You are on page 1of 1

Ayon kay Soriano, ang Ingles ay wika ng pribilehiyo, tagumpay sa akademya, at pundasyon ng

pandaigdig na kaalaman. Ang kagamitan naman ng wikang Filipino ay para sa mga pang-araw-
araw na hinaharap, tulad ng pakikisalimuha sa kapwa nating Pilipino, at komunikasyong
praktikal na ginagamit sa labas ng silid-aralan o “language of the streets”.

Isinaad din niya na ito ay batayan ng ating pagkakakilanlan at pamamahayag ng mga emosyon,
at kanya ring napagtanto na may sariling sistema ang ating pambansang wika, tulad ng
nakasanayan niyang wikang Ingles.
Sapat man ito sa komunikasyon at pagbunyag ng damdamin, ayon sa kanyang pananaw, hindi ito
sapat sa mundo ng industriya.

Kung ako ang tatanungin, ang Filipino ay higit pa sa wikang panglansangan kung saan
nagkakaroon ng gulangan sa pagitan ng may pribilehiyo at mga hindi nabigyan ng pagkakataong
makamit ang katastasan sa wikang Ingles.

Hindi man ito ang nangingibabaw sa panitikan ng karamihang kurso, o ang pangunahing teksto
ng korte at mga terminong medikal, tiyak na mahalaga ang komunikasyon sa industriya dahil ang
pagkaunawa sa kapwa ang nagbibigay layunin dito.

Halimbawa: mabibigyan lamang ng lubos na serbisyo ang ating mga pinagtatanggol sa korte
kung tayo ay magtatagpo sa kalagitnaan. Iba-iba ang ating mga kaalaman, ngunit may isang
paraan upang maipaliwanag ang ating mga nais at ambag sa lipunan. Ang wikang Filipino ang
tulay ng mga mamayanang nanggagagaling sa iba’t ibang aklat ng buhay.

Kung hindi tatanawin ang Filipino bilang wika ng pagkatuto, maraming hindi mapapakinggan at
mabibigyan ng boses.
Makakasanayan ng mga kabataan na piliin ang Ingles dahil ibinatid natin sa kanila na ito ang
tanging paraan sa pagkamit ng worldwide standards at global na kaalaman.
Makikita nila ito bilang pribilehiyo at nag-iisang landas sa paglawak ng mga koneksyon, at
dahan-dahang malilimutan ang kakayanan ng sariling wika.

Sa pag-angat ng iba sa Ingles, maraming maiiwan. Magkakaroon ng hinagap na limitado ang


kaalaman kung hindi nakakasabay sa mundo ng wikang ito.

Magkakasabay lamang tayo kung ititigil natin ang labis na pagbibigay puri sa lenguaheng hindi
naman natin pagkakakilanlan. Ang Ingles ay hindi tatak ng kaalaman at katayuan sa buhay; hindi
ito tatak na dapat habulin upang hindi mapabayaan.

You might also like