You are on page 1of 1

Tunay na Kaibigan

Made by: Group 2

Ang tunay kong kaibigan


Ay lagi kong mapagkakatiwalaan.
Sila ay maaasahan,
Kapag may pinagdaraanan.

Sila’y mabait, magalang, at may malasakit.


Mayroon din silang puso at damdamin.
Sila’y mananatili sa iyong tabi,
At ilalayo ka sa paggawa ng mali.

Anuman ang mangyari,


Sila’y mananatili pa rin sa iyong tabi.
Ika’y gagabayan at susuportahan,
At may nais na ika’y protektahan.

Sila ang mga taong maaari mong masandalan


Kapag pagod at wala ng gana,
Kaya’t sila rin ang nagsasabing
“Huwag kang sumuko, nandito lang ako para suportahan ka”

Huwag natin silang kakalimutan


Kapag tayo ay tumanda na.
Ibalik natin sa kanila
Ang ipinaramdam nilang pagmamahal at tiwala.

You might also like