You are on page 1of 2

Charles Casero BSED-FILIPINO IIB

Ang gabi ng Paniniwala


Unti unting nililibing ng kadiliman ang paligid. Maririnig ang mga tuyong dahong marahang inaagos ng
malamig na hangin. Tumugtog ang kampana sa isang lumang simbahan na naghudyat ng isang sakunang
hindi ko malilimutan.

“May tsunami!”, sigaw ng mga tao habang tumatakbo patungo sa malapit na bundok. Pumayapa ang
hangin, animoy parang normal na araw lang na ating kinasanayan. Ang dagat ay lumalayo na para bang
tumatakbo papalayo sa kalupaan. Naalarma ang mga residente at nagsabing,” masama ang aking kutob
di na ata normal ang nangyayari tila ba’y may reaksyon ang dagat sa nangyari pagyanig kanina”. Nang
marinig iyon ng matanda ay agad itong nagsabi,” magkakaroon ng tsunami!” Nagpanik ang mga
residente nang marinig ang sinabi ng matanda.

Agad ko namang sinabi ang balita sa aking pamilya. Sa una ay hindi ito naniwala, ngunit nang sila ay
tumingin sa labas ay nakita nila ang mga taong dali-daling kumukuha ng mga gamit at pagkain upang
dalhin sa malapit na bundok. Gaya ng ibang pamilya ay kumuha din kami ng mga gamit at pagkain upang
dalhin din namin.

Habang kami’y papunta sa bundok ay may nakita akong bata na umiiyak, agad ko itong nilapitan at
tinanong,” anong nangyari saiyo?”Ang bata ay sumagot ng mahina,”hindi ko po mahanap sila mama”.
Agad ko itong sinama sa bundok upang doon hanapin ang pamilya ng bata. Sa aming paglalakad ay
nalaman ko na Rita pala ang pangalan ng bata, siya ay 6 na taong gulang at kasalukuyang mag-aaral sa
unang baitang ng paaralan sa aming barangay. Tahimik siyang bata at mabait, hindi siya nagsasalita
hanggat walang nagtatanong.

Pagdating namin sa bundok ay nadatnan namin ang maraming tao. Agad kaming humanap ng pede
namin mapagpahingahan upang doon umupo. Mayamaya ay naisipan kong magtanong-tanong kung sino
ba ang pamilya ni Rita dahil ako naman ay nakapagpahinga na sa mahigit kalahating oras na pagakyat sa
bundok.

Apat ng pamilya ang aking natanungan ngunit wala pa ring nakakakilala kay Rita. Ito’y nakapagtataka
dahil napakaliit lamang ng aming barangay. Sa aking pagtatanong-tanong ay may isang pamilyang may
nakakilala sa pangalang Rita agad ko itong tinanong kung kaano-ano ba nila si Rita. “Siya ang namatay
naming anak”, sambit ng ina nito. “Matagal na siyang nawala at ito ay labis naming ikinalungkot”,
dagdag pa nito. Ako ay kinilabutan sa aking narinig, nagtaasan ang aking balahibo hindi ko inaasahan ang
kanilang naging sagot saaking katanungan, akoy napahinto an natulala ng saglit. Agad akong pumunta
kung saan nakapwesto ang aking pamilya,hinanap ko si Rin at hindi ko na ito makita.

“Totoo ba ito?” tanong ko sa aking sarili. Ako’y hindi makapaniwala sapagkat si Rita ay nakausap ko
habang kami ay papaakyat. Mayamaya ay pumunta ulit ako sa pamilya ni Rita upang tanungin kung ano
nga ba talaga ang nangyari sa bata. Nang malaman ko ang tunay na nangyari sa bata ay niyaya ko ang
pamilya nito upang magdasal at upang matahimik na rin ang kaluluwa ni Rita. Matapos naming magdasal
ay muli kong nakita ulit si Rita na umiiyak ngunit siya ay masaya na dahil sa wakas ay mapapayapa na
ang kanyang kaluluwa at nakita nya ang kanyang pamilya sa huling pagkakataon. Kumaway sya saakin at
nagpasalamat. Nginitian ko sya at kinawayan pabalik bago sya mawala.
Gumabi na at tila wala pang dumarating na tsunami, ang mga tao ay nagdarasal habang nagbabantay pa
rin dahil alam nila na nakakatakot ang ganoong kalamidad. Nabalot ng ilaw ng kandila ang bundok sa
sabay-sabay na pagdarasal ng mga tao. Sila ay nananiwala na hindi sila pababayaan ng Diyos. Lumipas
nga ang gabi ay hindi nagka-tsunami. Laking pasasalamat namin dahil hindi ito natuloy. Mayamaya pa ay
kami ay bumaba na sa bundok, pagdating at pagdating namin sa bahay ay sumalubong ang aming
alagang aso. Nawala sa isip namin na isama sya sa bundok kaya salamat nalang talaga at hindi natuloy
ang sakuna. Ngayon naniniwala na ako na walang imposible sa ngalan ng Diyos.

You might also like