You are on page 1of 1

Panitikan: Elehiya sa Kamatayan ni Kuya (tula)

Gramatika/Retorika: Mga pang-uring nagpasidhi ng damdamin

ELEHIYA
 Isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbulaybulay o guni gunina nagpapakita ng
masidhing damdamin patungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay na yumao na.
 Isang uri ng tulang liriko na pumapaksa sa damdamin katulad ng kalungkutan,
kasawian o kaligayahan. Binibigyang parangal dito ang mga yumao.
Mga element ng Elehiya
 Tema – pangkabuuang kaisipan ng elehiya, kadalasang kongkreto at maaring
pagbasehan ng mga karanasan.
 Tauhan – mga taong kasangkot sa tula
 Tagpuan – lugar at panahon kung saan pinanggagalingan ng tula.
 Mga mahihihiwatig o tradisyon – mga paniniwala, kaugalian, kasanayan, doktrina at
batas na naihahatid mula sa isang henerasyon na isinalin hanggang sa ngayon.
 Wikang ginamit – Pormal; salitang istandard, Impormal; madalas ginagamit sa pang
araw-araw na pangungusap.
 Simbolismo – paggamit ng simbolo para maipahiwatig ang ideya o kaisipan.
Halimbawa. Bonifacio – katapangan, Juan – masang pinoy Krus – relehiyon
Rizal – kabayanihan, Kadena – pagkakaisa o pagkakaipit
 Damdamin – tumutukoy sa damdamin sa isang elehiya ang pagdadalamhati o puno
ng kalungkutan.
Mga halimbawa ng elehiya:
Elehiya sa kamatayan ni kuya Bhutan isinalin sa filipino ni Pat V. Villafuerte
Pilipino: Saan patutungo: Al Q. Perez
Kung tuyo na ang luha mo, aking bayan: Amado V. Hernandez
Mga pang-uring nagpapasidhi ng damdamin
 Ang pagpapasidhi ng damdamin ay ginagamitan ng iba’t ibang paraan: pag-uulit ng
salita, paggamit ng panlaping napaka, masyado, totoo, talaga, lubha, tunay at iba
pa.
Halimbawa.
Galit nag alit Tuwang-tuwa
Inis na inis Labis na nagagalak
Malungkot na malungkot Takot na takot
Masayang-masaya Talagang malungkot
Munghing-munghi
Totoong galit
Tunay na nakakainis
Lubhang nakagigimbal

You might also like