You are on page 1of 22

Department of Education

Republic of the Philippines


Region III
DIVISION OF GAPAN CITY
Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City

Filipino 9
Ikatlong Markahan – Modyul 8:
Wastong Paggamit
ng Salitang Naglalarawan

Self-Learning Module
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 8: Wastong Paggamit ng Salitang Naglalarawan
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – PaaralangPansangay ng Lungsod Gapan
Tagapamanihala: Alberto P. Saludez, PhD
PangalawangTagapamanihala: Josie C. Palioc, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Cindy C. Menor
Editor: Jocelyn S. Pablo
Tagasuri ng Nilalaman: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Dulce M. Esteban
Joanne M. Nuñez
Tagasuri ng Wika: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Bernadeth D. Magat
Gerwin L. Cortez
Tagasuri ng Disenyo Glehn Mark A. Jarlego
at Balangkas:
Tagaguhit: Kimberly S. Liwag
Tagalapat: Katrina C. Matias
Tagapamahala: Salome P. Manuel, PhD

Alexander F. Angeles, PhD


Rubilita L. San Pedro
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –
Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan
Office Address: Don Simeon St., San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija
Telefax: (044) 486-7910
E-mail Address: gapan.city@deped.gov.ph
Alamin

Sa buhay natin, marami tayong mga iniidolong personalidad batay sa


kanilang pisikal na anyo, talento, pag-uugali, kakayahan, at gawain.
Masaya natin silang inilalarawan sa bawat taong ating nakakasalamuha.
Kadalasan, itinuturing natin silang bayani.
Nakabasa ka na ba ng isang akdang nagpapakita ng kabayanihan ng
isang tao tulad ng iyong mga iniidolo? Sa modyul na ito, makababasa ka ng
isang halimbawa ng epiko. Ilalarawan dito ang kabayanihan ng
pangunahing tauhan. Matutuklasan din natin ang ilan sa mga kultura ng
Kanlurang Asya mula sa akda na ating babasahin. Matutuhan mo rin ang
wastong paggamit ng salitang naglalarawan.
Bago ang lahat, nais kong malaman mo, ang modyul na ito ay
inihanda upang malinang ang iyong kasanayan sa pamantayan ukol sa:
1. naiisa-isa ang kulturang Kanluraning Asyano mula sa mga akdang
pampanitikan nito (F9PB-IIIi-j-55); at
2. nagagamit ang mga angkop na salita sa paglalarawan ng Kulturang
Asyano at bayani ng Kanlurang Asya (F9PS-IIIg-h-56).

Subukin

Bago tayo magsimula sa ating aralin, subukin muna natin ang iyong
kaalaman sa ating tatalakayin. Madali lamang ito, tiyak na kayang-kaya mo!

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag.


Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa hiwalay na papel.

1. Ang sinasahod ni Nena sa pabrika ay ________ lamang ngunit pilit


niya itong pinagkakasya para sa kaniyang pamilya.
A. maikli C. makitid
B. makipot D. maliit

1
2. Lubhang _______ ang kaniyang lupain na sinasaka sapat upang
maitaguyod nang maginhawa ang kaniyang mag-anak.
A. maganda C. malawak
B. malapit D. masinop

3. Ang tubig sa batis ay _______ kaya kitang-kita ang mga bato sa


ilalim.
A. maaliwalas C. maniningning
B. malinaw D. mapusyaw

4. Ang pangarap ni Mang Benito para sa kaniyang pamilya ay ______.


A. makitid C. matarik
B. mataas D. matayog

5. Ang pag-usad ng mga sasakyan ay _______ dahil sa malakas na


buhos ng ulan.
A. mabagal C. makupad
B. mahina D. matamlay

6. Nang magising si Rostam mula sa pagkakatulog, nakayuko siya at


malungkot na malungkot nang hindi na niya nakita ang kaniyang
kabayo. Ang kulturang masasalamin sa pahayag ay _______.
A. pakikiramay C. pagkamaasikaso
B. pagpapahalaga D. pagkamaalalahanin

7. “Mahalin mo ang regalong ito at ingatan nang may kagalakan,


sapagkat ang iyong ama ang nagpadala ng mga ito sa iyo.” Ang
masasalaming kaugalian sa pahayag ay _______.
A. ugaling mapagbigay
B. pagiging maalalahanin
C. maging mapagpasalamat
D. mapagpaalala at mapagpahalaga

8. Nang malaman ni Rostam na nakita na ang nawawalang kabayo,


nagpasalamat siya kay Ormuzd na siyang nagbalik ng kaligayahan
sa kaniyang mga kamay. Ang kulturang Persyano na masasalamin
sa tagpong ito ay _______.
A. pagiging makatao
B. patunay na sila ay masayahin
C. pagiging mapagpasalamat sa Diyos
D. matiyaga sa paghahahanap ng nawawalang bagay

2
9. Hinarap siya ng Hari at ng mayayaman upang salubungin siya at
inusisa siya kung paano ito nangyari. Ang kaugaliang masasalamin
sa bahaging ito ay _______.
A. maalam sa nangyari
B. mapagpasalamat sila sa panauhin
C. patunay na maagap sila pag-usisa ng pangyayari
D. pagiging magiliw sa pagsalubong sa kanilang panauhin

10. Pinakiusapan ng Hari na tumuloy sa kaniyang tahanan si Rostam at


mamalagi kasama niya hangga’t isinasagawa ang paghahanap. Ang
kaugaliang masasalamin sa tagpong ito ay _________.
A. paggalang sa kapwa
B. mapagbigay sa kapwa
C. pagiging mapagkumbaba sa kapwa
D. kaugaliang maging bukas-palad sa pagtulong sa kapwa

Aralin
Wastong Paggamit
1 ng Salitang Naglalarawan

Mahusay! Tiyak na nasagutan mo nang wasto ang inihanda kong


gawain para sa iyo sa bahaging Subukin.

Ngayon ay magpapatuloy na tayo sa pagtuklas ng panibagong


kaalaman na sadyang makatutulong sa iyo.

Bibigyang-katangian mo sa araling ito ang isa sa mga itinuturing na


bayani ng Kanlurang Asya sa pamamagitan ng wastong paggamit ng mga
salitang naglalarawan. Iisa-isahin din natin ang kultura ng Kanlurang Asya
mula sa akdang pampanitikan na ating tatalakayin. Handa ka na ba?

Balikan

Ipinakilala sa nakaraang aralin ang epikong Rama at Sita kung saan


itinuturing na bayani si Rama.

3
Alam kong marami kang natutuhan mula rito. Balikan mo ang
nakaraang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa kasunod na gawain.

KatangiRama!

Panuto: Magbigay ng limang (5) katangiang maglalarawan kay Rama.


Gayahin ang pormat sa hiwalay na papel at isulat ang sagot sa loob ng
kahon.

RAMA

Tuklasin

Basahin mo ang isang tulang pinamagatang, “Kulturang Pinoy”.


Pansinin mo ang mga kulturang mababanggit sa tula gayondin ang mga
salitang naglalarawan sa mga ito.

Kulturang Pinoy
Ni Cindy C. Menor

May isang kasabihan na isa ang kultura sa dahilan,


Pagkakakilanlan ng bansa maging ng mga mamamayan
Ito’y tumutukoy sa mga kaugalian at paniniwala,
Isama pa ang mga gawi na kailanman ay hindi mawawala.

4
Sa ating bansa, mayamang kultura ay matatagpuan
Halika’t ating tukuyin ang ilan,
Isa na rito ang nakamamanghang matapat na
pagbabayanihan
Anoman ang pangyayari, bawat isa ay nagdadamayan.

Mainit na pagtanggap sa panauhin, tayong mga Pinoy ay


kilala,
Ihahain sa kanila pinakaespesyal na pagkain sa mesa
Pagdating naman sa pananampalataya, tayo’y kahanga-hanga
Laging nagpagpapasalamat kahit may pinagdaanang
sakuna.

Makikita ang makukulay na palamuti kapag may


okasyon
May masasarap na pagkain kung saan kilala ang ating
nasyon
Pagmamano sa nakatatanda ay hindi nalilimutan
Pagsagot ng po at opo bilang paggalang ay bahagi ng
kulturang nakagisnan

Tunay na tayong mga Pinoy sa kulturang taglay ay


pinagpala
Ito’y maituturing na isa sa mahalagang kayamanan ng
ating bansa
Kaya mga kababayan ko ang dapat nating gawin,
Ating igalang, ingatan at isabuhay Kulturang Pinoy na
saraling atin!

Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa binasa. Isulat ang
sagot sa hiwalay na papel.

1. Tungkol saan ang tulang binasa?


2. Anong kulturang Pinoy ang lumutang sa tula?
3. Paano inilarawan ang mga nabanggit na kultura sa tula?
4. Naniniwala ka bang hanggang sa kasulukuyan ay makikita ang mga
ganitong kultura? Ipaliwanag.
5. Bilang isang kabataang Pinoy, paano mo ito mapananatili?

5
Suriin

Alam kong handa ka nang makakilala ng bagong bayani at malaman


kung ano ang kaniyang mga katangian gayondin ang mga kulturang
masasalamin sa bagong akda. Ngayon ay basahin mo ang isang halimbawa
ng epikong mula sa Kanlurang Asya. Bigyang-pansin ang mga kulturang
sinasalamin nito at paano inilarawan ang mga tauhan dito?

Shahnameh (Ang Epiko ng Mga Hari)


Ni Hakim Abol Qasem Ferdowsi Tousi
Salin sa Ingles ni Helen Zimmern
Salin sa Filipino ni Daniel Avila De Guzman

Nangyari ito nang araw na iyon nang tumayo si Rostam mula sa


pagkakahiga at napuno ang kaniyang isip ng mga pangitain. Inisip niyang
lalabas siya upang mangaso. Kaya’t inihanda niya ang kabayong si Rakhsh
at ang kaniyang buslo ng mga palaso. Nagtungo sila sa kagubatan malapit
sa Turan at malapit din sa direksyon patungo sa lungsod ng Samengan. At
nang malapit na siya roon, nagsimula siya ng panghuhuli mula sa pangkat
ng mga hayop, matiyagang naghanap hanggang siya ay mapagod sa
pangangaso. Pagkaraan, nakahuli siya ng isa at iniluto upang maging
pagkain. At nang matapos na niyang makain at mabasag ang buto upang
makuha ang laman nito, humiga siya upang matulog at nanginain naman si
Rakhsh ng damo sa tabi ni Rostam.

Ngayon, habang natutulog ang bayani, dumaan ang pitong kabalyero


ng Turan. Binantayan si Rakhsh at pinagbalakan ito. Inihagis nila ang
kanilang mga lubid upang itali ang kabayo. Ngunit nang makita ng kabayo
ang mga ito, may galit na nagsisipa si Rakhsh sa lupa at natumba sa kanila
gaya nang natumba ito sa leon. Kinagat niya ang ulo ng isa sa mga lalaki at
sinipa naman ang isa hanggang sa matalo niya ang lahat, ngunit
napakarami nila. Kaya’t nahuli pa rin nila si Rakhsh at dinala sa lungsod
habang iniisip, “talagang mahusay na panghuhuli ang aming nagawa.” Nang
magising si Rostam mula sa pagkakatulog, nakayuko siya at malungkot na
malungkot nang hindi na niya nakita ang kaniyang kabayo. At sinabi niya
sa kaniyang sarili, “Paano ako lalaban sa mga Turko at makatatawid sa
disyerto ng mag-isa?”

6
At napuno ng agam-agam
ang kaniyang loob. Pagkaraan,
naghanap siya ng mga bakas ng
kabayo, sinundan niya ang mga
ito patungo sa bukana ng
lungsod. Sinundan ni Rostam
ang mga bakas at nakarating
siya sa pamamagitan ng
paglalakad. Hinarap siya ng hari
at ng mga mamamayan upang
salubungin siya at inusisa siya
kung paano ito nangyari.
Pagkatapos ay ikinuwento niya
kung papaano nawala si Rakhsh habang siya ay natutulog at kung paano
niya sinundan ang mga bakas patungo sa lungsod na ito. Nanumpa siya
nang may kadakilaan at nangako na kapag hindi naibalik ang kaniyang
kabayo sa kaniya, marami ang dapat nang tanggalin sa serbisyo. Kaya’t
nang makita ng hari ng Samangen sa tabi niya si Rostam na may galit,
nagsalita na siya upang mapawi ang galit nito at sinabing wala sa mga tao
ang maaring gumawa ng masama sa isang bayani. Pinakiusapan niya itong
tumuloy sa kaniyang tahanan at mamalagi kasama niya hanggat
isinasagawa pa ang paghahanap. Winika niya, “Siguradong hindi maitatago
si Rakhsh.”
Nasiyahan na si Rostam sa mga salitang ito ng hari at naghinala
sa kaniyang sarili. Pumasok siya sa tahanan ng hari at nakisaya kasama
niya. Ginugol ang mga oras sa pag-inom ng alak. Nagsaya ang hari kasama
ang kaniyang panauhin at pinalibutan siya ng malalambing na mga mang-
aawit at ng lahat ng pagkilala. Nang sumapit ang gabi, dinala ng hari si
Rostam sa higaan na pinabanguhan ng musk at mga rosas at doon masarap
na pinatulog hanggang umaga. At sinabi niya sa kaniya na maayos ang
lahat para sa kaniya at sa kabayo.
Ngayon, nang ilang bahagi na ng gabi ang dumaan, at ang mga bituin
ng umaga ay nanaluktok sa arko ng langit, bumukas ang pinto ng silid ni
Rostam at pumasok ang mga mahihinang bulong ng tinig mula sa labas. At
doon pumasok ang isang aliping may dalang lampara na pinabanguhan ng
amber kasunod ang isang babaeng natatabingan ang kagandahan. At sa
kaniyang pagpasok ay umalingasaw ang matinding amoy mula sa kaniyang
gown.

7
Lumakad ang babae papalapit sa
kama ng bayaning lasing at pagod. At
namangha siya nang makita niya ito.
Nang nakatayo siya ay kaniyang
sinabi,“Sino ka? Anong pangalan mo
at ang iyong pakay at anong dahilan
upang hanapin mo ako sa madilim na
gabing ito?” At sinagot siya ng babaeng
nakatakip ang kalahating mukha,
sinabi, “Ako si Tahmineh, ang anak ng
Hari ng Samengan, sa lahi ng mga
leopardo at leon. Wala sa mga prinsipe
ng mundong ito ang karapat-dapat
para sa aking kamay. Gayondin, wala
pang lalaking nakakakita sa akin nang walang talukbong ang mukha.
Ngunit ang puso ko ay nababalot ng matinding kalungkutan. Napupuno ng
kapanabikan ang aking kaluluwa nang marinig ko ang tungkol sa iyong mga
ginawang katapangan, kung paanong hindi ka natinag ng Deev o ng leon,
maging ng leopardo at buwaya, kung paano umatake ang iyong mga kamay,
kung paano ka nakapaglakbay mag-isa patungong Mazanderan, kung
paano ka kinain ng mga mababangis na hayop, paanong umalulong ang
daigdig sa ilalim ng iyong mga yabag, kung paano mamatay ang mga
kalalakihan sa iyong mga kamay at kung papaanong hindi mangahas ang
isang agila na dagitin ang kaniyang biktima sa takot sa iyong espada. Lahat
ng mga ito at marami pa ang mga bagay na kinuwento sa akin at ninais ng
aking mga mata na makita ka. Ngayong dinala ka na ng Panginoon sa
pintuan ng aking ama, naparito ako upang sabihing sa iyo na ako, kung
maririnig mo ako, ngunit kung hindi, wala na akong aasawahin pa. At
maaari, O Pehliva, paanong pinalabo ng pag-ibig ang aking pag-unawa at
tinanggalang makapagpasya subalit ang nag-aalinlangang Panginoon ay
magkakaloob sa akin ng anak na gaya mong malakas at may tapang, na
siyang magmamana ng imperyo ng daigdig. At kung makikinig ka sa akin,
“ibabalik ko sa iyo si Rakhsh na buhay at ilalagay ko sa ilalim ng iyong mga
paa ang bayan ng Samengan.”

Ngayong habang ang buwan ng kagandahan ay hindi pa nagsasalita,


kinonsidera ni Rostam ang babae. At nakita niyang patas siya at ang iniisip
nito. Nang marinig niya si Rakhsh, nagpasya ang kaniyang kaluluwa, at
inisip na hindi matatapos ang paglalakbay na ito nang matagumpay. Kaya’t
pinadala niya si Mubid sa hari at hiningi ang kamay ni Tahmineh mula sa
kaniyang ama. At ang hari, nang marinig niya ang balita ay nagsaya at
ibinigay ang kaniyang anak na babae sa Pehliva at nagkaroon ng

8
pagkakasundo sa kanila batay sa kaugalian at karapatan. At ang lahat ng
lalaki, matanda man o bata sa loob ng tahanan at bayan ng hari ay nagalak
sa pakikipagkasundo at tinuring na biyaya si Rostam.
Si Rostam, habang mag-isa kasama ng babaeng nakatakip ang
kalahating mukha, ay kumuha ng isang onyx na kilala sa buong mundo. At
ibinigay sa babae at sinabi, “Mahalin mo ang kuwintas na ito, at kung
bibiyayaan ka ng langit ng anak na babae, isuot mo ito sa kaniya at ililigtas
siya nito mula sa kasamaan. Ngunit kung ang ibibigay sa iyo ay anak na
lalaki, isuot mo ito sa kaniyang braso gaya ng kung paano ito sinusuot ng
kaniyang ama. Magiging kasing lakas siya gaya ni Keriman, titingalain gaya
ni Sam na anak ni Neriman, at magkakaroon ng kasing husay na
pananalita ni Zal, ang aking ama.”
Nang marinig ng babaeng nakatakip ang kalahating mukha ay
natuwa sa kaniyang regalo. Ngunit nang lumipas na ang araw, dumating
doon ang Hari na kaniyang ama at sinabi kay Rostam kung paano
nakarating sa kaniya ang impormasyon tungkol kay Rakhsh at kung
paanong sa isang saglit ay darating na ang kaniyang kabayo. At si Rostam,
nang marinig ito’y napuno ng pananabik sa kaniyang alaga. Kaya’t nang
malaman niyang dumating na ito, pinuntahan niya ito upang mahawakan.
Gamit ang kaniyang mga kamay, tinali niya ang uupuan sa ibabaw ng
kabayo at nagpasalamat kay Ormuzd na siyang nagbalik ng kaniyang
kaligayahan sa kaniyang mga kamay. Pagkaraan, naisip niyang panahon na
upang umalis. Niyakap niya si Tahmineh, at binasa ang kaniyang mukha ng
kaniyang mga luha at pinupog ng halik ang kaniyang buhok. Pagkatapos ay
umalis na siya sakay ni Rakhsh at agad naglaho sa paningin ng babae.
Lubhang kalungkutan ang bumalot kay Tahmineh. Gayondin, napuno ng
alaala si Rostam sa kaniyang pag-alis patungo sa Zaboulistan. Binaon niya
sa puso ang paglalakbay na iyon. Ngunit hindi niya pinagsabi kahit kanino
ang kaniyang mga nakita at ginawa.
Sa pagdaan ng siyam na buwan,
isinilang ni Tahmineh ang isang sanggol
na lalaki na kamukha ng kaniyang ama.
Isang batang puno ng ngiti sa labi at
tinawag nga siya ng mga tao bilang
Sohrab. Sa kaniyang pagsapit ng isang
buwan, tulad na siya ng batang
labindalawang taong gulang at nang
maglimang taon na siya ay may
kakayahan na siya sa paggamit ng
armas at sa lahat ng sining ng
pakikidigma. Nang lumipas ang

9
sampung taon pa, wala nang nakapipigil sa kaniya pagdating sa labanang
pampalakasan. At lumapit siya sa kaniyang ina at matapang na nagsalita.
Ang sabi niya, “ngayong mas malaki at mas makisig na ako kumpara sa
aking mga kaibigan, sabihin mo na sa akin ang aking pinanggalingang lahi,
at kung ano ang isasagot ko kapag tinanong ako ng mga tao kung ano ang
pangalan ng aking ama. Ngunit kung hindi ka papayag na sagutin ang
aking mga hinihiling, papatayin kita.”
Nang nakita ni Tahmineh ang matinding pagnanais ng anak, ngumiti
siya sapagkat ang kaniyang dating ay gaya ng kaniyang ama. Binuksan niya
ang kaniyang bibig at sinabi, “Pakinggan mo ako, O aking anak, at matuwa
ang iyong loob, at huwag hayaang looban ka ng galit. Dahil ikaw ang anak
ni Rostam. Mula ka sa lahi nina Sam and Zal at si Nerimen ang iyong
ninuno. At dahil niloob ng Panginoon ang mundo na hawakan ni Rostam,
ang iyong ama.”
At sumunod ay ipinakita niya sa anak ang sulat ni Pehliva, at ibinigay
sa kaniya ang ginto at alahas na ipinadala sa kaniya ng kaniyang ama.
Nagwika siya at sinabi, “Mahalin mo ang regalong ito nang may kagalakan,
sapagkat ang iyong ama ang nagpadala ng mga ito sa iyo.” Ngunit tandaan,
O aking anak, itikom ang iyong bibig hinggil sa mga bagay na ito sapagkat
nagdadalamhati ang Turan sa kamay ni Afrasiyab na kalaban ng dakilang si
Rostam. Samakatuwid, sakaling malaman niya ang tungkol sa iyo,
ipapapatay ka niya dahil sa galit sa iyong ama. Higit pa, anak ko, kung
malalaman ni Rostam na ikaw ay naging isang ganap na matapang,
maaaring kunin ka niya sa akin, at dudurugin ng kalungkutan ang puso ng
iyong ina.” Ngunit sumagot si Sohrab, “Walang maaaring maitago sa mundo
para sa isang oo. Alam ng lahat ng kalalakihan ang mga ginawa ni Rostam,
at dahil marangal ang aking pagkasilang, sa anong kadahilanan upang itago
mo sa akin sa mahabang panahon? Susugod ako kasama ang isang hukbo
ng matatapang na Turks pangungunahan ko sila patungo sa Persya. Aalisin
ko si Kai Kawous sa kaniyang trono. Ibibigay ko kay Rostam ang paghahari
sa Kaianides, at magkasama naming lulupigin ang lupain ng Turan at
pahihirapan ko sa aking mga kamay si Afrasiyab at aakyat ako sa kaniyang
puwesto. At ikaw ay dapat nang tawaging reyna ng Iran. At sapagkat si
Rostam ang aking ama at ako ang kaniyang anak, walang ibang hari ang
puwedeng mamahala sa mundong ito, dahil kami lamang dalawa ang
nangangailangang magsuot ng korona ng kapangyarihan. At kinakapos ako
sa paghinga sa paghahanap makaraan ng digmaan. At ninanais kong
kilalanin ng mundo ang aking lakas. Ngunit kailangan ko ng isang kabayo
na kayang tumindig at may sapat na lakas upang kayanin ako.
Ngayon, nang marinig ni Tahmineh ang mga salita ng lalaking iyon ay
nagbinhi siya sa katapangan nito. Kaya’t inutusan niya ang mga

10
tagapagbantay ng hawla na ilabas ang mga kabayo upang makita ni Sohrab
na kaniyang anak. At sinunod nila ito ayon sa utos ni Tahmineh. Kinilatis ni
Sohrab ang mga kabayo at sinubukan ang lakas ng mga ito gaya ng ginawa
ng kaniyang ama, Ngunit hindi siya nasiyahan. At sa loob ng maraming
araw ay naghanap siya ng karapat-dapat na kabayo. Hanggang sa isang
araw ay may pumunta sa kaniya sinabi sa kaniya ang tungkol sa batang
kabayo na anak ni Rakhsh.
Napangiti siya nang marinig ang tungkol dito at nag-utos na dalhin
ang batang kabayo sa kaniya. Sinubukan niya ang kabayo at nakita na
malakas ito. Kaya’t sinakyan niya ito at sumigaw, sabi, “Ngayong mayroon
na akong kabayo na gaya ng sa iyo, dapat nang magdilim ang buong mundo
para sa marami.”
Pagkaraan ay naghanda na siya para sa isang digmaan laban sa
Persya. Dumagsa sa kaniyang paligid ang mga matataas na tao sa bayan at
ng mga mandirigma. At nang maayos na ang lahat, dumating si Sohrab
kasunod ng kaniyang lolo at hiningi ang payo nito at tulong sa pagsalakay
sa lupain ng Persya upang hanapin ang kaniyang ama. At nang marinig ng
Hari ng Samengan ang mga kahilingang ito, itinuring niyang patas ang mga
ito, at binuksan ang mga pinto ng kaniyang kayamanan nang walang
pagtatakda at ibinigay kay Sohrab ang kaniyang yaman sapagkat napuno
siya ng kagalakan sa binata. Sa gayon ay nag-ukol siya ng lahat ng
parangal ng isang hari sa kaniya. At binigyan siya ng buong pagkilala ng
mabuting kagalakan ng hari.
Sa huling bahagi, hindi nabatid
ni Rostam na ang kaniyang
katunggali ay ang sarili niyang
anak na si Sohrab. At dahil
nakilala na ni Sohrab na ang
kaniyang kalaban ay ang kaniyang
ama, sinadya niyang magpatalo sa
labanan ngunit malubha siyang
nasugatan bago pa niya
naipagtapat ang katotohanang
ayaw namang paniwalaan ni
Rostam.
https://likhaharaya.wordpress.com/2019/07/09/shahnameh-ang-epiko-ng-mga-hari/

11
Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa
hiwalay na papel.
1. Tungkol saan ang iyong binasang epiko?
2. Sino ang pangunahing tauhan sa akda?
3. Ibigay mo ang katangian ng pangunahing tauhan.
4. Anong mga kultura ng Kanlurang Asya ang masasalamin sa akda?
5. Sa iyong palagay, ang mga pangyayari ba sa epikong binasa ay
nangyayari din sa totoong buhay? Ipaliwanag.

Wastong Paggamit ng Salitang Naglalarawan


Napatitingkad ang anomang akdang pampanitikan kapag wasto ang
gamit ng mga salitang naglalarawan.

Nakapaglalarawan tayo ng tiyak at angkop kapag alam natin ang gamit


ng mga salita. Nakatutulong nang malaki sa pagbibigay ng hugis, kulay,
anyo sa mga bagay na bumubuo sa ating kapaligiran ang wastong paggamit
sa salitang naglalarawan. Maaari ding tiyak na makapaglarawan sa
katangian at ugali ng isang tao o hayop ang paggamit ng angkop na salitang
naglalarawan.
Samakatuwid, nakatutulong nang malaki ang mga salitang
naglalarawan upang bigyang-katangian ang isang bagay o ugali maging sa
damdamin at mga pangyayari sa ating kapaligiran.

May mga salitang naglalarawan na maaaring gamitin sa tao na hindi


naman maaari sa bagay. May mga pangyayari din naman na kapag ginamit
na ang salita sa pagbuo ng taludtod ay nababago ang kahulugan o hindi
gaanong napalilitaw ang nais ipakahulugan at hindi nagiging matimyas ang
salita.

Halimbawa na lamang ay sa salitang matangkad na bagamat ito ay


tumutukoy sa taas (height) ay hindi maaaring gamitin sa paglalarawan sa
taas ng gusali.

Mga Halimbawa:

1. Nakatatakot ang magpatayo ng mga matatayog na gusali sa lugar


na may malambot na lupa tulad ng sa Baguio.
2. Matangkad ang aking panganay na anak sa kaniyang edad na
labing apat na taong gulang.

Mapapansin na ang salitang “matatayog” at “matangkad” ay parehong


tumutukoy sa taas (height) ngunit hindi maaaring mapagpalit ang gamit
sapagkat hindi aakma ang nais na iparating. Hindi maaaring maging

12
matangkad na gusali at matayog na anak. Kapag ginamit ang matayog sa
anak upang ilarawan ang taas nito makapagbibigay ng ibang paglalarawan
sa anak.
Karagdagang Halimbawa
1. Manipis ang papel na nabili ko sa tindahan kaya madali itong
napunit nang mahila ni Ruben.
2. Payat ang aso ng aking kaibigan dahil kagagaling daw nito sa
sakit.
Makikita rin sa karagdagang halimbawa na ang salitang manipis at
payat ay parehong tumutukoy sa sukat ngunit hindi rin maaaring
mapagpalit ng gamit sapagkat hindi aakma ang nais ipakahulugan nito.
Hindi maaaring maging mapayat na papel at manipis na aso.

Pagyamanin

Gawain 1: Kultura’y Isa-isahin!


Panuto: Isa-isahin ang mga kulturang kanluraning Asyanong masasalamin
mula sa akdang binasa. Kopyahin sa hiwalay na papel ang pormat sa ibaba
at isulat ang sagot sa loob nito.

Mga Kulturang Masasalamin sa Akda

13
Gawain 2: Bayani mo, Ilarawan mo!
Panuto: Pumili ng isang tauhan na maituturing na bayani sa akdang binasa.
Gamitin ang mga angkop na salita sa paglalarawan upang maibigay ang
mga kulturang Asyano. Kopyahin sa hiwalay na papel ang pormat sa ibaba
at isulat sa loob ng mga hugis ang iyong sagot.

Pangalan
ng Napiling
Tauhan

Katangian Kulturang Katangian


ng bayaning Asyano ng bayaning
napili napili

Katangian Katangian
ng ng
bayaning bayaning
napili napili

Gawain 3: Swak at Tumpak!


Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na salitang naglalarawan upang
mabuo ang pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.

1. Dumagsa sa kaniyang paligid ang mga matataas, matatayog na


tao sa bayan at ng mga mandirigma.

2. Mas matibay, makisig si Sohrab kumpara sa kaniyang mga


kaibigan.

3. Lumaki si Sohrab na isang lalaking mabangis, matapang


na handang makipaglaban.

4. Ang kaharian ng Samangen ay malapad, malawak .

5. Bumukas ang pinto ng silid ni Rostam at pumasok ang


mahinang, mababang tinig mula sa labas.

14
Isaisip

Binabati kita! Matagumpay mong nasagutan ang mga gawaing


inihanda ko para sa iyo. Sa bahaging ito, iyong lagumin ang mga natutuhan
mo sa aralin. Handa ka na ba? Tiyak na kayang-kaya mo rin itong gawin.
Halina’t simulan mo na!

Panuto: Dugtungan ang sumusunod na pahayag upang mabuo ang


kaisipang natutuhan sa aralin. Isulat sa hiwalay na papel ang sagot.

Natuklasan ko na _________________________________________.
Natutuhan ko na __________________________________________.
Mahalaga ang _____________________________________________.

Isagawa

Panuto: Gamit ang mga angkop na salitang naglalarawan, sumulat ng


islogan na sumasalamin sa kultura at bayani ng Kanlurang Asya. Gawin ito
sa hiwalay na papel.

RUBRIK SA PAGTATAYA SA PAGSULAT NG ISLOGAN

5 4 3 2
Pamantayan puntos puntos puntos puntos

Pagkamalikhain
Organisasyon
Wastong Paggamit ng Salitang
Naglalarawan
Sumasalamin sa kultura
ng Kanlurang Asya
Kabuuang Puntos

15
Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong.


Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa hiwalay na papel.

1. Isinukat ko ang sapatos na binili sa akin ni nanay noong nakaraang


taon ngunit masikip na ito. Ano ang salitang naglalarawan na ginamit
sa pangungusap?
A. binili C. masikip
B. isinukat D. sapatos

2. Ang daan patungo sa pinakatuktok ng bundok ay lubhang makitid


kaya dapat na mag-ingat. Ano ang salitang naglalarawan na ginamit
sa pangungusap?
A. bundok C. lubhang
B. daan D. makitid

3. Mapanganib ang maglakbay sa karagatan lalo na kapag may bagyo.


Ano ang nasalitang naglalarawan na ginamit sa pangungusap?
A. bagyo C. maglakbay
B. karagatan D. mapanganib

4. Ayon sa balita magiging _______ ang panahon ngayong araw dahil sa


namumuong bagyo. Ano ang wastong salitang naglalarawan na bubuo
sa pangungusap?
A. madilim C. malamlam
B. makulimlim D. matamlay

5. Ang kulay ng aming bubong ay masyadong _______ kaya masakit ito


sa mata kapag nasisinagan ng araw. Anong salitang naglalarawan ang
bubuo sa pangungusap?
A. makinang C. maniningning
B. malinaw D. matingkad

16
6. Inanyayahan ng Hari na tumuloy sa kaniyang tahanan si Rostam
upang makapagpahinga at doon ay mamalagi muna. Anong kaugalian
ang masasalamin sa tagpong ito?
A. mapanuri sa kapwa
B. palakaibigan sa kapwa
C. mapagkumbaba sa kapwa
D. pagiging handang tumulong sa kapwa

7. Labis ang kaniyang kalungkutan nang malaman na nawawala ang


kaniyang alaga na si Rakhsh. Anong kaugalian ang masasalamin sa
pangyayari?
A. maalalahanin sa alaga
B. mapagkalinga sa alaga
C. pagiging mapagpahalaga sa alaga
D. hindi alintana kahit mawala ang alaga

8. Sa pagdating niya sa kaharian ng Samangen hinarap siya ng hari


maging ng mga mamamayan at matataas na tao upang alamin ang
nangyari. Anong kultura ang masasalamin sa tagpong binanggit?
A. maasahan sa pag-alam ng pangayayari
B. mapagpasalamat lagi dahil may panauhin
C. bukas ang isip sa pag-alam ng nangyari sa panauhin
D. pagiging magiliw at magalang sa pagtanggap ng panauhin

9. Nagpasalamat agad si Rostam sa Diyos na si Ormuzd nang malaman


niyang nakita na ang kaniyang nawawalang alaga. Ano ang kulturang
Persyano ang ipinakikita dito?
A. mapagbigay sila sa kapwa
B. mapagmahal sila sa kanilang alaga
C. matiyaga sila sa paghihintay sa alaga
D. pagiging mapagpasalamat sa kabutihan ng Diyos

10. Sinabi niya kay Sohrab na mahalin at ingatan ang regalo sapagkat
nagmula ito sa kaniyang ama. Anong kaugalian ang sinasalamin sa
bahaging ito?
A. mahalaga ang pagreregalo sa kapwa
B. ipinamamalas ang pagiging mapagpasalamat
C. ugali ng pagiging maaalalahanin sa lahat ng oras
D. ipinapakita sa tagpo ang kahalagahan ng pagpapahalaga

17
Karagdagang Gawain

Mahusay! Binabati kita sa iyong ipinakitang kasipagan sa pagsagot sa


mga nagdaang gawain. Ngayon naman ay narito na ang huling gawain para
sa iyo.
Panuto: Sumulat ng isang maikling talata gamit ang mga salitang
naglalarawan tungkol sa pagpapahalaga ng Kulturang Asyano. Gamitin ang
pamantayan sa pagmamarka bilang gabay. Gawin mo ito sa hiwalay na
papel.

Pamantayan sa Pagmamarka

5 4 3 2
Pamantayan puntos Puntos puntos puntos
Nilalaman

Organisasyon

Wastong Paggamit
ng Salitang Naglalarawan

Kabuuang Puntos

18
Susi sa Pagwawasto

19
Sanggunian
Peralta, Romulo N. et al. (2014) Panitikang Asyano 9 Meralco Avenue,
Pasig City. Department of Education – Instructional materials
Council Secretariat (DepEd-IMCS), Vibal Group, Inc.

Wordpress. 2019. Shahnameh (Ang Epiko ng Mga Hari), salin sa Ingles ni


Helen Zimmern at salin sa Filipino ni Daniel Avila De Guzman.
https://likhaharaya.wordpress.com/2019/07/09/shahnameh-ang-
epiko-ng-mga-hari/

20

You might also like