You are on page 1of 1

Tulak ng bibig, kabig ng dibdib ang pag-ibig ni Julia kay Tenyong, taal na kulturang Pinay na

kung tawagin ay hele hele bago quiere.

              Pinapahirapan ng mga Prayle ang mga bilanggong Pilipino, na inakusahang mga


filibustero o kaya ay miyembro ng Mason. Lalo ang ama ni Tenyong na si Kapitan Inggo.

              Nilinlang ng mga Prayle ang mga dalaw ng mga bilanggo, sa pagkukunwaring


nirerespeto nila ang karapatang pantao. Ngunit kabaliktaran ang nangyayari. Namatay si
Kapitan Inggo at di nakayanan ng asawa nitong si Putin ang nangyari kaya’t ito’y hinimatay.

              Nag-alsa ang mga kalalakihan. Sigaw ng patriotismo. Dahil ang inang bayang ay
inaapi na nang tatlong daang taon. Sinugod ng mga Katipunero ang estasyon ang
Guiguinto.

              Ipinagkakayari ni Juana ang anak niyang si Julia kay Miguel na anak ni Tadeo.
Inutusan ni Julia si Lucas na ipagsabi kay Tenyong na ipinagkakayari na ng Juana niya kay
Miguel at naitakda na ang petsa ng kasal.

              Hindi lamang taumbayan ang may sentimyento sa mga kolonisador, kundi mga
Paring Pilipino tulad ni Pari Teban.

             Inestorya ni Lucas kay Tenyong ang dalawang uri ng Pilipinong bumugbog sa
kanya: ang taksil ng bayan, ang Makabebe (Macabebe Scouts) at ng mga Katipunero.

             Nalungkot si Tenyong nang nalaman ikakasal na si Julia. Kasama ang mga
Katipunero, bumaba sila sa bayan. Nagkunwaring sugatan si Tenyong upang makasal kay
Julia. Iyon nga ang nangyari, ikinasal sila. Sila rin sa huli. At hindi sugatan ang kanilang
pag-iibigan

You might also like