You are on page 1of 1

DILG, inatasan ang PNP, LGUs at mga barangay na istriktong ipatupad ang mass gatherings sa

NCR at kalapit na probinsya

🇵🇭 Sa harap ng paggunita ng Semana Santa simula ngayong araw hanggang April 4, inatasan ng
Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP), mga
Local Government Units (LGUs) at mga barangay na maging istrikto sa pagpapatupad ng
pagbabawal sa mass gathering sa National Capital Region (NCR) at sa mga kalapit na probinsiya
tulad ng Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna.

Kabilang sa ipinagbabawal ay ang religious gatherings at face-to-face meetings. Habang ang


pagdaraos ng kasal, binyag at funeral services ay nililimitahan lang sa sampung katao ang
pinapayagang makadalo.

Inutusan ni DILG Officer-in-Charge Bernardo Florece Jr. ang PNP na magtatag ng mga border
checkpoint upang matiyak na essential workers ang papasok at lalabas at upang ipatupad ang
uniform curfew hours.

Pinakilos din ang LGUs para mag-deploy ng COVID-marshalls, Barangay Disiplina Brigades,
barangay tanod at iba pang force multipliers para hulihin ang mga pasaway.

Pinababantayan din ng ahensya sa PNP at LGUs ang mga driving school, traditional cinema, video-
and interactive-game arcades at iba pa na pansamantalang ipinatigil ang operasyon dahil sa
pagsipa ng COVID-19 cases.

You might also like