noong ika- 23 ng Hunyo sa taong 1998. Siya ay nag- aral ng elementarya sa Lamesa Elementary School at nagtapos naman siya ng sekondarya sa Butansapa National High School. Habang ng karangalang “Youth Achievement Award”sa taong 2014 at nabibilang din siya sa mga matatalinong mag-aaral ng School of Agriculture sa Marinduque State College. Si Hazel ay nakapagtapos sa pag-aaral sa larangan ng Bachelor of Agriculture Technology, at kumuha din ng Vocational course na Organic Agriculture Production. Kaniyang nabanggit na gusto niyang maging agriculturist at extensionist sa Department of Agriculture dito sa Marinduque o kaya naman ay sa Bureau of Plant Industry sa Los Baños, Laguna ngunit sa ngayon, siya ay isang Permanent Statistical Researcher, regular na emepleyado sa Philippine Statistic Authority na matatagpuan sa Boac, Marinduque. Sa trabahong kaniyang pinasukan, gawain niya ang mag- conduct ng survey sa mga sample households na ibinababa ng rehiyon na sinasakop ang Labor Force Survey at Family Income and Expenditure Survey. Ang kaniyang tinapos na kurso sa kolehiyo ay medyo malayo sa trabaho niya ngayon ngunit masasabi na si Hazel ay nagtagumpay na sa kaniyang pamumuhay ngayon, kasama ang kaniyang sariling pamilya.