You are on page 1of 2

Summative Test Sa Unang Baitang

Ikatlong Markahan
Ika-anim na Linggo

I. Gumuhit ng masayang mukha  sa patlang kung ang pangungusap ay nagsasaad ng


pagsunod sa alituntunin ng paaralan at malungkot na mukha  kung hindi.

_____ 1. Umuupo ka nang maayos kung nakikinig sa iyong guro.


_____ 2. Itinatapon mo sa basurahan ang balat ng kendi.
_____ 3.Nagpapaalam ka sa guro kung may pupuntahan.
_____ 4. Nagpupunas ka ng tsinelas o sapatos bago pumasok.
_____ 5.Madalas na pagtayo habang may naguulat na kaklase.

II. Bilugan ang titik ng tamang sagot na nagbibigay ng tamang katwiran sa pagtupad ng
alituntunin sa silid-aralan:

6. Dapat nating itapon ang kalat sa tamang tapunan para:


a. mapanatiling malinis ang silid-aralan
b. makatayo tayo palagi
c. maubos agad ang ating papel

7. Magpaalam sa guro kung aalis para:


a. malaman ng guro kung saan tayo pupunta
b. malaman ng guro ang paboritong meryenda
c. malaman ng guro kung ililibre mo siya

8. Makinig na mabuti sa paliwanag ng guro para:


a. maging malusog
b. maging masasakitin
c. maging magaling

9. Ingatan ang kagamitan sa silid-aralan para:


a. hindi masira
b. hindi mahiram ng iba
c. hindi magamit ng iba

10. Panatilihing malinis ang silid-aralan para:


a. maganda at maayos tingnan
b. masikip tingnan
c. madilim tingnan

III. Lagyan ng / ang patlang na nagpapakita ng epekto ng pagsunod sa mga alituntunin ng


paaralan at x kung hindi.

_____ 11. Mataas ang nakuhang marka ni Maria dahil nag-aral siyang mabuti.
_____ 12. Napagalitan ng guro si Ben dahil hindi siya gumawa ng takdang aralin.
_____ 13. Maayos na nakabalik si Tom sa silid-aralan dahil hindi siya tumakbo galing sa kantina.
_____ 14. Nakatapos sa takdang oras ang pinagagawa ng guro.
_____ 15. Nadulas si Fe sa loob ng silid-aralan dahil siya ay nakikipaghabulan.

You might also like