You are on page 1of 1

Quarter 3 Week 1 Araling Panlipunan 9 Summative Test

I. Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag/katanungan at isulat ang tamang sagot
sa sagutang papel.

1. Dibisyon ng ekonomiks na nakatuon ang pag-aaral sa buong ekonomiya kagaya ng kabuuang


produksyon, presyo at empleyo.
2. Pamilihan ng mga salik ng produksyon na kinabibilangan ng pamilihan para sa capital ng
produkto, lupa at paggawa.
3. Ano ang tawag sa pamilihan ng mga tapos na produkto?
4. Ang tawag sa tagalikha ng produkto at serbisyong inihahatid sa isang sambayanan.
5. Ano ang tawag sa kalipunan ng mga mamimili sa isang ekonomiya?
6. Ang pangunahing pinagkukunan ng kita ang pamahalaan.
7. Ano ang tawag sa kita ang pamahalaan mula sa buwis?
8. -11 Ibigay ang apat na pinagmumulan ng kit ang pamahalaan.

12-20 Uriin kung anong modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya ang tinutukoy sa mga
sumusunod. Isulat lamang ang I- unang modelo, II- ikalawang modelo, III- ikatlong modelo
IV- ikaapat na modelo , V- ikalimang modelo.

12. Sa modelong ito sumali ang panlabas na sector kung saan naging bukas ang ekonomiya sa mga
dayuhang mamumuhunan.

13. Ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa lamang.

14. Ang bahay-kalakal ay nagluluwas/ nag- eexport ng produkto samantala ang sambahayan ay nag-
iimport ng produkto.

15. Bukod sa pag-iimpok at pamumuhunan , ang pagbabayad ng buwis ay nagiging karagdagang gawain
sa ekonomiya.

16. Sa modelong ito inaasahan na ang halaga ng produksyon ay siya ring halaga ng pagkonsumo sa
produkto.

17. Ang pag-iral ng Sistema ng pamilihan ang tuon ng modelong ito.

18. Ang pag-iimpok at pamumuhunan ay naging mahalagang gawaing pang-ekonomiya.

19. Sa ganitong modelo ng ekonomiya mahalagang balance ang pag-iimpok at pamumuhunan.

20. Ang pamahalaan ay lumahok sa sistema ng pamilihan.

You might also like