You are on page 1of 4

MODYUL 2 - SOSLIT

SAGUTAN MO!

A. Ibigay ang Pagkakaiba ng Kritisismo at Panunuri.


Ang Kritismo ay naghahanap ng mali at ng kulang. Ito ay
nagbibigay din ng hatol na hindi naman lubos na
nauunawaan. Nakalahad din ito sa malupit at
mapanuyang tinig. Malabo, malawak at negatibo. Sa
kabilang banda naman ay ang Panunuri ito, ang panunuri
ay naghahanap ng estruktura. Ang panunuri ay nag
tatanong upang maliwanagan. Positibo, konkreto at
tiyak.

B. Magbigay ng katangian dapat taglayin ng isang


Kritiko.
• Ang kritiko ay matapat sa sariling itinuturing ang
panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang isang
sining.
• Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang
manunuri ng akdang panitikan at hindi manunuri ng
lipunan, manunulat, mambabasa, o ideolohiya.
• Ang kritiko ay laging bukas ang pananaw sa mga
pagbabagong nagaganap sa panitikan.

C. Ilahad ang mga dapat isa-alang-alang sa panunuring


pampanitikan.
• Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng
masinop na pag-uugnay ng mga sangkap ng pagsulat.
• Ang pagsusuri  sa akda ay dapat may uri at katangian
ng katalinuhan ,seryoso at marubdob na damdamin at
ng tapat na mithi sa kalayaan.
• Sa pagsusuri ng anumang akda ayn kailangang
mahusay ang organisasyon o balangkas ng lakhok.Bahagi
ito ng disiplina ng pagsusuri.
• Sa pagsusuri lng anumang akda ay dapat maging
maganda ang paksa,may kalinisan ang wika at
organisado ang paglalahad.
• Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon may
matibay na kaisahan makapangyarihan ang paggamit ng
wika at may malalim na kaalaman sa teoryang
pampanitikan.

D. Ano-anong teoryang pampanitikan ang maaring


maging saligan ng mga akdang susuriin.
• Teoryang Klasismo/Klasisismo

• Teoryang Humanismo
• Teoryang Imahismo
• Teoryang Feminismo
• Teoryang Realismo
• Teoryang Arkitaypal
• Teoryang Formalismo/Formalistiko
• Teoryang Eksistenyalismo
• Teoryang Romatisismo
• Teoryang Markismo/Marxismo
• Teoryang Sosyolohikal
• Teoryang Moralistiko
• Teoryang Bayograpikal
• Teoryang Queer
• Teoryang Historikal
• Teoryang Kultural
• Teoryang Feminismo-Markismo
• Teoryang Dekonstruksiyon

E. Magbigay ng mga halimbawa ng akda na


tumatalakay sa iba’t ibang isyung
panlipunan.

• Tulang Di-Malaya
• Luha ng Buwaya
• Reyalidad ng Lipunan

APRIL R. OPERIO
BEED 2B

You might also like