You are on page 1of 1

Ang maikling bidyo na aking napanood ay pinamagatang “Save Ralph”, ang bidyong ito ay nag-iwan

ng hinagpis saaking puso sa kung gaano ka lupit ang ating mundong ginagalawan. Ang kunehong si
Ralph ay pinanatili sa laboratoryo kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Tinanggap niya ang
kanyang tadhanang gamitin sa eksperimento ng mga siyentista. Tinitiis niya ang pagmamalupit na
ginagawa sa kanya upang matukoy kung anong mga epekto ang maaaring maging sanhi ng mga
iniksyon. Ang ibang kuneho ay desperadong makatakas sa laboratoryo. Tiniis ni Ralph lahat ng
pagmamalupit at sinabi sa sarili na trabaho lang ang lahat ng kalupitan nito. Ito ay may ilang mga
pagkakatulad sa napanood ko noon, na ang ang pamagat ay “Fantastic Mr. Fox”, and dalawang
pelikulang ito ay parehas na may problema sa sangkatauhan. Ang pag-abuso sa mga hayop na
ginagamit ang mga ito para sa kanilang sariling kapakinabangan ng kanilang sariling makasariling
mga hangarin, maraming tao ang nakasaksi sa hindi pangkaraniwang bagay na ito ngunit ito ay agad
din nilang nalilimutan sa paglipas ng mga araw kung gaano kalupit ang mundo para sa mga hayop.
Inaasahan kong muling kumalat sa “social media” ang video na ito upang mabigyang pansin sa ating
hinaharap na henerasyon.

You might also like