You are on page 1of 1

“ISANG IKAW”

Tumunghay sa itaas, sa dilim ay nagtago

Nasanay na mag isa, tila doon nakuntento

Katamtamang simoy ng hangin ang sa aki’y yumayakap

Ngunit kasiglaha’y sa puso ay hinahanap

Sa tila abong kalangitan ay sumulyap ang liwanag

Nagkakulay ang mundong sa katamlayan ay natunaw

Dumating ang hindi inasahang pagtatagpo

Isang bughaw na daigdig ang yumakap sa aking mundo

Isa kang maliwanag na bituin kahit bukang liwayway

Mayabong na palamuti kahit sa harding kumikinang

Pananampalataya ang magara mong kasuotan

Sa katapangan ng loob ay di ka maikukumpara

Lingid sa aking kaalaman ang aking mga nagawa

Alam kong sa Diyos ako’y kapos at nagkukulang

Ngunit hatid Niya sa aki’y hindi masukat na biyaya

Nang Kanyang iniligay ang isang ikaw, o napakagandang kabanata

Ulirat ko’y di ko sukat maipaliwanag

Nung aking napagtanto na mayroong isang ikaw sa paggising

Iyong dinaig ang tagpo sa takip silim

Tunay na kay ganda mong tanawin

Gunita ko’y nagambala nang sarili’y sugatan

Nang sa aking pagmulat ay di panaginip ang lahat

Handog ko sa Diyos ay walang sawang pasasalamat

Kaganapa’y makakamtan dahil sa nag-iisang ikaw

You might also like