You are on page 1of 1

Aktibiti MELC 5 sa FILIPINO 10

Batay sa ating tinalakay na dulang “Sintahang Romeo at Juliet”, Sagutan ang sumusunod na mga katanungan sa ibaba.
Pag-isipan ang iyong mga kasagutan. 5 puntos bawat bilang. Isulat ito sa isang buong papel.

1. Ano-anong kultura ng England ang masasalamin sa binasang akdang


“Sintahang Romeo at Juliet”?

Matatagpuan sa “Sintahang Romeo at Juliet” na pinapahalagahan ng mga taga-Verona, Italy ang pagiging matapat at
protektibo sa kanilang pamilya. Doon, pinagbabawalan ang pakikipaghalubilo sa mga taong kinakalaban o ikinagagalit ng
iyong pamilya. Mahihinuha rin mula sa akda na mahalaga para sa kanila ang pagpapakasal ng maaga (sa basbas ng
kanilang mga magulang at pamilya). Panghuli, parte rin ng kultura ng Verona ang pagiging maka-diyos. Sa dula,
nananalangin ang mga tauhan sa tuwing sila’y nadurusa o nanganganib.

2. Paano nakatutulong ang dula sa paglalarawan ng tradisyon at kultura ng isang


bansa?

Dahil ay realistiko, nabibigyang-tuon nito ang mga katangian, pamahiin, at pananaw ng bawat tauhan, at kung gayon, ng
isang lipunan. Nakakatulong sa paglalarawan ng tradisyon ng isang lugar ang isang dula sapagkat matulin nitong
nasasalamin ang mga paniniwalang umiiral sa bansa o lugar kung saan ito nagmula.

3. Sa iyong palagay, madali bang masasalamin ang kultura ng lugar na pinagmulan


nito? Ipaliwanag.

Oo. Sa pamamagitan ng pagdudula, klaro mong maipapakita ang mga positibo at negatibong katangian ng lipunang iyong
ginagagalawan. Sa katunayan, ang dula ay isa sa mga uri ng sining na malapit na gumagaya sa buhay ng mga tao mula sa
bansa o lugar kung saan ito nagmula.

4. Paano inilahad ang kultura ng lugar na pinagmulan ng dula sa mapakinggang


usapan ng mga tauhan?
Sa dulang “Sintahang Romeo at Juliet”, malinaw na inilahad ang mga pananaw at intensyon ng bawat tauhan.
Halimbawa, direktang inilahad sa usapan ng mga tauhan na magkatunggali ang Pamilya Montague at Pamilya Capulet, at
na wala silang balak na mag-alyansa, kahit na nag-iibigan sina Romeo at Juliet. Bunga nito, naunawaan ng mga
mambabasa (kagaya ko) na mas nangingibabaw ang pamilya kaysa sa pag-ibig sa kultura sa Verona.

You might also like