You are on page 1of 2

 Paano ba ang gagawing pagmamarka ngayong new normal

 Ano ng aba ang ibat ibang uri sa pagbibigay ng assessment method na maaari nating ibigay sa ibat-ibang
uri ng distance learning modality?
 Ano ng aba ang pinagkaiba ng formative at summative assessment?
 Ang Formative Assessment ay ang uri ng assessment na nagsisilbing gabay o indicator nating mga guro
upang malaman natin ang level of understanding at performance ng ating mga mag-aaral sa ating aralin.
 Ang Formative Assessment rin ang nagsisilbing batayan nating mga guro upang malaman natin kung
ang klase ba na ating tinuturuan ay tutuloy na sa susunod na aralin o kinakailangan pa ng karagdagang
gawain, kasanayan o learning activities upang lubusan nilang mamaster ang aralin.
 Kailan ng aba ibinibigay ang formative test?
 Ang Formative Assessment ay maaari nating ibigay before, during and after the lesson
 At since ang formative Assessment ay basehan nating mga guro sa performance o understanding ng
ating mga mag-aaral o na-achieve na ba natin ang ating objective para sa lesson na iyon, MAAARING
irecord ang formative assessment ngunit hindi natin pwedeng maging batayan ang pagbibigay ng grado
o marka sa ating mga estudyante.
 Sa kabilang banda, ang summative assessment naman ay ang uri ng assessment na nagbibigay patunay
kung ang mag-aaral ay naabot na ang mastery ng competency o nakamit na nito ang mga nakaset na
standards.
 Sa makatuwid, ang Summative Assessment ay sumusukat sa pagkatuto o learning ng ating mga mag-
aaral.
 Kailan naman ibinibigay ang Summative Assessment?
 Ang summative Assessment ay ibinibigay pagkatapos ng bawat aralin at hindi tulad g formative
assessment, ang Summative Assessment ay graded o magiging batayan sa pagbibigay ng marka o grado
sa ating mar-aaral.

 Ano nga ba ang mga pagbabago sa pamamaraan sa pagbibigay ng marka o grado sa ating mga mag-
aaral ngayong school year 2020-2021?

a. Ang mga pagbabagong ito ay nakasaad sa newly released Deped Order No. 31, 2 2020 o ang Interim
Guidelines for Assessment and Grading in Light of the Basic Education Learning Continuity Plan.
b. Taong 2015 noong inilabas ng Department of Education ang DepEd Order NO. 8, S 2015 o ang
Policy Guidelines on Classroom Assessment for the K12 Basic Education Program. Se DepED Order
na ito ay nakasaad na ang mag-aaral ay bibigyan ng grado base sa tatlong component
1. Written Works
2. Performance Tasks
3. Qarterly Assessment

Narito ang weigh distribution of the summative assessment component per learning area for
grades 1-10. Ito po ay nakabase sa DepEd Order NO. 8, S 2015 o ang Policy Guidelines on
Classroom Assessment for the K12 Basic Education Program.
 Dahil sa kinakaharap nating pandemya at dahil ang mga mag-aaral natin sa taon na ito ay nasa distance
Learning minabuti ng Department of Education na hindi na muna isama ang quarterly Assessment o
periodical Examination sa pagbibigay ng mga marka sa ating mga estudyante para sa SY 2020-2021.
 Kaya naman ang weight o ang pursyento ng periodical examination na Nakita natin kanina sa DepEd
Order NO. 8, S 2015 ay dinistribute equally sa written works at performance tasks sa bawat Learning
Areas
 Narito naman po ang bagong grading system based sa Deped Order No. 31, 2 2020 o ang Interim policy
Guidelines for Assessment and Grading in Light of the Basic Education Learning Continuity Plan.
 Makikita po natin dito na mayroon na lamang pong 2 components para sa summutive assessment sa
mga learning areas.

 Narito naman ang pamamaraan kung paano natin icocompute ang grades ng ating mga estudyante
batay sa nakasaad sa Deped Order No. 31, 2 2020.

You might also like