You are on page 1of 18

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

10 Z est for P rogress


Z P eal of artnership

Filipino
Ikalawang Markahan- Modyul 2:
Dula mula sa England

Name of Learner:___________________________
Grade & Section:___________________________
Name of School: ___________________________
Filipino – Ikasampung Baitang
Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE)
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Mga Akdang Pampanitikan ng Bansang Kanluran -
Dula mula sa England
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Angelica M. Rodriguez at Marietta R. Engcol
Editor: Arnie P. Taclap

Tagasuri: Sheryl Cuevas-Deocadez

Tagaguhit: Wilvin H. Inding

Tagalapat:

Tagapamahala:
Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI- Schools Division Superintendent
Lourma I. Poculan - Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien - Chief, Education Supervisor SGOD

Riela Angela C. Josol - Education Program Supervisor- Filipino


Ronillo S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboanga del Norte, 7100
Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818
E-mail Address: dipolog.city@deped.gov.ph
Alamin

Maligayang bati sa iyo minamahal kong mag-aaral! Nakahanda at sabik ka na


bang mag-aral at matuto? Batid kong oo, kung gayon ikaw ay maghanda na sa mga
sumusunod na araling ating pag-aaralan.
Ang modyul na ito Aralin 2 ay naglalaman ng “Sintahang Romeo at
Juliet” na hango sa Romeo at Julieta ni Gregorio C. Borlaza sa orihinal na
akdang Romeo at Juliet ni William Shakespeare. Bahagi rin ng aralin ang
pagtatalakay sa kultura ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-bayan,
paghahambing sa kultura ng bansang pinagmulan at alin mang bansa sa
daigdig, pagpapaliwanag sa kahulugan ng salita batay sa etimolohiya nito.
Aalamin mo rin ang katangian ng mga tao sa bansang pinagmulan ng
kuwentongbayan batay sa napanood na bahagi nito at panghuli ikaw ay susulat
nang wastong sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung
ihahambing sa kultura ng ibang bansa.

Mga Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang


mag-aaral ay inaasahang;
MELC (Week 2)
Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod:
Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)

1. Nailalahad ang Kultura ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-bayan sa


napakinggang usapan ng mga tauhan. (F10PN-IIa-b-72)
2. Naihahambing ang Kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa alinmang
bansa sa daigdig. (F10PB-IIa-b-75)
3. Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita batay sa pinagmulan nito (etimolohiya)
(F10PT-IIa-b-72)
4. Naipaliliwanag ang katangian ng mga tao sa bansang pinagmulan ng
kuwentong-bayan batay sa napanood na bahagi nito.
(F10PD-IIa-b-70)
5. Naisusulat nang wasto ang sariling damdamin at saloobin tungkol sa
sariling kultura kung ihahambing sa kultura ng ibang bansa.
(F10PU-IIa-b-74)

Kaya kung nakahanda ka na, maaaring ka nang magsimula sa mga


gawain at aralin.

Balikan

Gawain 1: Balikan Mo
Panuto: Suriin ang elementong taglay ng binasang mitolohiya sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa graphic organizer.

1
1. Ilarawan ang taglay na kapangyarihan ni Thor.
2. Ilarawan ang tagpuan at panahon na pinangyarihan ng akda.
3. Saan nakatuon ang mga pangyayari o banghay?
4. Ano ang paksa o tema ng binasang mitolohiya?

Aralin Dula Mula sa England


2 (Romeo at Juliet)
Ang England ay isa sa bansa na bahagi ng United Kingdom. Kahangganan
nito ang Scotland sa hilaga at Wales sa kanluran. Sakop ng bansa ang higit sa gitna
at katimugang bahagi ng pulo ng Gran Britanya na nasa Hilagang Atlantiko at higit
sa 100 maliliit na pulo gaya ng Isles of Scilly at Isle of Wight.
Si William Shakespeare ay isang Ingles na makata, manunulat at dramatista.
Siya ay itinuturing na isa sa pinakamahusay na manunulat sa Wikang Ingles at
prominenteng dramaturgo ng mundo. Madalas siyang tinatawag na pambansang
makata ng Inglatera, at tinaguriang "Bardo ng Avon". Itinuturing siyang maestro sa
paggawa ng mga soneto at dula. Sinulat niya ang tanyag na dula tulad ng Julius
Caesar, at Anthony and Cleopatra. Marami sa kaniyang mga likha ay pawang
tungkol sa trahedya at isa na nga ang akdang “Sintahang Romeo at Juliet” na pag-
aaralan mo sa modyul na ito.

Tuklasin
Para sa pagsisimula ng iyong pagkatuto mabuting malaman mo
muna ang ilan sa mga mahihirap na salita nakapaloob sa nasabing dula nang sa
ganoon ay lubis mong mauunawaan ang akda. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng
pagsagot sa gawain sa ibaba.

Gawain 1: Pagpapalawak ng Talasalitaan


Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Hanapin sa kahon ang
kahulugan ng mga salitang sinalungguhitan. Isulat lamang ang letra sa patlang bago
ang bilang
a. namatay b. kutsilyo/punyal o isang bagay na matulis c. kasiyahan

d. isang taong gumagawa at nagbebenta ng gamot e. papatay

f. pagpapakasal g. pagmamahalan

1. Bumili si Romeo sa isang matandang butikaryo ng mabagsik na lason.


2. Bago pa man dumating ang mga tanod ay nakakita si Juliet ng isang balaraw
sinaksak ang sarili at nagpakamatay.

2
3. Si Fray Lorenzo ang siyang tumulong sa pag-iisang dibdib ng magkasintahang
Romeo at Juliet.
4. Sina Tybalt at Mercutio ay naglaban at dahil dito nasawi si Mercutio
ang pagkamatay ni Mercutio ang naging dahilan ng kanyang paghihiganti.
5. Ang lason na binili ni Romeo mula sa butikaryo ang siyang kikitil sa
binata.

Alam mo ba na…

Ang Romeo at Juliet ay isang dulang isinulat ni William Shakespeare tungkol


sa dalawang maharlikang mga angkan na nagkaroon ng alitan kung kaya’t
naging magkaaway. Nakabatay ang balangkas ng dulang ito sa isang kuwento
mula sa Italy na isinaling wika upang maging taludtod bilang The
Tragical History of Romeus at Juliet (Ang Kalunos-lunos na Kasaysayan nina
Romeus at Julieta) ni Arthur Brooke noong 1562 at muling isinalysay na nasa
anyong tuluyan prosa sa Palace of Pleasure (Palasyo ng kaluguran) ni William
Painter noong 1567. Ang dulang ito ni William Shakespeare ay isinalin naman

ni Gregorio C. Borlaza sa wikang Filipino para mas lubusang maintindihan at


mapahalagahan nating mga Pilipino.

Ang pag-ibig na dapat sanang makapagpapahilom sa lahat ng mga

suliranin sa pagitan ng kanilang angkan ang nagdulot ng mga pangyayaring


humantong sa kamatayan. Sundan mo kung paanong ang dalisay na
pagmamahalan ay nauwi sa masaklap na trahedya. Basahin at unawain ang
dula nang sa gayo’y matuklasan mo rin kung paano nakatutulong ang dula sa
paglalarawan ng tradisyon at kultura ng isang bans a.

URI NG PANITIKAN
Ang dulang “Romeo at Juliet” ay pumapaksa sa isang matinding pag-iibigan
nina Romeo na isang Montague at Juliet na isang Capulet. Nakadama sila ng
matindi at walang kapantay na pag ibig sa isa't isa sa kabila ng katotohanang ang
mga pamilyang kanilang kinabibilangan ay may malalim na hidwaan o alitan.
TEMA/PAKSA
Isa itong kwentong romansa. Na pumapaksa sa namagitang pag-iibigan nila
Romeo at Juliet. Ang kanilang pagmamahalan na nauwi sa malagim na kamatayan
dahil sa pagtutol ng kani-kanilang mga magulang na namamagitan sa kanila. Kung
kaya sa huli ang kanilang buhay ay piniling wakasan.
MGA TAUHAN
• Romeo - ang kasintahan ni Juliet. Isang mapagmahal na binata, ang anak ng
Pamilyang Montague.
• Juliet - ang kasintahan ni Romeo. Isang mapagmahal na dalaga, ang anak ng
Pamilyang Capulet.
• Paris - ang karibal ni Romeo. Masugid na manliligaw ni Juliet.
• Tybalt - pinsan ni Juliet
• Baltazar - pinagkakatiwalaang kaibigan ni Romeo

3
• Fray/Padre Lawrence - ang paring nagkasal kina Romeo at Juliet. Paring
handang tumulong sa dalawang nagmamahalan.
• Fray/Padre Juan – ang maghahatid sana ng mahalagang liham kay Romeo.
•  Nars - ang tagapag-alaga ni Juliet
•  Butikaryo - gumagawa ng lason.
• Pamilyang Montague at Pamilyang Capulet - ang dalawang pamilyang may
alitan.

TAGPUAN
Ang pangunahing Tagpuan sa Romeo at Juliet ay sa Verona, Italy. Ngunit, sa
kabuuan ng storya, tatlong tagpuan ang namamayagpag.
• Sa bulwagan ng mga Capulet kung saan may nagaganap na kasiyahan.
• Sa tahanan ng mga Capulet kung saan palihim na nagpunta si Romeo.
• Sa simbahan kung saan kausap nina Romeo at Juliet ang pari.


• Sintahang Romeo at Juliet Hango sa Romeo at Juliet
na Isinalin ni Gregorio C. Borlaza
(Buod)
Sa ganitong paraan nagsimula ang kwento, si Romeo, na anak nina Senyor Montague
at Senyora Montague, ay naaantig sa angking kagandahan ni Rosalina, isang dalaga
na may panatang maging dalaga habang siya ay nabubuhay pa.

Sa pagnanais ng kanyang pinsang si Benvolio at kaibigang si Mercutio na


maaliw ito, inaya nila ito sa isang sayawan sa bahay ng mga Capulet. Pumayag
naman si Romeo nang mapag-alaman nitong dadalo rin si Rosalina. Sa naganap na
sayawan sa bahay ng mga Capulet, nakita ni Romeo si Juliet na anak nina Senyor at
Senyora
Capulet kaaway ng kanilang angkan na kung saan may malalim na hidwaan o alitan

sa pagitan ng dalawang pamilya.


Sa unang araw ng kani lang pagkikita ay nahulog na sila sa isa’t isa. Kapwa
nila batid na sila ay mga anak ng magkaaway na pamilya, ngunit nagkaunawaan pa
rin sila. Dahil dito nagkasundo silang magpakasal kinabukasan, sa tulong ni Fray
Lozenzo, ang padre kumpesor ni Romeo.
Pagk atapos ng kanilang pag-iisang dibdib, sina Tybalt at Mercutio ay
naglaban at dahil dito ay nasawi si Mercutio. Nalaman ni Romeo ang pagkamatay ni
Mercutio at naging dahilan ng kanyang paghihiganti, dahil sa kanyang paghihiganti
napatay ni Romeo si Tybalt, nagmamakaawa ang mga magulang ni Romeo ngunit ang
naging hatol ni Prinsipe Escalo sa kanya ay ipatapon sa labas ng Verona.

Sa pamamagitan ng alalay ni Juliet ay muli silang nagkita at nangyari ang


unang gabi nila bilang mag-asawa. Ngunit sa gabi ring iyon ay ipinagkasundo nina
Senyor at Senyora Capulet si Juliet kay Konde Paris upang sila ay mapag-isang
dibdib. Tutol si Juliet dito kung kaya’t humingi siya ng tulong kay Fray Lorenzo upang
hindi matuloy ang nasabing kasalan. Binigyan ni Fray Lorenzo si Juliet ng likidong
4
pampatulog upang ang naghihinagpis na binibini ay magmimistulang bangkay sa loob
ng apatnapung oras.
Naipabalita kay Romeo na si Juliet ay isa nang bangkay, sa tulong ni Baltazar.
Dahil dito bumili si Romeo sa isang matandang butikaryo ng mabagsik na lason na
siyang kikitil sa kanyang buhay at bumalik sa Verona. Ngunit sa kasamaang-palad,
hindi naihatid ni Fray Juan ang liham ni Fray Lorenzo na nagsasabing hindi patay si
Juliet. Nang mabili ni Romeo ang lason, agad siyang nagtungo sa puntod ni Juliet at
nang makita ni Romeo ang inaakalang bangkay ng minamahal ay ininom niya agad
ang lason. Bago nangyari ang pagpanaw ni Romeo ay nagising si Juliet at
natunghayan niya ang pagpanaw ni Romeo.
Sa paghihinagpis ni Juliet ay dumating si Fray Lorenzo, ngunit hindi na niya
naabutang buhay si Romeo upang sabihin ang katotohanan. Pilit na
isinasama ni Fray Lorenzo si Juliet dahil may mga tanod napaparating, ngunit hindi
niya magawang iwan si Romeo. Bago pa man dumating ang mga tanod ay nakakita si
Jul iet ng isang balaraw sinaksak ang sarili at nagpakamatay.

http://blogngromeoandjuliet.blogspot.com/2018/11/sintahang-romeo-at-juliet.html
Maaaring panoorin ang link na ito para sa karagdagang kaalaman:
https://www.youtube.com/watch?v=fNdw5ouT7zM

Suriin

Alam mo ba na…

Ang dula ay isang uri ng panitikan? Nahahati ito sa ilang yugto na


maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang
tanghalan o entablado. Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang
itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang
dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.

Samantala, ang trahedya ay isang dulang ang bida ay hahantong sa malungkot


na wakas o sa kabiguan. Mayroon ding mga uri ng ganitong dulang malungkot
ngunit makabuluhang wakas. Nagsimula ang ganitong uri ng drama mula sa
Sinaunang Gresya.

Mga Uri ng Dulang Pantanghalan Ayon sa Anyo

Ang dula ayon kay Aristotle ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita


sa kalikasan ng buhay. Ipinakikita nito ang reyalidad sa buhay ng tao gayundin
ang kanyang mga iniisip, ikinikilos, at isinasaad. Ito ay isinusulat at itinatanghal
upang magsilbing salamin ng buhay na naglalayong makaaliw, makapagturo, o
makapagbigay ng mensahe.

Ang dula ay isang sining na nagpapaabot sa mga manonood o

5
mambabasa ng damdamin at kaisipang nais nitong iparating gamit ang
masining na pagsasatao ng mga karakter ng dulang pantanghalan. Ito ay
maaaring mauri ayon sa paksa o nilalaman. Nagkakaroon din ito ng iba’t-
ibang anyo batay sa damdaming nais palitawin ng may-akda nito. Ang epekto ng
damdaming taglay ng dula ay nagdudulot ng higit na kulay at kahulugan di

lamang sa mga manonood kundi maging sa mga taong gumaganap nito. Narito
ang ilan sa mga uri ng dula ayon sa anyo:
1. Komedya – katawa-katawa, magaan ang mga paksa o tema, at ang mga
tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas.
2. Trahedya – ang tema o paksa nito’y mabigat o nakasasama ng loob,
nakaiiyak, nakalulunos ang mga tauhang karaniwang nasasadlak sa
kamalasan, mabibigat na suliranin, kabiguan, kawalan, at maging sa
kamatayan. Ito’y karaniwang nagwawakas nang malungkot.
3. Melodrama – ito y sadyang namimiga ng luha sa manonood na para bang
wala nang masayang bahagi sa buhay kundi pawang problema at kaawa-
awang kalagayan na lamang ang nangyayari sa araw-araw. Ito
ay karaniwang mapapanood sa mga de-seryeng palabas sa telebisyon.
4. Tragikomedya – sa anyong ito ng dula ay magkahalo ang katatawanan

at kasawian may mga tauhang katawa-tawa tulad ng payaso para magsilbing


tagapagpatawa, subalit sa huli’y nagiging malungkot dahil sa kasawian o
kabiguan ng mahahalagang tauhan.

6
5.
Saynete – itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan ng mga
huling taon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ang paksa nito ay
tungkol sa paglalahad ng mga kaugalian ng isang lahi o katutubo, sa
kanyang pamumuhay, pangingibig, at pakikipagkapwa.
6.
Parse – dulang puro tawanan at halos walang saysay ang kuwento.
Ang mga aksiyon ay slapstick na walang ibang ginawa kundi magpaluan,
maghampasan, at magbitiw ng mga kabalbalan. Karaniwan itong mapapanood
sa mga comedy bar.
7.
Parodya – anyo ng dulang mapanudyo, ginagaya ang mga
kakatwang ayos, kilos, pagsasalita, at pag-uugali ng tao bilang isang anyo ng
komentaryo o pamumuna o kaya’y pambabatikos na katawa-tawa ngunit may
tama sa damdamin ng kinauukulan.

8.
Proberbyo – kapag ang isang dula ay may pamagat na hango sa
mga bukambibig na salawikain, ang kuwento’y pinaiikot dito upang
magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay.

Mga Elemento ng Dulang Pantanghalan

Ang dulang pantanghalan, katulad ng malikhaing kuwento at nobela ay


nagtataglay rin ng mahahalagang sangkap o elemento. Kung ang katawan ng tao
ay may bahagi, ang dulang pantanghalan ay nagtataglay rin ng mahahalagang
bahagi. Ito ay ang simula, gitna, at katapusan.
Sa simula matatagpuan ang dalawang mahalagang sangkap o elemento.
Makikilala sa bahaging ito ang mga tauhan at ang papel na gagampanan na
maaaring bida at kontrabida. Ipakikilala rn dito ang tagpuan o ang
pangyayarihan ng mga eksenang naghahayag ng panahon, kung tag-init o tag-
ulan, ng oras, at ng lugar.
Sa gitna naman ay makikita ang banghay o ang maayos na daloy o
pagkakasunod-sunod ng mga tagpo o eksena. Dito rin nakapaloob ang
pinakamahalagang bahagi ng dula, walang iba kundi ang diyalogo. Ang diyalogo

ay ang usapan ng mga tauhan. Mahalagang maging natural at hindi artipisyal


ang diyalogo. Kagaya rin ng sa nobela, sa gitna rin ng dula makikita ang
sumusunod na katangian:
 saglit na kasiglahan – na nagpapakita ng panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa problema;

 tunggalian – tahasang magpapakita ng labanan o pakikibaka ng


tanging tauhang maaaring kanyang sarili, kapwa, lipunan, o
kalikasan;
 kasukdulan – pinakamadulang bahagi ng dula kung saan iikot ang
kahihinatnan ng tanging tauhan, kung ito ay kasawian o tagumpay.

Sa wakas naman ng dula, matatagpuan ang kakalasan at ang wakas bg


dula. Sa kakalasan unti-unting bababa ang takbo ng istorya. Sa kakalasan
makikita ang kamalian o kawastuhan at pagtanggal sa mga bahaging dapat
tanggalin.

7
Sa pagwawakas naman mababatid ang resolusyon na maaaring

masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.


May mga dula na hindi winawakasan sa dalawang huling sangkap.
Iniiwan na lamang itong bitin sa kasukdulan at hinahayaan na lamang ang

mambabasa o manood na humatol o magpasiya sa kahihinatnan.


Ang huling elemento ng dulang pantanghalan na sadyang mahalaga rin ay
aspektong teknikal. Mahalagang bahagi nito ang:

 epektong pantunog – sapagkat ang dula ay ginaganap sa harap ng


madla, kaya’t kailangang malinaw na maipabatid ang bawat linya ng dula
sa maayos na tunog. Kasama dito ang sound effects, musika at iba pang
kaugnay na tunog sa pagtatanghal.
 pag-iilaw – upang higit na mabigyang-buhay ang mahahalagang tagpo ng
dula.

 mga kagamitan – higit na magbibigay ng buhay at pagkamakatotohanan


sa itinatanghal na dula.

Dahil ang dula ay isang sining, ang bawat bahagi nito ay mainam na pinag-
aaralan ng may-akda at maging ang direktor nito. Hindi ito basta-basta

isinusulat at sa halip ito ay pinag-aaralan batay sa balangkas nito, kung saan


ang mga bahagi ay malinaw na nahahati sa yugto (act), tanghal-eksena
(scene), at tagpo (frame).
 yugto – kung baga sa nobela ito ay ang kabanata. Ito ang malalaking hati
ng dula. Ang isang dula ay maaaring magkaroon mg isang yugto

lang, dalawa, tatlo, apat, o higit pa. Sa tanghalan ang bawat yugto ay
maaaring gamiting panahon upang ihanda ang susunod pang mga yugto,
upang ayusin nag tagpuan, upang makapagpahinga sandal ang

mga gumaganap at manonood. Ang pansumandaling pamamahingang


ito ay maaaring tumagal hanggang labinlimang minuto na nagagamit din ng
mga tagapanood upang maisagawa ang personal na pangangailangan

tulad ng pagkain o pag-inom, o pagbisita sa palikuran.


 eksena – ang bawat yugto naman ay binubuo ng kung ilang eksena,
kaya ang panahong nagugugol sa isang yugto ay hindi pare-pareho.
 tagpo – kung ang yugto ay binubuo ng mga eksena, ang eksena naman
ay bunubuo ng mga tagpo. Ang eksena ay maaaring magbadya ng
pagbabago ng tagpuan ayon sa kung saan gaganapin ang susunod na
pangyayari. Ang tagpo rin ay ang paglabas at pagpasok ng kung sinong
tauhang gumanap o gaganap sa eksena.

8
(Sanggunian: *Panitikang Pandaigdig Filipino Modyul para sa Mag-aaral
*Pinagyamang PLUMA 10 (K to 12))

Kumusta! Madali lang ba?


Ngayon mayroon ka nang ideya tungkol sa dula, mga uri ng dulang
pantanghalan, at mga elemento nito. Upang lubos na maunawaan ang mga
mahalagang kaisipan sa unahan, pagyamanin natin ang ating kaalaman!
Simulan na ang pagsagot sa mga sumusunod na gawain at
higit sa lahat huwag kalimutan ang iyong mga natutunan.
Maligayang paglalakbay ng iyong isipan!
Pagyamanin

Gawain 1: Tayo Na’t Maglakbay


Panuto: Ilahad ang kultura ng lugar na pinagmulan ng dula sa pamamagitan ng
pagbibigay impormasyon tungkol sa bansang England batay sa sumusunod na
aspekto. Gamitin ang grapikong representasyon sa pagsagot sa gawain.

ENGLAND

https://www.tes.com/lessons/k19APAVS0VNw2Q/english-civilization

________________________________
________________________________
Relihiyon https://www.kissclipart.com/church-clipart-destiny-church-christian-church-
ixmlv1/

________________________________
________________________________
Panitikan
https://www.clipartmax.com/middle/m2K9A0b1i8N4N4H7_free -open-book-clip-art-open-book-clip-art/

________________________________
________________________________

Turismo
https://
www.vectorstock.com/royalty-free-vector/landscape-london-cartoon-the-

________________________________
________________________________
9

Kultura/Tradisyon
https://www.thinglink.com/scene/1073387541777874946

________________________________
________________________________

https://www.clipart.email/clipart/english-people-clipart-97450.html

Isaisip

Tandaan Mo
 Ang Romeo at Juliet ay isang dulang isinulat ni William Shakespeare tungkol
sa dalawang maharlikang mga angkan na nagkaroon ng alitan kung kaya’t
naging magkaaway.
 Ang dula ay isang uri ng panitikan? Nahahati ito sa ilang yugto na maraming
tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o
entablado.
 Samantala, ang trahedya ay isang dulang ang bida ay hahantong sa
malungkot na wakas o sa kabiguan.
Mga Uri ng Dulang Pantanghalan Ayon sa Anyo
1. Komedya
2. Trahedya
3. Melodrama Balangkas ng Dula
4. Tragikomedya - yugto
5. Saynete - eksena
6. Parse - tagpo
7. Parodya
8. Proberbyo
Mga Elemento ng Dulang Pantanghalan
-simula
-gitna
-saglit na kasiglahan
-tunggalian
-kasukdulan
-wakas
-resolusyon
Gawain 2: Ihambing Mo
Panuto: Ihambing moa ng bansang tagpuan ng dula(England) sa ating bansa
(Pilipinas). Gamiting pamantayan sa paghahambing ang mga gabay sa unang hanay.
Paghahambing batay sa: Bansang Tagpuan ng Bansang Pilipinas
Dula (England)
* Pinuno ng Estado

* Uri ng Pamahalaan

10
* Tawag sa mga Mamamayan

* Kalagayan sa buhay ng mga


nakararami sa mamamayan

* Tirahan ng pinuno

* Iba pang kultura at kaugalian ng


dalawang bansang nabanggit

Tayahin

II. Panuto: Ihambing ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa alinmang


bansa sa daigdig (partikular na sa Pilipinas) (5 puntos).

England Pilipinas

III. Panuto: Ipaliwanag ang pinagmulan ng mga salita (etimolohiya) sa ibaba.


Isagawa ang hinihingi sa bawat bilang. (Maaaring magsaliksik sa diksyunaryo o
sa internet.)
11
1. Ang salitang senyor at senyora mula sa pahayag na “Si Romeo ay anak nina
Senyor at Senyora Montague” ay hiram natin sa ibang wika. Ano kaya ang
orihinal na anyo o baybay ng salitang ito at ano kaya ang kahulugan nito?
Orihinal na baybay: ___________________ Kahulugan: _______________________
2. Ang salita bang konde ay salitang hiram o likas sa atin? Magbigay ng
paliwanag kung saan nagmula ang salitang ito.
___________________________________________________________________________
3. Ang salitang prinsipe mula sa pahayag na “Napatay ni Romeo si Tybalt,
nagmamakaawa ang mga magulang ni Romeo ngunit ang naging hatol ni
Prinsipe Escalo sa kanya ay ipatapon sa labas ng Verona.” Ano kaya ang
orihinal na anyo o baybay ng salitang ito at ano kaya ang kahulugan nito?
Orihinal na baybay: ___________________ Kahulugan: _______________________
4. Ang salita bang likido ay salitang hiram o likas sa atin? Magbigay ng
paliwanag kung saan nagmula ang salitang ito.
___________________________________________________________________________
5. Ang salitang paghihinagpis mula sa pahayag na “Sa paghihinagpis ni Juliet ay
dumating si Fray Lorenzo, ngunit hindi na niya naabutang buhay si Romeo
upang sabihin ang katotohanan.”
Orihinal na baybay: ___________________ Kahulugan: _______________________
IV. Panuto: Ipaliwanag ang katangian ng mga tao sa bansang pinagmulan ng dula
batay sa napanood na bahagi nito. Panoorin ang video clip sa ibaba kaugnay ng
bansang naging tagpuan ng dulang “Sintahang Romeo at Juliet.”
Video Clip: https://www.youtube.com/watch?v=BHGdBsRmPys

Ang mga tao sa England ay...


____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

V. Panuto: Marami ang pagkakaiba ng ating bansang Pilipinas sa bansang England


kung saan nagmula ang dulang iyong nabasa. Mag-isip ng tatlo o higit pang
pagkakaiba ng dalawang bansa pagkatapos isulat ang sariling damdmain at saloobin
tungkol sa sariling kultura kung ihahambing sa kultura ng ibang bansa. Dapat ito’y
magkakaroon ng 5 higit pang pangungusap. Ang rubriks ay nasa ibaba. (5 puntos)

“Ang Pagkakaiba ng Pilipinas at England”

_______________________________________________________________________________
_________________________________
_______________________________________________________________________________
____________________________________

_______________________________________________________________________________
___________________________________

12
_______________________________________________________________________________
___________________________________

RUBRIKS
Mga Kriyterya 2 3

Hindi maayos ang organisasyon ng mga May lohikal na organisasyon Maayos an


ideya ngunit hindi masyadong mabisa ng pangun
Organisasyon

Kailangang baguhin dahil halos lahat Mga kahinaan dahil maraming Mahusay d
Paggamit ng ng pangungusap ay may mali sa mali sa gramar,baybay at gamit ng mali sa gra
wika at gramar,baybay at gamit ng bantas bantas bantas
mekaniks

Mahirap basahin dahil sa hindi maayos May kahirapang unawain ang Malinis ngu
at malinis na pagkakasulat pagkakasulat at ng pangungusap maayos an
Pagkakasulat mga pangu

Puntos: Kahulugan:

13 – 15 – Natatangi Sanggunian: “Koleksyon ng mga Istratehiya


sa pagtutura at Iba’t ibang uri
10 – 12 – Natutupad
ng Rubriks”
7–9 – Nalilinang
4–6 – Nagsisimula

Karagdagang Gawain

Gawain 3: Paghambingin Mo
Panuto: Ipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kulturang nakapaloob sa dulang
Romeo at Juliet sa iba pang dulang iyong nabasa.

13
Sanggunian:
Aralin 2

Aklat:
Ambat, Vilma C., et al. 2015 Panitikang Pandaigdig Filipino Modyul para sa Mag-aaral.
Quezon City, Metro Manila: Vibal Publishing House Inc. (pahina: 201 - 213)

Alma, Dayag M., et al. 2016 Pinagyamang Pluma 10 (K to 12). 9287 Quezon Ave.,
Quezon City, Phoenix Publishing House Inc. (pahina: 173 - 193)

Internet:
* Rhom
Published on: December 08, 2015
Published in: acadsplace.blogspot.com
Link: https://acadsplace.blogspot.com/2015/12/kaligirang-pangkasaysayan-ng-inglatera.html#

* Gregorio Borlaza
Published on: Wednesday, 28 November 2018
Published in: blogspot.com
Link: http://pangkatzinc201819.blogspot.com/2018/11/sintahang-romeo-at-juliet.html

Youtube.com

* Michael Ian Bartido


Published on: Jan 17, 2018
Published in: youtube.com
Link: https://www.youtube.com/watch?v=fNdw5ouT7zM

* Wandering Ravens
Published on: May 19, 2019
Published in: youtube.com
Link: https://www.youtube.com/watch?v=BHGdBsRmPys

* Marwell's Persona
Published on: January 24, 2017
Published in: youtube.com
Link: https://www.youtube.com/watch?v=wh5gl81SOK8

You might also like