You are on page 1of 5

Baitang 10

Nasusuri ang nilalman ng isang akda batay sa paksa, tauhan at paraan ng


pagkakasulat
Nakasusulat ng isang ankedota gamit ang diskursong pagsasalaysay

Diskursong Pagsasalaysay gamit ang anekdotang “Ang Tsinelas ni Jose Rizal”

Laptop, Whiteboard Marker, Whiteboard, Projector, Paper

Gaano kahalaga ang paggamit ng pandiwa?


Ano ang Mitolohiya at ang kahalagahan nito?

Panuto: Habang nagpapatugtog ng isang kanta, mag-isip ng isang


nakakatuwang pangyayari sa iyong buhay. kung kanino mahinto ang tugtugin,
siya ang magbabahagi ng kwento sa loob ng klase.

Ano ang Anekdota?

-isang uri ng akdang tuluyang tumatalakay sa kakaiba o kakatuwang pangyayaring


naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao.
-Layunin nito na makapaghatid ng isang makatotohanang karanasang kapupulutan
ng aral, makapagbigay-diin at makapagturo.
-Dapat na maging kawili-wili itong basahin kaya lubhang napakahalaga ang pagpili
ng paksa. Maari itong hango sa karanasan, narinig, napanood, mga panagarap o
kaya ay nabasa.
Panuto: Basahin at unawain
Ang Tsinelas -Anekdota ni Jose Rizal

Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong
luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang
sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin. Ang mga bangkang may
layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan. Ang bangka ay karaniwang
gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming gubat. Kung
minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan
upang ang bangka ay hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.

Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni't sa aming lalawigan, ang ay ginagamit


namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa
gumamit ng kalabaw o ng karetela. Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming
nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang
gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa
sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para
kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala
ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang
tsinelas at dali dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang
kapares na tsinelas.

"Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?" tanong sa akin ng kasamahan ko sa
bangka.

"Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas
na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng
tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad.

Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad
ko.
Bakit itinapon ni Rizal ang isa niya pang tsinelas?
Bakit madaling makuha ang aral sa anekdota?
Bakit kawili-wili itong basahin?
Panuto: Punan ang mga hinihinging impormasyon sa gamit ang tsart sa ibaba.
ANEKDOTA
Paksa

Layunin

Paraan ng Pagkakasulat

Nilalaman

Panuto: Bumuo ng apat na pangkat. Gumawa ng isang islogan tungkol sa


magagandang ibubunga ng pagkakaroon ng magandang pananaw at
masayang buhay. At ipresenta ito sa klase.
Rubriks
Nilalaman: 25%
Pagkamalikhain: 25%
Mensahe: 50%

Panuto: Sumulat ng isang talatang nagsasalaysay tungkol sa isang


katawa-tawang pangyayaring naibahagi sa iyo ng isang kaibigan. Isulat ito sa
½ crosswise at ipasa sa loob ng 10 minuto.

Panuto: Magsalaysay ng isang anedota batay sa sariling karanasan o


pangyayaring nasaksihan. Isaalang-alang ang mga sumusunod. I presenta ito
sa loob ng klase kinabukasan.
Maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
Malikhain, Masining, Maikli Napupukaw ang interes ng mambabasa

You might also like