You are on page 1of 3

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

CENTRAL MINDANAO UNIVERSITY


REGION X

Aralin 3: MGA ESTRUKTURA NG WIKA SA LIPUNAN


(WRITTEN REPORT)
MGA PAKSA:
 Panlipunang Estruktura ng Wika
 Antas ng wika
 Varayti ng wika
 Varyasyon ng wika

PANLIPUNANG ESTRUKTURA NG WIKA


WIKA – isang masistemang balangkas dahil ito binubuo ng makabuluhang tunog
(funema) na kapag pinag -sama sa makabyluhang siwens ay makakalikha ng mga
salita (morfema) na bumabagay sa pang salita (semantiks) upang maka – buo ng
pangungusap.
Funema - Ang ponema ay ang minimum na yunit ng tunog ng sistemang pang-
ponolohiko ng isang wika.
Ito ay na hahati sa dalawang uri: Segmental at Suprasegmental.
Morfema - Ito ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na mayroong kahulugan.
Mayroon itong tatlong Uri – ang malaya, di-malaya, at ang pinagsamang di-malaya
at salitang ugat.
Semantiks - Ang agham ng linggwistiko na nag-aaral ng kahulugan ng mga salita at
expression.
Sintaks - Ang Sintaks ay ang pag-aaral o pag-uugnay-ugnay ng mga salita para
makabuo ng mga parirala, sugnay at mga pangungusap.

Ang Panlipunang estruktura ng wika ay kumikilala sa linggwistikong estruktura at


pag – uugali.
Hal: Ang pilipinas ay may iba-t ibang wika na sinasalita dahil sa anyo nitong pulo-
pulo.
Sa ibang salita, tubig o dagat ang syang naging border line o interference ng wika.
Ipinapaliwanag nito kung bakit sa Luzon, tagalog ang mga tao, sa Visayas naman ay
mga Bisaya at ganon na din sa ibang parte ng Mindanao.

ANTAS NG WIKA
ANTAS NG WIKA – Ang mga antas ng wika na ginagamit ng isang tao ang
palatandaan kung saang antas-panlipunan siya nabibilang.Ito ang mga antas ng
wika:
- Pabalbal – (pinoy street slang) Hal: CHAKA – hindi maganda, JAPORMS - pormado
Kolokyal – ito ay impormal na salita kung saan pinapaikli nang isa, dalawa o higit
pang titik sa salita.
Hal: Nasan (nasaan), kelan ( Kailan), lika (halika)

Lalawiganin o Panlalawigan – ito ay naglalarawan sa mga salitang nabuo ng mga


diyalekto o wika sa bawat lalawigan. Hal: Epal( mapapel), erpats(Tatay),
ambot(ewan)
Pambansa o Lingua Franca -  tumutukoy sa anumang wika na ginagamit para sa
pakikipag-usap sa pagitan ng mga taong na mayroong magkaiibang katutubong
wika. Hal: engles, at tagalog
Pampanitikan – pinakamayamang uri ng wika, ito ay dahil ang wikang pampanitikan
ay makasaysayan at maaring tumaliwas din sa kasaysayan dahil sa kaniyang
kakayahan na lumikha ng mga tauhang kathang-isip o piksiyonal. Hal: Ipinangako ko
sa aking kabiyak, na ako ay sa kanya lamang hangga’t kami’y nabubuhay.
(pampanitikan)

MGA URI NG VARAYTI NG WIKA/ VARYASYON NG WIKA

DIYALEKTO
Ito ay varayti ng wikang nililikha ng dimensyong heograpiko. Ito rin ay tinatawag na
wikain o salitang bernakyular.
-Ito rin ay isang natatanging uri ng wika na ginagamit sa isang rehiyon o lugar.
Walong pangunahing diyalekto sa pilipinas
Cebuano, Bikolano, Ilonggo, Waray, Tagalog, Pangasinense, Kapampangan, Ilcoano

Halimbawa: Tagalog- nalilito ako / Bisaya- nalilibog ako

SOSYOLEK -Tinatawag din ito minsan na Sosyalek. Ito ay uri ng wika na ginagamit
ng isang partikular na grupo.

Halimbawa: May amats nako tol- may tama nako kaibigan o lasing nako kaibigan

EKOLEK - varayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan.


Halimbawa: Palikuran- banyo o kubeta / Papi - ama o tatay / Mumsy- nanay o ina

ETNOLEK - Uri ng varayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga


etnolinggwistikong grupo. Taglay nito ang mga wikang naging bahagi ng
pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.
Halimbawa:
Palangga- iniirog, sinisinta, minamahal
Kalipay- Tuwa, ligaya, saya
Communicative Isolation
- Hiwalay na pag-uusap sa pagitan ng mga pangkat sa isang partikular na lugar sa
bansa.
Rehiyonalismo - Nangingibabaw sa lahat.
MGA PISIKAL NA HADLANG (INTERFERENCE):
Dagat, Bundok, Uri ng Relihiyon, Politikal
DIALECTUAL DIFFERENCES -
Ang pagkakaiba ng dialekto na hindi na ibabahagi sa ibang rehiyon.

Hal:
Cantonese at Mandarin - ikinokunsider na diyalekto ng mas malawak na linggwahe,
ang chinese.
IDYOLEK
Ang bukod tanging wika ng isang indibidwal ay tinatawag na IDYOLEK ito ang mga
tono ng pananalita ng isang indibidwal, mga salitang ginamit , estilo atbp. Ang
bawat indibidwal ay may sariling estilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa
bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na nagsisilbing
simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao. Ito ay mga salitang namumukod tangi at
yunik.

Mga Halimbawa ng Idyolek


* “It’s your girl mimiyuUuh~ oh yeah” ni Mimiyuh
* “Hindi ka namin tatantanan” ni Mike Enriquez
* “Ang buhay ay weather weather lang” ni Kuya Kim

You might also like