You are on page 1of 12

A L A M A T

LAYUNIN:
g bu m u b uo s a isa ng alamat.
ak ikilala ang m g a e le menton
1.N
n g pa h ay ag m ula s a binasa.
ah ulug an ang m ata ta linhaga
2.Nabibigyang k

us ulat ng s ariling alamat


3.Nakas
MAGKWENTO TAYO
Kung Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto
Isang Alamat Mula sa Baguio

MGA ELEMENT NG ALAMAT

TAUHAN : Kunto, mga igorot


TAGPUAN: Suyuk- isang nayon sa baguio
SAGLIT NA KASIGLAHAN: Tumaas nang tumaas ang puno at hindi na
maabot ang mga dahon nito
TUNGGALIAN: . Tinaga nila nang tinaga ang puno at binungkal ang lupa
upang lumuwag ang mga ugat.
Kung Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto
Isang Alamat Mula sa Baguio

MGA ELEMENTO NG ALAMAT


KASUKDULAN: Nang malapit nang mabuwal ang punongkahoy ay
kumidlat nang ubod-talim. Kumulog nang ubos-lakas at parang
pinagsaklob ang lupa at langit. Ang punongkahoy ay nabuwal.
KAKALASAN: Ang puno ay nilulon na ng lupang kinabuwalan
KATAPUSAN: Nagkaroon na ng minang ginto sa baguio at
nakukuha lamang ito sa pamamagitan ng paghukay sa lupa.


Panuto: Bigyang kahulugan ang sumusunod na matatalinhagang pahayag
mula sa binasang alamat sa itaas. Isulat ang letra ng iyong sagot sa notebook

1. “Hindi ninyo sinunod ang aking ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang
puno. Sa tuwi-tuwina ay inyong nanaisin ang gintong iyan.” Ano ang nais
ipakahulugan ng pahayag na ito?

A. Palaging nanaisin ng mga tao na makahawak sa ginto.


B. Palaging nanaisin ng mga tao na magkaroon ng ginto.
C. Palaging nanaisin ng mga tao na magkaroon ng bagay na higit sa kanilang
pangangailangan.
2. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang pinakamalakas at
pinakamatapang sa kanilang nayon kaya siya ang ginawang puno ng
matatandang pantas.

A. Si Kunto ay kinakitaan ng mga matatatanda sa baryo na mayroong


potensyal upang mamuno sa isang nayon.
B. Si Kunto ay may katangian na hindi kapani-paniwala.
C. Si Kunto ay may kakayahang ipagtanggol ang buong nayon dahil sa
labis labis na lakas na taglay.

3. Hindi pa siya lubhang nakalalayo nang nakakita siya ng isang
uwak. Nakatayo ito sa isang landas na kanyang tinutunton.
Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay maiilap ngunit ang ibong ito
ay kaiba.

A. Mahiwaga ang uwak na nakita ni kunto, ito marahil ay bathala.


B. Mahiwaga ang mga ibon sa kagubatan
C. Mahiwaga ang uwak na nakita ni kunto sapagkat siya ay
maituturing na pinakamahusay na mangangaso.

4. Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk. Ang
dati nilang matahimik na pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at
inggitan.

A. Ang labis na paghahangad ng kayamanan ay mabuti sa bawat


indibidwal.
B. Ang labis na paghahangad ng kayamanan ay maaaring magdulot ng
pagkainggit sa kapwa at pagiging makasarili.
C. Ang labis na paghahangad ng kayamanan ay maaaring magdulot ng
pagsusumikap sa buhay upang magtamo ng maraming salapi.

5. Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay
kumuha ng mga sibat. Tinaga nila nang tinaga ang puno at binungkal
ang lupa upang lumuwag ang mga ugat.

A. May mga taong likas na malalakas at kayang gawin ang kahit ano pa
mang bagay.
B. May mga taong hindi kayang pigilin ang sariling kagustuhan kaya
gumagawa ng hindi mabuti.
C. May mga taong hindi marunong makontento sa buhay at
naghahangad pa ng labis labis sa kung ano ang maaaring matanggap.

Panuto: bumuo ng isang alamat batay sa mga larawang makikita sa
ibaba.

tampulan ng tukso
Virus na walang
Noong pangalan
unang
panahon...

Tulong mula kay


tampulan ng tukso premyo Sasali ba o Master Bat
hindi?

Ang Alamat ng Corona Virus


Panuto: Punan ang grapikong representasyon ng angkop na mga kasagutan
upang mabuo ang kaisipan kaugnay ng natutunan mula sa tinalakay. Gawin ito sa
inyong kwaderno.

katangian

katangian alamat katangian

katangian
Paano nakakaapekto ang alamat sa buhay ng tao?

You might also like