Y MAKASALO SA PAGKA-DIYOS NI KRISTO
14
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

NA NAGPAGINDAPAT MAKIHATI SA AMING


PAGKATAO.
Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng obispo ang kalis ng bahagyang nakaangat sa dambana habang dinarasal
niya ng pabulong:

OBISPO: kAPURI-PURI KA, DIYOS AMANG LUMIKHA SA


SANLIBUTAN. SA IYONG KAGANDAHANG-LOOB,
NARITO ANG AMING MAIAALAY. MULA SA KATAS
NG UBAS AT BUNGA NG AMING PAGGAWA ANG
ALAK NA ITO PARA MAGING INUMING
NAGBIBIGAY NG IYONG ESPIRITU.
Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang malakas ng obispo at sa
katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Bayan: Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!

Pagkatapos, yuyuko ang obispo habang dinarasal niya nang pabulong:

OBISPO: DIYOS AMANG LUMIKHA, NAKIKIUSAP


KAMING MGA MAKASALANAN. TANGGAPIN
MO ANG AMING PAGSISISI BILANG
HANDOG
UPANG KAMI’Y MATUTONG SUMUNOD SA IYO
NANG BUONG PUSO.
Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng obispo ang mga alay at ang dambana; pagkaraa’y iinsensuhan ng diyakono o ng
tagapaglingkod ang obispo at ang mga nagsisimba.

Pagkatapos, ang par’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:
15
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

OBISPO: O DIYOS KONG MINAMAHAL, KASALANAN


KO’Y HUGASAN AT LINISIN MONG LUBUSAN
ANG NAGAWA KONG PAGSUWAY.

Namumuno: Tumayo po ang lahat.


Pagbalik ng obispo sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang kamay sa mga tao at muli niyang pagdaraupin
habang kanyang ipinahahayag:

OBISPO: MANALANGIN KAYO, MGA KAPATID,


UPANG ANG PAGHAHAIN NATIN AY
KALUGDAN NG DIYOS AMANG
MAKAPANGYARIHAN.
Sasagot ang mga tao:

Bayan: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong


mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating
kapakinabangan at sa buong Sambayanan niyang banal.

Pagkaraa’y, ilalahad ng obispo ang kanyang mga kamay at darasalin niya ang panalangin ukol sa mga alay.
16
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

PANALANGIN SA MGA HANDOG

OBISPO: AMA NAMING LUMIKHA,


TANGGAPIN MO ANG MGA ALAY NAMING DITO
INIHAHANDA SA IYONG MGA HAPAG NG BANAL
MONG DAMBANA NGAYONG NAGDIRIWANG KAMI
NG PARANGAL NA NAKATAKDA SA DAKILANG
KAPISTAHAN NG NAGTURONG DARATING AT
NARITO NA NGA SI HESUKRISTO NA AMING
PANGINOON MAGPASAWALANG HANGGAN.
Sasagot ang mga tao:

Bayan: Amen.

PREPASYO
ANG ATAS NA GAWAIN NI SAN JUAN BAUTISTA

OBISPO: SUMAINYO ANG PANGINOON.


Bayan: At sumaiyo rin.

OBISPO: ITAAS SA DIYOS ANG INYONG PUSO AT DIWA.


Bayan: Itinaas na namin sa Panginoon.

OBISPO: PASALAMATAN NATIN ANG PANGINOON ATING


DIYOS.
Bayan: Marapat na siya ay pasalamatan.
17
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

AMA NAMING MAKAPANGYARIHAN


TUNAY NGANG MARAPAT
NA IKAW AY AMING PASALAMATAN SA
PAMAMAGITAN NI JESUKRISTO NA AMING
PANGINOON.
DINADAKILA NAMIN ANG PAGTATALAGA
SA PINILI MONG SA KANYA’Y MANGUNA:
ANG TAGAPAGBINYAG NA SAN JUAN BAUTISTA.
SA LAHAT NG ISINILANG SIYA’Y IYONG
ITINANGI AT SA LIGAYA NG MARAMI SIYA’Y
NAGING SANHI. BAGO PA SIYA ILUWAL, KANYA
NANG IKINAGALAK ANG PAGDATING NG
TAGAPAGLIGTAS NG LAHAT. SA TANANG
PROPETA’Y SIYA LANG ANG NAGHAYAG NA
NARITO ANG KORDERONG SA LAHAT
MAGLILIGTAS.
SIYA PA RIN ANG TAGAPAGBINYAG NA GUMANAP
SA NAGPABANAL SA TUBIG AT NAG-UTOS
MAGBINYAG NA TAPAT NIYANG PINANININDIGAN
KAHIT DUGO NIYA’Y DUMANAK.
KAYA KAISA NG MGA ANGHEL NA NAGSISIAWIT
NG PAPURI SA IYO NANG WALANG HUMPAY SA
KALANGITAN, KAMI’Y NAGBUBUNYI SA IYONG
KADAKILAAN:

Santo Santo Santo! Panginoong Diyos ng mga hukbo!


Napupuno ang langit at lupa ng kaluwalhatian mo.Osana sa
kaitaasan.
Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon.
Osana sa kaitaasan.
18
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

IKATLONG PANALANGING EUKARISTIKO


Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

OBISPO:

AMA NAMING BANAL,


DAPAT KANG PURIHIN NG TANANG KINAPAL.
SAPAGKAT SA PAMAMAGITAN NG IYONG ANAK
NA AMING PANGINOONG HESUKRISTO
AT SA KAPANGYARIHAN NG BANAL NA ESPIRITU
ANG LAHAT AY BINIBIGYAN MO NG BUHAY AT
KABANALAN. WALANG SAWA MONG TINITIPON
ANG IYONG SAMBAYANAN
UPANG MULA SA PAGSIKAT
HANGGANG SA PAGLUBOG NG ARAW
MAIHANDOG ANG MALINIS NA ALAY
PARA SAMBAHIN ANG IYONG NGALAN.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay habang siya’y nagdarasal.

AMA,
ISINASAMO NAMING PAKABANALIN MO
SA KAPANGYARIHAN NG BANAL NA ESPIRITU
ANG MGA KALOOB NA ITO
NA AMING INILALAAN SA IYO.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang kanyang dinarasal:

ITO NAWA’Y MAGING KATAWAN AT DUGO 


NG IYONG ANAK AT AMING PANGINOONG HESUKRISTO
19
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

NA NAG-UTOS IPAGDIWANG ANG MISTERYONG ITO.


Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag ng malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa
hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

NOONG GABING IPAGKANULO SIYA,


Hahawakan ng Obispo ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

HINAWAKAN NIYA ANG TINAPAY,


PINASALAMATAN KA NIYA,
PINAGHATI-HATI NIYA IYON,
INIABOT SA KANYANG MGA ALAGAD
AT SINABI:
Bahagyang yuyuko ang pari..

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN,
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito sa pinggan, at luluhod siya bilang
pagsamba.

Ang pari ay magpapatuloy.

GAYUN DIN NAMAN,


NOONG MATAPOS ANG HAPUNAN,
Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:
20
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

HINAWAKAN NIYA ANG KALIS,


MULI KA NIYANG PINASALAMATAN,
INIABOT NIYA ANG KALIS SA KANYANG
MGA ALAGAD AT SINABI:
Bahagyang yuyuko ang pari.

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.
Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.

AKLAMASYON
Pagkatapos, ipahahayag ng pari:

OBISPO:

IPAGBUNYI NATIN ANG MISTERYO


NG PANANAMPALATAYA.
Bayan:
Sa krus mo at pagkabuhay kami’y natubos mong tunay,
Poong Hesus naming mahal,
iligtas mo kaming tanan ngayon at magpakaylan man.
21
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

OBISPO: AMA,
GINUGUNITA NAMIN
ANG PAGKAMATAY NG IYONG ANAK
NA SA AMI’Y NAGLIGTAS,
GAYUN DIN ANG KANYANG MULING PAGKABUHAY
AT PAG-AKYAT SA KALANGITAN
SAMANTALANG ANG KANYANG PAGBABALIK
AY PINANANABIKAN,
KAYA BILANG PASASALAMAT
NGAYO’Y AMING INIAALAY SA IYO
ANG BUHAY AT BANAL NA PAGHAHAING ITO.

TUNGHAYAN MO ANG HANDOG NA ITO


NG IYONG SIMBAHAN.
MASDAN MO ANG IYONG ANAK
NA NAG-ALAY NG KANYANG BUHAY
UPANG KAMI AY IPAKIPAGKASUNDO SA IYO.
LOOBIN MONG KAMING MAGSASALU-SALO
SA KANYANG KATAWAN AT DUGO
AY MAPUSPOS NG ESPIRITU SANTO
AT MAGING ISANG KATAWAN AT ISANG DIWA
KAY KRISTO.
22
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

CONCELEBRANTE I:

KAMI NAWA AY GAWIN NIYANG HANDOG


NA HABANG PANAHONG NAKATALAGA SA IYO.
TULUNGAN NAWA NIYA KAMING MAGKAMIT
NG IYONG PAMANA
KAISA NG INA NG DIYOS,
ANG MAHAL NA BIRHENG MARIA
NUESTRA SEÑORA DE CANDELARIA,
NI SAN JOSE ANG KANYANG
KALINIS-LINISANG ESPOSO,
KAISA NG MGA APOSTOL,
MGA MARTIR,
NI SAN JUAN BAUTISTA NA AMING PATRON,
NI SAN ROQUE
AT KAISA NG LAHAT NG MGA BANAL
NA AMING INAASAHANG LAGING NAKIKIUSAP
PARA SA AMING KAPAKANAN.

CONCELEBRANTE II:

AMA,
ANG HANDOG NA ITO
NG AMING PAKIKIPAGKASUNDO SA IYO
AY MAGBUNGA NAWA NG KAPAYAPAAN
AT KALIGTASAN PARA SA BUONG DAIGDIG.
PATATAGIN MO SA PANANAMPALATAYA
23
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

AT PAG-IBIG ANG IYONG SIMBAHANG


NAGLALAKBAY SA LUPA,
KASAMA NG IYONG LINGKOD NA SI FRANCISCO,
NA AMING SANTO PAPA,
NI REX ANDREW, NA AMING OBISPO
ANG TANANG MGA OBISPO
AT BUONG KAPARIAN
AT NG IYONG PINILING SAMBAYANAN.
DINGGIN MO ANG MGA KAHILINGAN
NG IYONG ANGKAN
NA NGAYO’Y TINIPON MO SA IYONG HARAPAN.
AMANG MAAWAIN, KUPKUPIN MO AT PAG-ISAHIN
ANG LAHAT NG IYONG MGA ANAK
SA BAWAT PANIG AT SULOK NG DAIGDIG.

 KAAWAAN MO AT PATULUYIN
SA IYONG KAHARIAN
ANG MGA KAPATID NAMING YUMAO
AT ANG LAHAT NG LUMISAN NA SA MUNDONG ITO
NA NAGTATAGLAY NG PAG-IBIG SA IYO.
KAMI AY UMAASANG MAKARARATING
SA IYONG PILING
AT SAMASAMANG MAGTATAMASA
NG IYONG KANINGNINGANG WALANG MALIW
SAPAGKAT AMING MASISILAYAN ANG
IYONG KAGANDAHAN
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay
24
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

SA PAMAMAGITAN NG AMING PANGINOONG


HESUKRISTO NA SIYANG PINAGDARAANAN NG
BAWAT KALOOB MO SA AMING KABUTIHAN.
Hahawakan ng parI ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas habang kanyang ipinahahayag

OBISPO:

SA PAMAMAGITAN NI KRISTO, KASAMA NIYA,


AT SA KANYA ANG LAHAT NG PARANGAL
AT PAPURI AY SA IYO,
DIYOS AMANG MAKAPANGYARIHAN,
KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.

Bayan:
Amen.

ANG PAKIKINABANG
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang may magkadaop na mga kamay:

OBISPO:

SA TAGUBILIN NG MGA NAKAGAGALING NA UTOS


AT TURO NI HESUS NA PANGINOON NATIN AT
DIYOS IPAHAYAG NATIN NANG LAKAS-LOOB:
O kaya:
25
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

NATUKDOAN KAN MANGA NAKAKALIGTAS NA


TUGON, ASIN PINATUOD KAN DIOSNON NA
KAUGALIAN, NANGANGAHAS KITANG MAGSABI:
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat:

Lahat:

Ama niamo, na yaon sa langit:


Pabanalon an ngaran mo;
Magdatong an kahadean mo;
Mangyari an boot mo sa daga
Nin siring sa langit.
An samong kakanon sa aro-aldaw
Itao mo samuya ngunyan,
Asin patawadon mo kami
Sa samong manga kasalan
siring na pinapatawad niamo
an manga nagkakasala samuya;
Asin hare kami pagdaraha sa sugot;
kundi agawa kami sa maraot.

Nakalahad ang mga kamay ng Obispo sa pagdarasal:

OBISPO:

AGAWA KAMI SA GABOS NA MARAOT,


NAMIMIBI KAMI KAGURANGNAN;
WARASAN SA MANGA ALDAW NIAMO
AN KATONINONGAN,
TANGANING KAMING NATABANGAN
26
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

KAN SAIMONG PAGKAHERAK


MAGIN DANAY NA TALINGKAS SA KASALAN
ASIN MAN LIGTAS SA GABOS NA KAPURISAWAN;
MANTANG KAMI NAGHAHALAT
KAN MAOGMANG PAGLAOM
ASIN PAGDATONG KAN SAMONG PARALIGTAS
NA SI JESUCRISTO.
O kaya:

HINIHILING NAMING
KAMI’Y IADYA SA LAHAT NG MASAMA,
PAGKALOOBAN NG KAPAYAPAAN ARAW-ARAW,
ILIGTAS SA KASALANAN
AT ILAYO SA LAHAT NG KAPAHAMAKAN
SAMANTALANG AMING PINANANABIKAN
ANG DAKILANG ARAW NG PAGPAPAHAYAG
NG TAGAPAGLIGTAS NAMING SI HESUKRISTO.
O kaya:

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa ganitong pagbubunyi:

DOXOLOHIA

Lahat:

HULI TA SAIMO AN KAHADEAN,


ASIN AN KAPANGYARIHAN,
SIRING MAN AN KAMURAWAYAN
SA MANGA KAPANAHONAN.
O kaya:
27
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

SAPAGKAT IYO ANG KAHARIAN


AT ANG KAPANGYARIHAN
AT ANG KAPURIHAN MAGPAKAILANMAN! AMEN.

TANDA NG KAPAYAPAAN
Pagkatapos, malakas na darasalin ng obispong nakalahad ang mga kamay:

OBISPO:

PANGINOONG HESUKRISTO,
SINABI MO SA IYONG MGA APOSTOL:
“KAPAYAPAAN ANG INIIWAN KO SA INYO.
ANG AKING KAPAYAPAAN
ANG IBINIBIGAY KO SA INYO.”
TUNGHAYAN MO ANG AMING
PANANAMPALATAYA
AT HUWAG ANG AMING PAGKAKASALA.
PAGKALOOBAN MO KAMI NG KAPAYAPAAN
AT PAGKAKAISA AYON SA IYONG KALOOBAN
Pagdaraupin ng obispo ang kanyang mga kamay.

KASAMA NG ESPIRITU SANTO MAGPASAWALANG


HANGGAN.
Sasagot ang mga tao:

Bayan: Amen.
Ang obispo’y paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa pagpapahayag.
28
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

OBISPO:

ANG KAPAYAPAAN NG PANGINOON


AY LAGING SUMAINYO.
Sasagot ang mga tao:

Bayan: At sumaiyo rin.

Maidaragdag, kung minamabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o Obispo:

DIACONO/PARI:

MAGBIGAYAN KAYO NG KAPAYAPAAN SA ISA’T-ISA.


At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t ibang pook, ang mga nagsisimba ay magbibigayan ng kapayapaan. Ang Obispo at mga
tagapaglingkod ay makapagbibigayan ng kapayapaan.
Pagkatapos, hahawakan ng Obispo ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at isasawak niya ang kaputol sa
kalis habang pabulong niyang dinarasal:

OBISPO:

SA PAGSASAWAK NA ITO
NG KATAWAN SA DUGO
NG AMING PANGINOONG HESUKRISTO
TANGGAPIN NAWA NAMIN SA PAKIKINABANG
ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN.

PAGHAHATI NG OSTIYA
KORDERO NG DIYOS
PANSARILING PAGHAHANDA NG OBISPO
Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling pag-uulit saka pa lamang idurugtong ang
”ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.”

Magkadaop ang mga kamay ng obispo sa pabulong na pagdarasal:


29
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

OBISPO:

ANG PAKIKINABANG SA KATAWAN AT DUGO MO,


PANGINOONG HESUKRISTO,
AY HUWAG NAWANG MAGDULOT
NG PAGHUHUKOM AT PARUSA SA KASALANAN KO.
ALANG-ALANG SA IYONG DAKILANG PAG-IBIG
NAWA’Y AKING MATANGGAP
ANG PAGKUPKOP MO SA AKIN
AT KALOOB MONG LUNAS.
Luluhod ang obispo at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao
siyang magsasabi nang malakas:

KOMUNION

OBISPO:

ITO ANG KORDERO NG DIYOS.


ITO ANG NAG-AALIS NG KASALANAN NG SANLIBUTAN.
MAPALAD ANG MGA INAANYAYAHAN
SA KANYANG PIGING.
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Lahat:
Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo
nguni't sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:

OBISPO:
30
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

IPAGSANGGALANG NAWA AKO NG KATAWAN


NI KRISTO PARA SA BUHAY NA WALANG
HANGGAN.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

Pagkatapos, hahawakan ng obispo ang kalis at pabulong na magdarasal:

OBISPO:

IPAGSANGGALANG NAWA AKO NG DUGO NI


KRISTO PARA SA BUHAY NA WALANG HANGGAN.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.

Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga nakikinabang, bahagyang itataas ang ostiya para sa
bawa't nakikinabang habang sinasbi:

OBISPO: KATAWAN NI CRISTO.


Ang nakikinabang ay tutugon:

Amen.

AWITING PANGKOMUNION
31
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

PANALANGING PAGKAPAKINABANG
Pagkaraan, ang obispo ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana at paharap sa mga nagsisimbang magpapahayag:

OBISPO: MANALANGIN TAYO.


Ang lahat kaisa ng obispo ay tahimik na mananalangin nang saglit.

AMA NAMING MAPAGMAHAL,


KAMING NAGSALO SA PIGING NG KORDERO
AY DUMADALANGIN NA ANG IYONG
SAMBAYANANG NAGAGALAK
SA PAGSILANG NI SAN JUAN BAUTISTA AY
KUMILALA NAWA SA IPINANGARAL NIYANG
DARATING NA GUMANAP
NG AMING PANIBAGONG PAGSILANG:
SI HESUKRISTO NA AMING PANGINOON
MAGPASAWALANG HANGGAN.

Bayan: Amen.
32
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

PANALANGIN KAY SAN JUAN BAUTISTA


Ama namin, hinirang mo si San Juan Bautista na isang propetang
naghanda sa daan ng iyong anak, ang aming Panginoong Hesukristo.
Sa pamamagitan ni San Juan Bautista na dumating bilang isang “Tinig
sa Ilang”, maraming mga tao na nakarinig sa kanyang pangangaral
ang tumanggap ng binyag ng pagbabalik-loob at pagdating ng
kaharian ng Diyos kay Kristo. Tulad ni San Juan Bautista, ipagkaloob
mo po sa amin ang biyaya na makilala ang aming Panginoong
Hesukristo na siyang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan
ng sanlibutan at buong kababaang-loob na tanggapin na ang
Panginoon ay aming itanghal at kami ay tagasunod lamang. Nawa
ang lahat ng kabutihang aming ginagawa ay magbigay ng
kaluwalhatian, pagpupuri at pasasalamat sa Iyo. Hinihiling namin ito
sa pamamagitan ng Iyong Anak na si Hesukristo, nabubuhay at
naghahari kasama Mo at ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.
Amen.
San Juan Bautista.
Ipanalangin mo kami.
Namumuno:
Magsiupo ang lahat.
Pakinggan po natin ang mensahe ng pasasalamat ng
ating minamahal at iginagalang na kura paroko, Reb.
Padre Ronald Anthony P. Timoner.

Namumuno: Tumayo po ang lahat.


33
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

PAGHAYO SA PAGWAWAKAS

OBISPO: SUMAINYO ANG PANGINOON.


Sasagot ang mga tao:

Bayan: At sumaiyo rin.

PARI: MAGSIYUKO KAYO SAMANTALANG


IGINAGAWAD ANG PAGPAPALA.

OBISPO: ANG NGALAN NG PANGINOO’Y PAPURIHAN.


Sasagot ang mga tao:

Bayan: Ngayon at kailanman.

OBISPO: sA NGALAN NG PANGINOON TAYO’Y


TINUTULUNGAN.
Sasagot ang mga tao:

Bayan: Siya ang may gawa ng langit at sanlibutan.

Babasbasan ng Obispo ang mga tao habang kanyang ipinahahayag:

OBISPO: PAGPALAIN KAYO NG MAKAPANGYARIHANG


DIYOS, ANG AMA, AT  ANAK, AT ESPIRITU SANTO.
34
Ang Misa ng Sambayanan sa karangalan ni San Juan Bautista

Sasagot ang mga tao:

Bayan: Amen.
Ang diyakono o ang paring magkadaop ang mga kamay ay magpapahayag ng paghayo sa sambayanan:

PARI: HUMAYO KAYONG TAGLAY ANG KAPAYAPAAN


UPANG ANG PANGINOON AY MAHALIN AT
PAGLINGKURAN.
Sasagot ang mga tao:

Bayan: Salamat sa Diyos.


Karaniwan, ang dambana ay bibigyang-paggalang sa paghalik dito ng pari at matapos makapagbigay- pitagan kaisa ng mga
tagapaglingkod, siya ay hahayo.

You might also like