You are on page 1of 4

ANG HULING MGA ORAS

Tumunog na ang bell. Hudyat para magsiuwian na ang mga estudyanteng kagaya ko.
Ngunit bakit napa aga ang aming uwian? Siguro ay nagkaroon na naman ng biglaang
pagpupulong ng mga guro para sa darating na Christmas party. Mukhang umaayon sa
akin ang tadhana dahil ngayon din ang pag-uwi ng aking ama na nagtatrabaho sa ibang
bansa. Nasasabik na ako dahil noong limang taong gulang lang ako ng huli ko siyang
makita. Ano na kayang itsura nya ngayon na ako ay nasa unang taon na sa kolehiyo.
Sa aking pagtahak ng daan pauwi, may nasulyapan ako sa isang eskinita na isang
lalaki na may katandaan na umiiyak, tinulak ako ng aking pagkausyoso para tanungin
kung bakit sya umiiyak.

“Manong, bakit po kayo umiiyak?” natanong ko sa lalaki.

“Hindi ko na kasi makikita ang aking anak habangbuhay.”

“Kung hindi ninyo po mamasamain, maari ho ba kayong sumama sa akin upang


mawala ang inyong lungkot, iyon ay kung nais nyo lamang,” ang di ko mawari kung
bakit ko nasabi.

Ang pagtango niya at pag-abot sa akin ng kanyang kamay ay senyales lamang ng


kanyang pagpayag. Agad ko siyang dinala sa pinakamalapit na parke kung saan
nagkwento ako ng mga nakakatuwang pangyayari sa aking buhay upang makalimutan
niya kahit papaano ang kaniyang problema. Hindi namin namamalayan ang oras
habang kami ay magkasama, tila isang panaginip ang nangyayari. Sa kalagitnaan na
aming kasiyahan ay nagwika ang lalaki, “Maari mo bang ipikit ang iyong mga mata?”

Sinunod ko ang kanyang utos at gayon na lamang ng maramdaman ko ang pagdampi


ng kanyang mga labi sa aking noo at ang narinig ko ay ang kanyang pagsabi sa akin ng
“Mahal Kita”.
Sa aking pagmulat ay nawala si manong na hindi ko man lang naitanong kung ano ang
kanyang pangalan. Biglang umihip ang malamig na hangin na niyakap ang aking buong
paligid.

Hindi ko namalayan ang oras. Tiningnan ko ang aking relo.

“Aba, anong oras na kailangan ko na pa lang umuwi” nasabi ko sa aking sarili. Nilisan
ko ang lugar na iyon ng may tanong na hindi ko alam kung kailan masasagot.

Sa aking pag-uwi ay nakita ko ang aking ina na tila kakatapos lang lumuha. Anong
problema? Lumapit ako sa kanya at nagmano. Siya ay biglang nagwika,

“Anak iniwan na tayo ng tatay mo, namatay siya sa aksidente tatlong oras na ang
nakalilipas.”

Imbis na umiyak ay naitanong ko lang sa kanya kung may bagong litrato siya ng aking
ama, nagulat na lamang ako sa aking nakita…

Hindi nya ako iniwan ng walang paalam. Ipinarating niya sa akin kung gaano ako
kahalaga at kamahal niya.

Siya pala si manong na aking nakasama kanina, ang umiiyak na lalaki. Ang inakala ko
na isang istranghero ay ang mahal kong ama. Kahit sa kaunting panahon ay nakasama
ko siya. Sa huling toras ay pinuno ang buhay ko ng kasiyahan na noon ko lang
naranasan.
Nakritik:

ANG HULING MGA ORAS

Tumunog na ang kampana. Hudyat para magsiuwian na ang mga estudyanteng kagaya
ko. Ngunit bakit napa aga ang aming uwian? Siguro ay nagkaroon na naman ng
biglaang pagpupulong ng mga guro para sa darating na Christmas party. Mukhang
umaayon sa akin ang tadhana dahil ngayon din ang pag-uwi ng aking ama na
nagtatrabaho sa ibang bansa. Nasasabik na ako dahil noong limang taong gulang lang
ako nang huli ko siyang makita. Ano na kayang itsura nya ngayon na ako ay nasa
unang taon na sa kolehiyo.
Sa aking pagtahak ng daan pauwi, may nasulyapan ako sa isang eskinita na isang
lalaki na may katandaan na umiiyak, tinulak ako ng aking pagkausyoso para tanungin
kung bakit sya umiiyak.
“Manong, bakit po kayo umiiyak?” natanong ko sa lalaki.
“Hindi ko na kasi makikita ang aking anak habangbuhay.”
“Kung hindi ninyo po mamasamain, maari ho ba kayong sumama sa akin upang
mawala ang inyong lungkot, iyon ay kung nais nyo lamang,” ang di ko mawari kung
bakit ko nasabi.
Ang pagtango niya at pag-abot sa akin ng kanyang kamay ay senyales lamang ng
kanyang pagpayag. Agad ko siyang dinala sa pinakamalapit na parke kung saan
nagkwento ako ng mga nakakatuwang pangyayari sa aking buhay upang makalimutan
niya kahit papaano ang kaniyang problema. Hindi namin namamalayan ang oras
habang kami ay magkasama, tila isang panaginip ang nangyayari. Sa kalagitnaan na
aming kasiyahan ay nagwika ang lalaki,
“Maari mo bang ipikit ang iyong mga mata?”
Sinunod ko ang kanyang utos at gayon na lamang ng maramdaman ko ang pagdampi
ng kanyang mga labi sa aking noo at ang narinig ko ay ang kanyang pagsabi sa
anasabi,
“Mahal Kita”.
Sa aking pagmulat ay nawala si manong na hindi ko man lang naitanong kung ano ang
kanyang pangalan. Biglang umihip ang malamig na hangin na niyakap ang aking buong
paligid.
Hindi ko namalayan ang oras. Tiningnan ko ang aking relo.
“Aba, anong oras na kailangan ko na pa lang umuwi” nasabi ko sa aking sarili. Nilisan
ko ang lugar na iyon ng may tanong na hindi ko alam kung kailan masasagot.
Sa aking pag-uwi ay nakita ko ang aking ina na tila kakatapos lang lumuha. Anong
problema? Lumapit ako sa kanya at nagmano. Siya ay biglang nagwika,
“Anak iniwan na tayo ng tatay mo, namatay siya sa aksidente tatlong oras na ang
nakalilipas.”
Imbis na umiyak ay naitanong ko lang sa kanya kung may bagong litrato siya ng aking
ama, nagulat na lamang ako sa aking nakita…
Hindi nya ako iniwan nang walang paalam. Ipinarating niya sa akin kung gaano niya ako
kahalaga at kamahal.
Siya pala si manong na aking nakasama kanina, ang umiiyak na lalaki. Ang inakala ko
na isang istranghero ay ang mahal kong ama. Kahit sa kaunting panahon ay nakasama
ko siya. Sa huling toras ay pinuno ang buhay ko ng kasiyahan na noon ko lang
naranasan.

You might also like