You are on page 1of 3

1. Ano ang kahulugan ng pananaliksik?

a. pagsusuri ng mga konsepto, bagay, tao, at mga isyu upang bigyan ito ng linaw, patunay, o
pasubali
b. pagsusuri lamang ng mga balita upang magbigay ng sariling opinion
c. pagsusuri lamang ng mga konsepto, bagay, tao, at mga isyu upang bigyan ito ng katanyagan
d. pagsusuri ng usapin upang makalikha lamang ng isyung pag-uusapan ng iilan

2. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng pananaliksik?


a. Kritikal b. Obhetibo c. Dokumentado d.Mahaba

3. Alin sa sumusunod ang hindi layunin ng pananaliksik?

a. Makapagpamalas ng kahusayan para sa sariling kapakinabangan


b. Tumuklas ng bagong datos at impormasyon
c. Maglinaw sa isang pinagtatalunang ideya
d. Magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya

4. Tukuyin ang katangian ng pananaliksik na ipinapakita sa sumusunod na sitwasyon.


Ipinagpaalam muna ng mag-aaral sa kaniyang gurong tagapayo kung maaari na niyang
ipamahagi ang kaniyang survey sa kaniyang mga respondent.

a. Obhetibo b. May angkop na metodolohiya


c. masusi o kritikal d. Dokumentado

5. Tukuyin ang katangian ng pananaliksik na ipinapakita sa sumusunod na sitwasyon.

Bago humingi ng pahintulot sa kakapanayamin ay sinigurado muna ng mananaliksik na


dalubhasa ang kaniyang piniling makapanayam.

a. Masuri o kritikal
b. Mula sa iba’t ibang datos
c. Dokumentado
d. May angkop na metodolohiya

6. Tukuyin ang katangian ng pananaliksik na ipinapakita sa sumusunod na sitwasyon.


Tiniyak ng mag-aaral na kompleto ang detalye ng mga pinaghanguan niya ng impormasyon.

a. May angkop na metodolohiya b. Masuri o kritikal


c. Dokumentado d. Mula sa iba’t ibang datos
7. Tukuyin kung aling pananaliksik ang angkop upang makatupad sa ibinigay na layunin.
Tumuklas ng bagong datos at impormasyon

a. Pagsiwalat sa opinyon ng mga drayber ng taxi sa bagong panukalang flag down rate
b. Pagbigay solusyon sa mabigat na trapiko sa kalunsuran
c. Pagbigay ng ebalwasyon sa mga nagdaang batas trapiko
d. Paglatag ng kaagarang solusyon sa mabigat na trapiko sa kahabaan ng EDSA

8. Tukuyin kung aling pananaliksik ang angkop upang makatupad sa ibinigay na layunin.
Maglinaw sa isang pinagtatalunang ideya

a. Pagtukoy kung ano ang mas epektibong paraan ng pangangampanya--ang patalastas sa radyo
o sa telebisyon
b. Pagbigay ng lunas sa kakulangan ng pagiging epektibo ng patalastas sa telebisyon sa
pangangampanya
c. Pagbigay ng lunas sa kakulangan ng pagiging epektibo ng patalastas sa radyo sa
pangangampanya
d. Pagbigay ng kagyat na lunas sa kakulangan ng pagiging epektibo ng patalastas sa social media
sa pangangampanya

9. Tukuyin kung aling pananaliksik ang angkop upang makatupad sa ibinigay na layunin.
Magbigay ng historikal na perspektiba para sa isang senaryo

a. Pagtanaw sa mga pangyayari noong panahon ng Martial Law hanggang EDSA dos bilang
pagsusuri sa sitwasyon ng aktibismo ngayon
b. Pagbigay ng ebalwasyon sa kahusayan sa panunungkulan ng kasalukuyang pangulo
c. Pag-alam sa dami ng biktima ng extrajudicial killings
d. Pagmungkahi sa pangulo ng mga solusyon ukol sa mga pangunahing suliranin ng bansa

10. Tukuyin kung aling pananaliksik ang angkop upang makatupad sa ibinigay na layunin.
Magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya

a. Ang tradisyon ng paghahabi at pagsusuri sa mga paderno nito gamit ang modernong
konsepto ng sikoanalisis
b. Ang paghahabi sa Pilipinas mula noong prekolonyal hanggang panahon ng Amerikano
c. Ang paghahabi at ang inspirasyon ng mga manghahabi
d. Ang paghahabi, kanilang suliranin sa kabuhayan, at mga karampatang solusyon sa problema
ng kahirapan
Panuto :
ipaliwanag ang mga sumusunod na gamit ng Pananaliksik sa Lipunang Pilipino .(5 puntos bawat
isa)

1, gamit sa pang araw-araw na gawain-

2. Gamit sa akademikong gawain-

3. gamit sa kalakal o bisnes-

4. Gamit Sa Iba’t Ibang Institusyong Panggobyerno=

You might also like