You are on page 1of 1

Si Martha ang kanyang Karanasan sa kayang Ina

eng-eng-eng tunog ng eroplano

Habang ako ay nasa aming teris bigla akong Napatingin sa itaas ng kalangitan dahil sa lakas ng tunog ng
dumaang eroplano..

Kamusta na kaya ang inay?

Ayos lang kaya siya?

Anim na taon na simula nang umalis si inay lulan ng saksakyang himpapawid..

Hindi ko maiwasang mamiss ang araw araw na ginagawa namin bago siya umalis tulad ng Lagi kaming
nanonood pagkatapos kumain ng aming pagkain, magharutan kapag oras ng pahinga, pagsisimba kapag
araw ng linggo at higit sa lahat ang kinapapanabikan ko kapag ako ay matutulog na ang pagkwento ng
aking ina tungkol sa kwento nila ni tatay na kahit malungkot gustong gusto ko paring pakinggan..

Araw araw namimiss ko ang aking inay ngunit alam ko na darating din ang araw na kami ay muling
magkakasama

Marta apooo ! Halika rito sa loob at ako ay may ibibigay sayo...

Bigla akong napatayo sa tawag ng aking lola at nabalik sa reyalidad ako pala ay nasa aking panaginip
nanaman. ...

Dalidali akong lumapit kay lola Ano po iyon lola ?

Apo may dumating na nagbibigay ng sulat baka sulat ito sayo ng iyong inay..

Wala pag aatubili kong binuksan sa isang gilid malayo kay lola ang sulat doon nanggilid ang luha ko sa
saya sa aking nabasa at hindi ko napigilang mapasigaw.

Lolaaaaaaaa! At ako ay napayakap sakanya .

Babalik na daw ang inay at kami ay magkakasama ng muli...

Totoo ngang anomang hirap at pagtitiis ay may kapalit na saya . Sobrang saya namin ni lola sa binalita
ng aking ina

You might also like